P.O.P 30

553 20 8
                                    

#PresentC30

"Anong balak niyo ngayon?" Tanong ko kay Tita pagkatapos niyang kausapin yung doktor

"Sabi ng doktor yung mga importanteng pangyayari͵bagay at tao yung mga nakalimutan niya kanina noong tinanong niya yung babae kung kilala ba niya yung mga magulang niya͵kaibigan o kung saan siya nakatira pero wala"

"Kawawa nga siya hindi ko akalain na ganito pala ang mangyayari sa kanya napakabata pa niya para maranasan to" dagdag ni Tita

"Kailangan niya ng pangalan Tita" sabi ko

"Oo nga pala ano bang magandang pangalan?"

"Wala akong alam sa ganiyan Tita"

Pinuntahan na ulit namin yung babae nadatnan naman namin silang nagtatawanan ni Lance.

"Aba anak nakuha mo na agad ang loob ha"

"Ma kinukwentuhan ko lang po si Ate para hindi siya mainip tapos nagjojoke din ako diba ate?"

Napatingin ako sa babae na ngumiti at tumango ngayon ko lang siya nakitang ngumiti masasabi kong mas maganda siya pag nakangiti

"Kamusta na ang kalagayan mo iha?" Tanong ni Tita

"Okay naman po ako"

Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi siya malungkot samantalang wala siyang maalala

"Ma ano po bang pangalan ni Ate?" tanong ni Lance

Napatingin si Tita sa akin pagkatapos ay doon sa babae

"Kate͵ Kate na ang pangalan mo simula ngayon"

Saan naman nakuha ni Tita yung Kate? Pero okay naman siya magandang pakinggan

"Ayos ayan may pangalan ka na Ate Kate!" nakangiting sabi ni Lance

Napangiti si Kate

"Salamat po" sabi niya kay Tita

"Walanganuman simula ngayon Kate parte ka na ng pamilya namin huwag ka ng mahiya ah?"

"Sige po Tita"

"Nay na lang ang itawag mo sa akin"

Makikita mo sa mukha ni Tita na sobrang saya niya sa wakas natupad na rin yung pinapangarap niya na magkaroon ng alagang babae

"Eto talagang si Mama edi kung Nay ang tawag mo kay Mama ibig sabihin ate talaga kita? Magkapatid na po ba kami Ma?" naeexcite din na tanong ni Lance

"Oo naman anak yun ay kung payag si Kate"

"Okay lang po" sagot niya

"Yes! Sa wakas may ate na din ako" masayang sabi ni Lance at niyakap si Kate

"Anak dahan-dahan naman" sabi ni Tita gusto lang naman sumali ni Tita niyan

"Kuya Jao maghi ka naman kay Ate Kate"

Napansin na naman ako ng batang to nananahimik na nga ako sa tabi

Aksidente namang nagtama ang mga mata namin

"Hi Jao" nakangiting sabi niya dahilan para mapangiti ako

Bigla akong napatingin kay Lance na nang-aasar tapos si Tita nakangiti sa akin sinamaan ko nga sila ng tingin

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now