Chapter 16

4.8K 98 12
                                    

/(OoO)\

"M-markus?"

Wala na! Naloko na talaga!

Hindi naman gaanong malayo si Markus sa kinalulugaran namin ni Kevin kaya posible ding... narinig nya ang pinag uusapan namin kanina.

OMYGODDD!!

Nandilat na nakitingin lang ako kay Markus. At sya naman ay seryosong nakatingin sa akin. And I can't do even a single thing! Mas lalong napalarisado ang buong katawan ko. Hiyang hiya na ako. Gusto ko nalang lamunin bigla ng lupa! Bwesiiitttt!

Bwesit na Kevin na 'yaaan!

"Uy bro!" Masayang wika ni Kevin kay Markus habang papalapit sya dito at saka nakipag apir pa ang mokong.

Sarap talaga tadyakan ng isang 'yun. And now, I'm freaking doomed. Wala na. Sira na lahat ng plano. Sana lang eh maintindihan ni kuya Keifer ang ipapaliwanag ko sa kanya mamaya.

"Zup?" Tanong ni Kevin. Nakangiti pa ang mokong na parang walang nangyari.

Bwesit talaga. May araw ka rin sa akin kupal ka. Pinahiya mo ako ng bongga. Yawa.

"I'm fine," walang emosyong sagot ni Markus habang nasa akin parin ang tingin.

Dali dali akong tumalikod para kunin ang bag ko at saka dali dali tumakbo palayo.

Ayoko na. Bahala na. Na-broken hearted na nga ako, napahiya pa ako ng bongga. Patayin nyo nalang kaya ako? Nahiya pa kayo eh.

At bigla ko nalang naramdaman na may biglang pumigil sa kamay ko. Nilingon ko ito at si Markus ang nakita ko. Malamang na susundan nya talaga ako para tanungin kung ano 'yung narinig nya kanina. Bwesit. Bakit ba kasi ang bilis nyang tumakbo? May lahi ba silang runner?

"Ba't ka tumatakbo ha babae?" Tanong nya.

Imbis na sagutin ko ang tanong nya ay nag iwas nalang ako ng tingin. Hiyang hiya na ako bes. Wala na akong mukhang maihaharap kay Markus. Nagsisinungaling ako sa kanya...

Nagsisinungaling na hindi ko sya mahal.

At ayoko nang dagdagan pa ang mga kasinungalingang 'yun.

"Sagutin mo 'ko" mahinahong tanong nya.

Ayoko nga. Napahiya na ako tapos ipapahiya mo pa ako? Aba matinde.

"Huy. Ano bang nangyayari sa-- Shit! Ba't ka umiiyak?!"

(O.O)

Waaaa! Agad kong pinunasan ng bongga ang mga luha ko. Bwesit naman eh. 'Di ba sabi ko ire-reserve ko muna kayo. Tapos, lalabas kayo bigla sa harap ni Markus?! Pati ba naman 'luha' inisahan ako? Pinagtutulungan nyo ba ako ha?!

Hinawakan nya ang magkabila kong pisnge at saka iniharap sa kanya. Kahit nakaharap ang mukha ko sa kanya, sa baba parin ang tingin ko. Hindi ko talaga kaya.

"Huy. Ano bang problema? Inaway ka ba ng ugok na 'yun?" Alalang tanong nya.

Napatigil na ako sa pag iyak at napatingin sa kanya. Bakit sya nagtatanong kung inaway ba daw ako ni Kevin? Hindi ba nya narinig ang mga pinag usapan namin kanina?

"Uy magsalita ka naman. Ang panget mo pa naman umiyak." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. At ayan na naman. Nambubwesit na naman ang mahal ko kaya nabuwesit naman ako ng bongga.

Sinamaan ko sya ng tingin. "HAHAHAHA! Joke lang. Ano ba talaga kase?" Psh. Ang kulit kulit eh no.

"Wala 'to!" Sagot ko.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now