Chapter 33

3.9K 73 3
                                    

Markus's Point of View

"Love, where are you going ba?" Tanong ni Katarina habang hawak ang braso ko para pigilang umalis.

Tinignan ko sya ng seryoso. "Kailangan ako ni Callie," seryosong saad ko. "Kailangan ako ng bestfriend ko." Diing sabi ko.

She rolled her eyes at saka pumamewang. "Seriously? Mas pipiliin mo pa ang stupid bestfriend mo, kesa sa'kin na.. GIRLFRIEND MO?!" diing tanong nya.

Anong karapatan nyang tawaging 'stupid' ang kaibigan ko? In the first place, walang ibang inisip si Callie kung hindi si Katarina lang. And now, she sounds like gusto pa nyang mawala si Callie.

"Mas pipiliin ko ang taong totoong nagmamahal sa akin, at minamahal din ako ng totoo." Seryosong saad ko.

"L-love, I really love you naman eh! So why are--"

"Ako hindi." Derektang sabi ko na ikinagulat nya ng husto.

Napahinto pa sya at saka nag iba ang timpla ng mukha nya. Gusto nyang umiyak pero pinipilit nya ang sarili nyang magmukhang matapang.

"B-bawiin mo ang sinabi mo.." she dared me.

But..

"No." Mahinang wika ko sa kanya at saka sya dahan dahan inilingan.

Nag umpisa nang masituluan ang mga luha sa mata nya.

"You're a jerk Markus Lee!" Rinig ko pang sigaw nya habang papasok na ako sa kotse ko. Tinapunan ko pa sya ng tingin sa side mirror ng sasakyan ko at dali daling pinaharurot ang sasakyan ko.

Hindi ko ugaling manakit ng babae. Pero kapag ang bestfriend ko na ang sinasaktan, ibang usapan na 'to. Makikita't makikita nyo ang totoong ako. Saktan nyo na lahat, huwag lang si Callie. Huwag lang ang bestfriend ko.

Dahil mahal na mahal ko 'yan nang higit pa sa buhay ko.

Sorry Kat. Alam kong may pagkakasala din ako sa'yo. But all of this was just a mistake. Ang gago ko sa point na pumayag ako sa gusto ni Callie kahit alam kong masasaktan sya ng sobra. I just want to test her kung aamin ba sya sa totoong nararamdaman nya sa akin. But she didn't. She still chose Katarina's sake. Sobrang bait nya kay Katarina, pero si Katarina hindi ganun sa kanya.

She didn't treat Callie the way she treated her. Tama na. That's enough because it's too much.

Minsan ko nang nawala sa akin ang bestfriend ko, pero ngayon, sisiguraduhin ko nang hindi na ulit mangyayari 'yun.

Callie's Point of View

As I opened my eyes, isang ilaw agad ang sumilaw sa mata ko. Gagalaw na sana ako nang maramdaman kong may masakit na nakatusok sa kamay ko. Agad ko itong tinignan, at ngayon ko lang na-realize na nasa ospital pala ako.

"Callie?" Tawag ng kung sino sa gilid ko. Agad ko syang tinignan. "Callie!"

"K-keifer?" Kunot noong tawag ko sa kanya.

Agad pa itong lumapit sa akin at saka niyakap ako ng sobrang higpit. "Y-you're awake!" Masayang sigaw nya at saka kumawala na galing sa pagkakayakap sa akin.

"Malamang! Ang O.A naman neto. At teka, bakit nasa ospital ako? Sinong may sakit?" Curious na tanong ko.

Bahagya pa itong natawa. "Pft. You're very sick. Then, you fell in the pool." Aniya.

Agad nandilat ang mga mata ko. "Ano?! B-bakit naman ako mahuhulog sa pool?" Takhang tanong ko. "Ata saka, bakit naman ako mahuhulog dun eh hindi nga ako marunong lumangoy eh." Kunot noong sabi ko.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now