P.O.P 6

1.3K 37 3
                                    


#POPChapter6

'Tonight we'll dance .. I'll be yours and you'll be mine We won't look back take my hand and we will shine'





Nagising ako sa sunod-sunod na pagring ng cellphone ko anong oras na ba? Ni hindi pa naman ako ginigising ni Mommy.


Nakapikit akong kinuha yung cellphone ko at sinagot kung sino man ang tumatawag.

"Hello"

("Bes! Nasaan ka na ba? 5 Minutes na lang magriring na yung bell magsisimula na yung klase remember si Ms.Macalino yung teacher natin")

Bigla akong napamulat sa sinabi ni Angela tinignan ko yung oras sa cellphone ko.

"OhMyGosh! 7:25 na? Bes kakagising ko lang sige na maliligo na ko!"

Dalidali akong naligo at nagbihis kababa ko walang tao kaya naman pala pumunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain man lang may nakita naman akong isang sandwich mabuti na lang at nakaplastic na ito at nilagay ko na sa bag ko tsaka dalidaling nagtatakbo palabas ng Subdivision.

Kalabas ng Subdivision ay sumakay na ko ng taxi kahit papaano naman ay nakahinga na ko ng maluwag pero hinihingal pa rin ako. Bakit hindi man lang nila ko ginising?

May biglang nagtext..

'From:Mommy
Anak maaga kaming umalis ng Daddy mo bibisita kami kela Lola Tess at Harvey Ingat sa pagpasok'

Kaya naman pala walang nanggising sa akin kasi maaga sila umalis eh si Kuya Nathan bakit di man lang niya ko ginising hay nako! Lagot sa akin yun mamaya.


Napatingin ako sa oras nako naman! 7:45 na siguradong nasa room na si Ms.Macalino lagot ako nito bakit ba kasi siya pa yung first period namin.

"Manong pwede pong pakibilis late na po kasi ako eh"

Tumango naman agad yung driver.. Isa rin sa dahilan kung bakit late ako nagising ay dahil late na rin akong natulog kagabi Hello! Nagreview kaya ako sa English at Geometry tapos yung Chemistry pinilit kong intindihin pero nahihirapan talaga ako kaya nga umabot ako ng hating gabi hay bahala na kay Ms.Macalino.








Kadating sa school kumarimpas na ko ng takbo papunta sa room namin grabe! Bahala na kung mukhang haggard ako..






"I'm so happy that matataas naman yung results ng long test niyo"




Kahinto ko sa pinto napatingin sila sa akin maging si Ms.Macalino na napatigil sa pagsasalita.




"GoodMorning po Sorry If I'm late" sabi ko




Bigla naman niya kong tinaasan ng kilay..

"Ano pa nga ba ang aasahan ko sa iyo Ms. De Guzman? Take your sit" mataray na sabi niya at pumasok na ko

Nakita ko naman si Angela na nakatingin sa akin nginitian ko na lang siya parang sabihing okay lang ako.





Kaupo ko inayos ko yung sarili.

"Tss"

Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin napailing na lang siya at tinuon ang pansin sa teacher namin.

Maganda naman yung reason ko kung bakit ako nalate ah! Yun nga lang hindi talaga ako ginising kasalanan talaga ni Kuya to! Humanda siya sa akin.




Past or Present [ The Unexpected Marriage Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon