Chapter 21

3.8K 86 2
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase nang sabihin ni Prof. Kim na may activity daw. At ang mas nakakagimbal dun, by partner. Eh since nag aral ako dito wala naman akong ibang ka-partner sa mga ganitong bagay kung hindi sya lang. Si Markus lang.

Actually nasasaktan parin ako sa ginawa nya kanina. Hindi dahil sa binagga o nabangga nya ako kung hindi ang, pagbabalewala nya sa akin.

'..at magbabago ang pakikitungo natin sa isa't isa."

Ito na ba ang sinasabi mo noong huli tayong magkita? Ito na ba ang ibig mong sabihin?

"Now, choose your partner." Wika ni Prof. Kim.

Nagkakagulo na ang lahat dahil sa paghahanap ng makakapareho nila. May ibang mag-jowa, magkapatid, o magkaibigan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nilingon ko pa ang lahat. Mukhang lahat sila may kanya kanya nang partner. Ako nalang ata ang wala. I'm sure gagawin ko ang activity na 'to nang mag isa.

Pero wala namang masama kung susubukan ko, hindi ba? Huminga muna ako nang malalim bago hinarap si Markus na deretso lang ang tingin kay Prof. Kim. At agad akong nagsalita.

"Mar--"

"Uy Joana? May partner ka na?" Putol nya sa sinabi ko at nagtanong dun sa isang babaeng classmate namin.

"Uhm.. wala pa nga eh."

"Geh. Tayo nalang." Ani ni Markus.

"Sure!"

OUCH!

And that's it. I tried but I just got a painful rejection from him. Hindi ko ma-explain ang kirot na naramdaman ko nun. Kanina, binalewala nya ako. At ngayon, umiiwas na sya sa akin.

Gusto kong sumigaw. Gusto ko syang bulyawan pero hindi ko magawa. Why don't you just treat me like an ordinary classmate? And not like this Markus. Kahit tratuhin mo lang akong bagong kaklase mong hindi mo kilala, huwag lang 'yung ganito. Hindi ko kaya eh. Siguro nga, kung kaklase lang namin si Katarina, 100% sure akong sya ang lalapitan nun at hindi ako.

"Hey!" May kumalabit sa akin sa likod.

"Uy Kev.." nginitian ko sya ng isang mapait na ngiti.

He don't have an idea kung paano nya napagaan ang loob ko kanina. And thankful ako kasi dumating sya.

Nilingon nya si Markus sa likod ko at tinaas-baba ang kilay nya. Parang sinasabi nyang sinasaktan na naman daw ako ni Markus. Okay lang, noon pa naman eh.

"Ako nalang ang magiging partner mo." Nakangiting aniya.

"T-talaga?" Weh? Baka naman pinapaasa ako neto.

"Hahaha! Oo naman no. Why not?" Sagot nya.

And he saved me, again! Hays. Minsan nakukulitan ako kay Kevin, but I love it. Nakakawala ng lungkot kapag nag uusap kami neto. Hahaha!

At ang activity na pinapagawa para ni Prof. Kim, ay debate. Bale dalawang mag-partners ang magdi-dibate. Bumunot kaming lahat ng mag-partners ng number. At kung minamalas ka nga naman oh.

Sina Markus at Joana ang kalaban namin.

Letcheng tadhana naman 'to eh. Sya na nga 'yung lumalayo pinapalapit mo pa? Lasing ka ba? Adik? Nagda-drugs? O may problema ka lang talaga sa akin?!

Nasa harap na kami at naka upo both sides. Our topic is all about, Annulment. Disagree 'yung samen tas sa kanila naman agree.

Hindi ko alam pero kinabahan nalang ko bigla.

Tumayo si Joana. "So uunahan ko na guys ah. I agree about 'annulment' kase we can't force a couple naman to stay together kahit wala nang love sa isa't isa hindi ba." She sat.

Then Kevin in my side stood up. "No. I disagree." Wika nya. "You're thinking about 'love', hindi mo iniisip kung ano ang bunga ng pagmamahalan ng isang couple. Just think of it, a kid growing with an incomplete family? How Rude."

Joana stood up. "Duh! That kid can decide kung sa'n nya gustong sumama 'pag nagkataon. And, pwede namang magpalitan ng pag aalaga ang mga parents nya." Sinabihan ba nya kaming, duh~?

Anong akala sa amin ng Joanang 'to? Kaaway sa high school?

Tumayo ako nang may halong inis. "Is that appropriate for you, girl?" Aniko. "Every couple in this goddamn world faces a lot of problems, fights, and struggles. Problema lang 'yan teh. Tawanan mo 'yan! Walang problemang hindi nasusulosyunan. And the person who gives up easily, wala sa ka-partner nya ang problema, kung hindi sa sarili nya mismo!" I said.

"Really?" Singit naman ni Markus. Bahagya pa akong napatigil dahil sa pagtayo nya. "Masisisi mo bang NANLANDI ang isa, kasi akala nya hindi na sya mahal nung isa?" Cold na sabi nya sa akin.

Napakunot noo nalang ako. Bawat salitang sinasabi nya kasi, parang may ibig sabihin. And wow, napansin rin nya ako ngayon. Ngayon pang nagdi-debate.

"If you really love the person, why did you find another one? Para ano? Para ipampalit? How rude is it?" Natatawa pang aniya. "Kung malandi ang tao, malandi talaga. Kung manloloko ang tao, manloloko talaga. Kung manggagamit ang tao, manggagamit talaga." Aniya at saka ako tinapunan ng nakakalokong ngiti.

"Alright alright that's enough for me." Pagputol ni Prof. Kim.

Agad na kaming bumalik sa kung saan talaga kami nakaupo para ang susunod na grupo na naman ang magdi-dibate. This time, hindi na sa dating upuan nya naka upo si Markus. Umupo sya sa ibang upuan. I guess naiinis sya sa akin? Bakit? Dahil ba sa sinabi ko kay Joana? Tss. Mas dapat ko pa nga syang kainisan eh.

Kapag nakikita kita nasasaktan na ako. Kapag nakakausap naman kita nasasaktan ako. Kahit pa nga iniisip palang kita sobrang nasasaktan na ako. Now tell me, ganun nalang ba lagi ang dulot mo sa akin? Ang saktan ako? Noon okay lang kasi hindi mo naman alam  na nasasaktan mo ako. Kasi ako lang naman ang gumagawa ng bagay na ikakasakit ng sarili ko. Pero ngayon? Sinasadya mo na eh. May ginagawa ka na para masaktan ako. And I can't handle it.

Kung hindi ka para sa akin, tatanggapin ko na.

Susubukan ko nang tumigil kahit hindi ko alam kung paano.

Basta.

Simula sa araw na ito, kakalimutan na kita... pati na ang nararamdaman ko sa'yo mismo.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now