P.O.P 27

783 34 12
                                    

A/N: Thank you sa mga nakaappreciate ng nakaraang chapter :) Just keep on reading and supporting.. Btw this Chapter FRANZ POV tayo.   Enjoy reading!

#POPChapter27

Tumalon ako kahit na sobrang lakas ng ulan at alon sa totoo lang natatakot din ako hindi ko lang pinapakita kay Nathalee ng sa ganoon ay lumakas din ang loob niya kahit papaano.

Sobrang lamig ng tubig pinagmasdan ko siya kung gaanong tapang siyang tumalon. No choice talaga pag di kami tumalon masusunog kami sa loob.

"Franz!" sigaw niya nang makatalon na siya

Natatangay din ako ng alon at sobrang lakas din ng ulan idagdag mo pa ang sobrang dilim. Pinipilit kong maging malakas at matapang para sa kanya.

"Nathalee" ang layo namin sa isa'tisa dala ng alon na tumatangay sa amin

"Nathalee pupunta ako diyan hintayin mo ko" kailangan ko siyang puntahan hindi kami dapat maghiwalay alam kong takot na takot siya sa oras na ito kahit di ko man masyadong matanaw yung mukha niya

Lumangoy ako papunta sa kinaroroonan niya.

Habang lumalangoy ako andaming sumagi sa isip ko sina Mommy͵Daddy͵Jaymee at mga kaibigan namin sana malampasan namin to sana maligtas kami.

Napatigil ako nang may maramdaman akong hapdi sa may paa ko pagtingin ko may sugat na pala ako.

Nahirapan akong lumangoy dahil hindi ko masyadong maigalaw yung isang paa ko kaya naman umahon na muna ako at hinanap siya.

"Franz!"

Bakit ganoon? Ang layo pa rin namin sa isa'tisa? Gusto ko na siyang lapitan gusto ko ng hawakan yung kamay niya para sabay kaming lumangoy at gusto ko din siyang yakapin para mawala yung kaba na nararamdaman niya.

Pero hindi ko magawa ni hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko ngayon tanging alon lang ang nagdadala sa akin.

"Nathalee! Natnat nasugat yung paa ko di ako makalangoy ng maayos"

Pagkatapos kong sabihin yun ay lumangoy siya.

Hinintay ko siya pero bakit parang ang tagal?

Kaya naman lumangoy ako sa ilalim kahit masakit tiniis ko para lang makita siya.

Wala akong makita kaya umahon ako uli.

"Nathalee! Nathalee! Nathalee nasaan kana?" Sigaw ko

Kinabahan ako at tumulo na yung luha sa mga mata ko.

"Nathalee!"

Lumangoy ako ulit para hanapin siya pero bakit hindi ko siya makita?

"Nathalee! Nasaan ka na ba?!" Halos mawalan na ko ng boses kakasigaw sa pangalan niya pero wala pa rin

*BOOGSSHH!*

Sumabog yung barko na sinasakyan namin kanina.

Sina Angela at Phillip...

Sana nakaligtas sila

Sobrang sakit ng ulo ko kakaisip at kakasigaw ng pangalan niya hanggang sa kusa ng bumigay yung katawan.

"Nathalee!"

"Joseph anak"

Napatingin ako sa paligid ko sina Mommy͵Daddy at Jaymee.

Akmang tatayo sana ako pero biglang kumirot yung paa ko.

Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Where stories live. Discover now