Chapter 40

3.9K 72 23
                                    

Callie's Point of View

"I am pregnant, Markus. And you're the father."  Nakangising aniya.

Everything stops. Everything around me  was faded. Para akong binuhusahan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Is this fucking real?! Hindi ba ako nananaginip?!

"What?!" Gulat na tanong ni Markus.

Hindi ko alam ang ire-react ko. Masyadong masakit. Nasaktan na ako dahil sa pagkawala ni mommy, pati ba naman sa kanya?

I tought everything was fine. But I was wrong. Very wrong.

"What's with that reaction Markus? Hindi ka ba matutuwa'ng, may anak ka na?" Nakangising aniya.

Nag iinit na naman ang mukha ko. Gusto kong umiyak! Gusto kong humagulgol! If this is just a dream, please wake me up. N-no, this is a nightmare. I can't move. I think my body was paralized already.

Lumapit si Markus palapit kay Kat at hindi parin ako makagalaw.

"Are you fucking serious?!" Galit na tanong ni Markus kay Katarina.

Pumameywang ito. "Yes, of course." Nakangiting aniya.

Napaiwas ng tingin si Markus at napasabunot sa sarili nya. Magiging daddy ka na hubby!

"Ang pangit naman siguro'ng lumaki si baby nang walang kinikilalang daddy, right?" She asked. "Oh well, I hope you're taking your responsibilities, Daddy Markus." Nakangising aniya at saka umalis.

Napaupo ako sa kama dahil feeling ko kahit anong oras matutumba ako. Narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto dahil kay Markus. Nakatungo lang ako. Hindi ko na alam. Masyado na talagang magulo ang buhay ko.

Napatingin ako sa kamay kong may puting bagay ang kumikislap. I smiled. Ang ganda ganda mo talaga. Ikaw sana ang palatandaang pagmamay ari ko na sya. Pero letcheng tadhana 'yan. Magpaparaya na naman ba ako?! Akala ko ba okay na ang lahat? Ano bang kasalanan ko't pinagtutulungan nyo ako?!

I can't help my tears from falling down. Masyadong masakit. Lumapit sya sa akin at bigla akong niyakap. Napapikit ako at mas lalong napahagulgol. Ramdam ko rin ang paghikbi ni Markus. Ang sarap sarap mong yakapin Markus. Pero huling yakap na ba 'to?

Humiwalay ito galing sa pagkakayakap sa akin at kompirmado ngang umiiyak si Markus. I wiped his tears while smiling. Ayokong makita syang umiiyak. Pumapanget sya eh. He must be happy kasi magkakaro'n na sya ng angel.

"Huwag ka nang umiyak, hubby." Nakangiting sabi ko sa kanya. Umupo sya sa harap ko para magka level kami at saka hinawakan nya ang mga kamay ko.

"I-i can't... leave you.." umiiyak na aniya. Naiiyak na ako ng bongga dahil sa sinabi nya pero pinipilit ko paring mangiti.

"Sus. Magiging okay din naman ako. Huwag ka nang sad, dapat maging happy ka kase may baby ka na.."

Pero patuloy parin sya sa pag iyak.

"FUCK IT! NO!" humahagulgol na sigaw nya.

Naiiyak na naman ako! Si Markus naman kasi eh. Ka-lalaking tao ang iyakin. Huhuhu!

"May mga bagay talaga hubby na kahit anong gusto natin, ay hindi para sa atin," mahinang sabi ko. "Parang ikaw lang at ako..."

"I damn love you so much wife! I can't lose you in my life.. I need you." Umiiyak na aniya.

Bawat salitang binitawan nya ay parang karayum na tumutusok sa puso ko. Pareho lang naman tayo hubby. Hindi ko din gustong mawala ka sa buhay ko. Ayokong isuko ka lalo na't nangako na akong magiging asawa mo sana. Pero tadhana na ang kumakalaban sa atin, hindi natin sya kayang labananin.

"Mahal na mahal din kita, hubby. At kahit kailan, hinding hindi magbabago 'yun." Mahinang sabi ko. Dahan dahan kong kinukuha ang singsing ko at saka inilagay sa nakakuyom nyang kamao. Nagulat pa sya nang makita nya ang ginawa ko.

Tumingin ito ng malungkot sa akin at nakakunot noo.

I smiled sweetly at him. "But Katarina needs you. You're baby needs you.." naiiyak na naman na sabi ko.

Isinubsob nya ang mukha nya sa hita ko at muling humagulgol. Magkahawak kamay parin kami na parang ayaw naming bitawan ang isa't isa. But we need to.

'I love you forever, hubby..'

Markus's Point of View

I can't throw my sight away from her. Pinagmamasdan ko ang maamo nyang mukha habang mahimbing na natutulog sa kama. Masyado kitang mahal para bitawan ko. Mahal na mahal kita at kahit magkaroon pa ako ng isang dosenang anak sa iba, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko.

Alam kong nasaktan kita ng sobra. Napaka gago ko sa part na 'yun. You don't deserve this kind of situation. Buong buhay mo wala kang ginawa kung hindi mahalin lahat ng tao sa paligid mo. Pero puro sakit lang ang nakukuha mo galing sa amin--- sa akin. Dahan dahan kong isinuot ang singsing sa kamay nya.

This is just for you.

I need to clean up my mess. Ayokong madamay ka pa dito. I need to face this kind of shit.

I kissed her forehead. "I love you so much, wife." I said before leaving the condo.

Andrei's Point of View

I can't wait here bringing her back to me. I hope they're doing the right thing. I need to work from my own. Ayokong maupo nalang dito at mag antay nalang sa kanila.

I'm driving all my way on Katarina's mansion. Hoping she'd talk to me. When I arrived there, dali-dali ko syang hinanap. I can't find her anywhere. Pero may isang lugar pa akong hindi napupuntahan. In her room. Dali dali akong umakyat papuntang kuwarto nya.

Naabutan ko syang nakaharap sa salamin at nakataas ang damit na animoy tinitignan ang sarili nyang tiyan. I was stunned when I noticed something.

"Oh, Andrei?" Nakangiting tawag nya sa pangalan ko.

Agad syang lumapit sa akin at hinarap ang mga sarili namin sa salamin habang nakakunot noo lang ako.

"Look oh!" She said happily habang tinuturo ang tiyan nyang pansin kong lumaki.

"What the heck is the meaning of this?" Takhang tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

Humarap ito sa akin nang nakangiti parin. "Don't you see? I'm preggy!"

Fuck it!

I can't utter a word.

Humarap ulit sya sa salamin. "Baby namin 'to ni Love! Hehe." 

I hold her two shoulders to face me. Bahagya pa syang mapangiwi nang ginawa ko 'yun.

"You can't do this to me." I seriously said.

"Nandito na 'to eh. Ano pa bang magagawa mo?" Taas kilay nyang tanong. "And besides, wala ka na akong pakealam sa'yo because I don't love you anymore. So, you better get out of my room bago pa man ako makunan dahil sa'yo." She said at saka ibinalik ang tingin sa malaking salamin sa harap namin.

Just fucking fuck it!

You're wrong, Markus Lee. You can't clean up your mess anymore. I won't allow you to be happy. Pagbabayaran mo ang ginawa mo.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now