P.O.P 25

1.4K 32 4
                                    

#POPChapter25

"Ang hirap naman Franz sumasakit na ulo ko eh pwede bang matulog muna ko?"

Kanina ko pa kasi pinipilit imemorize yung isang poem sa English hindi ko mamemorize lagi akong nabubulol o di kaya naman ay nakakalimutan ko yung ibang mga words.

Naningkit naman yung mga mata niya "Natnat madali lang siya promise"

"Iba naman kasi ako sa iyo ikaw agad mong namemorize kamusta naman ako 1 oras na ang nakalipas pero nganga pa rin"

"Don't give up okay? Kaya mo iyan worth it naman kung gusto mong mamaintain yung pagiging achiever mo kailangan mong magsakripisyo"

Napakamot ako sa ulo ko bakit ba kasi ang hirap magmemorize? Sumakit na nga yung mata at ulo ko tapos tuwing nagkakamali ako binabalibag ko yung libro.

"Hindi kita papansinin bukas kapag di mo namemorize iyan buong araw iyon kahit magmakaawa ka pa"

"Seryoso?"

Tumango siya.

Kaya ko naman yun diba? Kahit hindi ako pansinin ni Franz buong araw.

"And kakausapin ko si Mharj" nakangisi niyang sabi sinapak ko nga

"Niloloko mo ko eh"

"Magmemorize ka na lang kasi Natnat sayang oras ililibre kita ng pizza pag namemorize mo iyang poem na iyan"

Pizza daw? Napaisip ako parang biglang nagresponse yung tiyan ko ang tagal ko na ring di nakakakain ng pizza.

"Oo na basta yung pizza ko ah?"

Serious mode na naman kahit na sumasakit na yung ulo ko pinilit ko pa rin para sa pizza dejoke siyempre para din to sa grade ko mahirap na baka mazero ako sa recitation bukas.
Pagkatapos ng 1 oras at kalahating minuto namemorize ko na rin.

"Game na Franz ready nako"

"Okay recite"

Huminga muna ako ng malalim tsaka nirecite yung poem at nakahinga naman ako ng maluwag nang matapos ko ito mabuti na lang hindi ako nagkamali at wala akong nakalimutan si Franz pa lang kaharap ko nanginginig na ko sa kaba paano pa kaya bukas?

"Edi may pizza ka na" nakangiting sabi ni Franz

"Okay lang ba? Ayos lang?"

"Okay na okay wala ka ngang mali kailangan mo lang talaga ng kapalit para ganahan ka eh noh?"

"Hindi naman tara na bili na tayo ng pizza nagugutom na ko eh"

Dumaan muna kami sa Pizza parlor bago umuwi.

"Tuloy na tuloy na talaga yung seminar niyo sa makalawa?"

"Yep wala ng urungan"

Pupunta kasi silang dalawa ni Ayen(vice president) sa Baguio para sa Seminar sa Friday tapos Monthsary pa naman namin sa Sunday eh gabi pa uwi nila makakapagcelebrate pa kaya kami?

Nitong mga nakaraang monthsary namin walang masyadong surprise ang naganap.

3rd Monthsary - Nagmall lang kami nanood ng Cine͵ Arcade͵Shopping

4th Monthsary- Nagkaroon kami ng dinner with the family sa isang restaurant

5th Monthsary- Dinala niya ko sa park namasyal kami tapos nagbike͵ nagfoodtrip at kung anu-ano pa.

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now