P.O.P 8

1.6K 32 5
                                    

#POPChapter8

"Bumangga yung barko natin!!! Nasira yung makina"

Biglang nagpanik yung mga kasama namin lalo na't nasa gitna kami ng dagat at hindi maganda ang panahon nagbabadyang umulan dahil natatakpan ng dilim ang kaulapan.

*BOOGSH!!!*

Isang malakas na tunog kasabay ng pagalog ng barko kung saan lalong nagpanik ang marami yung iba nagsisigaw sa iyak at yung iba hindi matukoy ang gagawin.

"Students! Please calm down"

Nilibot ko yung tingin ko..

Hinahanap ko siya kung may mangyayari mang masama sa amin gusto ko kasama ko siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Angela ng bigla akong tumayo

"Pupuntahan ko si Franz"

"Nathalee delikado baka kung anong mangyari dumito ka na muna"

"Angela kailangan ko siyang makita paano kung may masamang mangyari sa kanya?"

Biglang may isang estudyante ang pumukaw ng atensyon naming lahat para bang takot na takot ito.

"May sunog! May sunog sa ilalim!"

Napasigaw sa takot lahat hindi malaman kung ano ang gagawin. Sina Franz nasa ilalim sila doon yung kwarto nila kailangan ko siyang puntahan.

Dalidali akong tumakbo kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Gusto ko siyang makita gusto kong makasiguro na ligtas siya.

*BOOGSH*

Nadapa ako dahil sa gumalaw na naman ang barkong sinasakyan namin mukhang malaki ang napinsala matapos itong mabangga. Naramdaman ko na nahulog yung bracelet na suot ko.

"Okay ka lang?"

Isang kaklase ko ang lumapit sa akin tsaka ako tinayo.

"Salamat"

Pupulutin na sana niya yung bracelet ko ngunit hindi ko na siya hinintay sa halip ay tumakbo na ko papunta sa baba.

"Franz! Franz!" Sigaw ko

Nakasalubong ko naman ang ilang mga kalalakihan na nagsisipanik dahilan na nasusunog na nga sa ilalim.

"Franz!Franz!" Sigaw ko muli

"Nathalee"

Mabilis akong lumingin upang makita siya napangiti naman ako at niyakap siya.

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako tara na Nathalee kailangan na nating makaalis rito"

Sabi niya at hinila ako..

"Bilisan niyo may mga rubber boats na lumipat na kayo roon"

Kahit papaano ay nawala ang takot ko dahil alam kong ligtas ako sa kamay ni Franz.

Napatigil kami sa pagtakbo ng maramdaman namin na parang lumulubog na yung barko na sinasakyan namin. Nagkatinginan kami ni Franz..


Napaiyak na ko sa takot naging mabilis ang mga pangyayari hindi nagtagal ay nabitawan namin ang isa'tisa sinisigaw niya yung pangalan ko pero ako hindi na ko makasigaw dahil sa takot hanggang sa naramdaman ko na lang na parang may matigas na bagay na tumama sa ulo ko at nawala na lahat.

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now