Chapter 36

4.2K 117 21
                                    

A/n: mejo mahaba haba. Mas mahaba pa sa relasyon nyo. Char. :D

Callie's Point of View

"Mommy? Mommyyy!!" Sigaw ko kay mommy habang papasok nang pinto.

Nanonood lang sya ng T.V at gulat na napatingin sa akin. "Callie? Callie!!" Sigaw din ni mommy at saka tumayo para magyakapan kaming dalawa.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit. "Miss na miss po talaga kita, mommy!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

Sa pagkakaalam ko, two days and a half kaming nandun sa resort. Tapos nagkasakit pa ako. Hays!

"Miss na miss rin kita anak!" Sabi ni mommy sabay kawala galing sa pagkakayakap sa akin.

Bahagya pa nyang pinunasan ang kaunting luhang tumulo sa mga mata ko. Natapon ang tingin nya kay Markus na nasa may pintuan at nakatayo.

"Oh? Markus? Nandito ka pala?" Takhang tanong ni mommy kay Markus.

Eto naman si Markus umiiral na naman ang pagkabakla. Pft. Umiiwas iwas kasi sya ng tingin na parang nahihiya kay mommy. Sus! Akala mo naman talaga first time nyang ma-meet si mommy.

"A-ah, oho mommy-- este, tita." Sabi nya at saka nagmano kay mommy.

Watdapak?!

Hindi ko alam kung matatawa pa ako o maiinis kay Markus. Matatawa kasi 'yung reaksyon nya parang batang naiihi sa salawal. Maiinis kasi, ba't nya pa binawi 'yung 'mommy', pwede namang 'yun nalang 'yun. Tss.

"Nako ikaw talaga oo. Kamusta naman ang bakasyon nyo ni Keifer?" Biglang tanong ni mommy.

Nagkatinginan muna kami ni Markus bago ko sya sinagot. "A-ah, okay naman po mommy." Ani ko.

"Oh sya, sya, umupo muna kayo riyan at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Sabi ni mommy at nagpaalam na para pumuntang kusina.

Umupo kami ni Markus sa sofa namin at saka tinignan ko lang sya habang nililibot ang tingin sa paligid.

Ano kayang iniisip neto?

"Kay tagal narin..." biglang sabi nya na hindi tumitingin sa akin.

"Hmm? Ang alin?" Curious na tanong ko.

Tinapunan nya ako ng tingin at saka ngumiti ng nakakaloko. Syet. Napakagwapo mo parin Markus. Wala paring nagbago sa'yo. Sa mukha, sa ugali, lahat-lahat! Ikaw na ikaw parin.

"Ang tagal na nung huling nakadalaw ako dito." Mahinang aniya.

Bago pa man sya magdrama ay mahinang hinampas ko ang kanyang braso. "Sus! 'Wag ka na ngang sad. Ang importante, nandito ka na hindi ba?" Sabi ko sa kanya.

Tinanguan nya ako at nginitian bilang tugon. Bahagya nyang itinaas ang kanyang kamay at saka inipit ang buhok ko sa tenga ko. Hindi ko alam pero, parang hini-hypnotize nya ako dahil unti unting naglalapit ang mga mukha namin.

Habang naglalapit ang mga mukha namin ay pa-hina nang pa-hina ang tibok ng puso ko. 'Yung parang gusto mo nalang mawalan ng hininga para sa taong mahal mo.

Maglalapat na sana ang aming mga labi nang biglang magsalita si mommy. "Hay nako. Sana pala namalengke nalang ako nung isang araw. Ayan tuloy, naubos na ang--" napatigil pa sya sa pagsasalita nang makita nyang bigla kaming mag iwas ng tingin ni Markus.

"Ayos lang ba kayo mga anak?" Takhang tanong nya sa amin.

Napalingon ako kay Markus na pinipigilan pang matawa. At ganun din naman ako. Walang sumagot sa aming dalawa dahil nagpipigil kami ng tawa.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now