Chapter 6

5.9K 77 0
                                    

ᵈᵉᵈⁱᶜᵃᵗᵉᵈ ᵗᵒ: CanUMakeMeSmile56

Chapter 6




Callie's Pov


Shitness!

Kinakabahan na talaga ako from head to toe sa gagawin ko. Binasa ko pa ang script namin kanina at grabe, parang totoong mag jowa talaga kami. PARANG nga lang. Pero about sa 'Women and child abuse' ang topic. Kaya hindi ko gets kung ba't pa kailangan ng magjowa.

Naglalakad na ako sa gitna at gano'n rin siya. Umupo ako sa dalawang upuan sa gitna habang 'yung isa ay malamang na para kay Markus. Grabe na 'to. Parang mga kabayong nag uunahan ang puso ko sa pagtibok dahil sa kaba. Medyo kabisado ko na 'yung script na binasa ko kanina dahil madali lang naman 'yung sauluhin. Basta go-with-the-flow lang ang peg ko dito. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan.

Shet naman. Feeling ko tuloy, masamang ideya na pumayag ako.

"Magandang umaga binibini." Nakangising wika niya. Napalunok nalang ako habang nagpipigil ng kilig at kaba. Basta itinatak ko nalang sa utak ko na pagsasadula lang ang lahat ng ito.

"M-magandang umaga rin sa iyo. Ano ang aking maitutulong?" Sabi ko pa.

"Maaari mo ba akong samahan? Kung iyon ay maaari lamang." Nakakarindi naman 'tong sinasabi namin. Parang galing sa 2000 BCE ang peg. Pang matanda talaga?

"Maaari naman ginoo. Saan ba ang iyong paroroonan?"

"Sa bahay lamang ng aking kaibigan."

Hinawakan niya ang kamay ko para tumayo at sasamahan ko raw siya sa kung saan. Pero alam ko na ang susunod na mangyayari eh.

Gaya nga ng nabasa ko sa script, bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Nandilat nalang ako nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nakatingin lang siya ng seryoso sa mga mata ko hindi ko rin maiwasang tumitig sa mga mata niya.

A-ang mga mata mo, kumikislap na para bang isang makinang na bituin sa langit. Ikaw, para ka ring bituin. Ang sarap mo titigan sa malayo. Ang ganda mo pagmasdan pero hindi kita maabot.

Shit! Ang sasabihin ko nga pala!

"A-ano ang iyong g-ginagawa Ginoo?!" Sabi ko. Pero parang true to life na nagyayari ang lahat.

"Huwag kang maingay." Cold na pagkasabi nya.

Napalunok nalang muli ako nang bigla niyang diniinan ang pagkahawak niya sa bewang ko palapit sa katawan niya. At nararamdaman ko ang init ng katawan niya dahil dito. Maging ang mabango niyang hininga ang naaamoy ko. Kinakabahan na ng sobra ang puso ko. Pero may part sa akin na ayokong bumitaw ang kamay niya sa bewang ko. Gusto ko habang buhay nalang kaming ganito.

Wala na naman akong sasabihin kaya tumahimik nalang ako at nag aantay ng susunod---

O-MY-GOD!

My eyes widened nang biglang magtapat ang mga labi namin. SHIT! Is this true?! N-nananginip ba ako? Hindi ko nabasa sa script ang part na 'to eh!!

My Possessive BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon