P.O.P 20

2K 46 9
                                    

#POPChapter20

"And last but not the least congratulations to our top 1 Mr. Joseph Franz Reyes you did a great job! Congrats everyone! See you all for the recognition tomorrow"

Napatingin ako sa kanya sobrang saya niya at siyempre sobrang saya ko din nakakaproud kaya biruin mo top 1 yung boyfriend mo! Kinikilig ako kahit papaano wala man ako sa top masaya naman ako dahil sa kanya pangarap niya to eh kaya susuportahan ko na lang siya.

"Natnat"

"Uy!"

Ah! Tinatawag na pala niya ko ang lalim kasi ng iniisip ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Lalim ng iniisip mo ha?"

"Ahm wala.. Congrats nga pala! Proud na proud ako sa iyo alam mo iyan I love you" sabi ko at kinindatan siya

"Talaga?"

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Tayo ka nga diyan" nakaupo kasi siya sa upuan

Tumayo naman siya..

Bigla ko siyang niyakap.

"Congrats Franz ko!!! Top 1 nakakaproud I love you so so so much"

Ramdam ko na nakatingin yung mga kaklase ko sa amin tapos narinig ko pa silang inaasar kami basta ang akin lang ngayon masaya ako.

Niyakap naman niya agad ako "Thank you Natnat! I love you too so so so much!"

"Ehem lovebirds"

Napatingin kami kay Angela na nasa harap namin kaya kumawala na kami sa yakap.

"Bes congrats so proud din ako sa iyo" sabi ko kay Angela at niyakap din siya top 8 eh

"Nako Bes! Akala ko hindi mo na ako ikocongrats thank you"

Nakakaproud talaga kahit na wala ako sa top talagang ganyan pero siguro ang sarap din sa feeling pag nasa top noh? May chance kayang maransan ko iyon kahit sumabit lang ako sa 10 ayos na. Hay! Malabo siguro hindi naman kaya nitong utak ko eh.

"Blowout naman ang top 1 diyan!" Pangaasar ni Angela kay Franz nakalabas na kami sa room sabay kaming tatlong naglalakad

"Pati na rin ang top 8" sabi ni Franz

"Libre niyo kong dalawa parehas kayong nasa top eh!" sabi ko at umakbay sa kanila nasa gitna kasi ako

"Ay naccr pala ako sige una na kayo sa Gym sunod na lang ako"

"Bes naman!"

Natawa siya "Pagiisipan ko muna Bes sige una na kayo ni Franz magccr lang talaga ako"

"Samahan na kita?"

"Huwag na kayo ko na sarili ko bye!" at nagtatakbo siya palayo sa amin

"Caf muna tayo?" tanong ni Franz tumango naman ako

"Franz nasabi mo na ba kela Tita at Tito na top 1 ka?"

"Oo nagtext ako sa kanila kanina bakit?"

"Wala lang ang saya siguro nila noh? Eh ikaw ano namang naramdaman mo noong sinabi ng teacher natin na top 1 ka?" curious lang talaga ako

"Hmm.. masaya siyempre sulit yung mga hardworks"

"Ah sa tingin mo Franz may chance kaya akong pumasok sa top?"

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now