Chapter 34

3.8K 66 6
                                    

Chapter 34

Callie's Point of View

Matapos nyang balatan ang orange ay nilagay nya ito sa platito at saka ibinigay sa akin. "Eat well" nakangiting aniya saka nag thank you lang ako sa kanya.

Sa totoo lang, ang creepy parin nya tignan. Nakakunot noo ko syang tinititigan habang binubuksan ang pinto. "Sa'n ka pupunta, Kat?" Curious na tanong nya.

Lumingon sya sa akin at saka ngumiti ng hilaw. "I'm leaving," aniya. "I have many important things to do. And will you please stop asking? Nakakairita eh." Bago pa man ako maka react sa sinabi nya ay padabog nyang isinara ang pinto.

Halos manigas ako dahil sa inasta ni Kat. Kahit naguguluhan ay inumpisahan ko nalang na kainin ang orange na binalatan ni Katarina. Bakit sya high-blood? May dalaw kaya sya?

Teka...

OMYGOD!

Hindi kaya nag away sila ni Markus?

Hays. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Baka umiral na naman 'yung pagkabastos ni Markus kaya nainis sa kanya ni Kat. Tsk. Malilintikan ka talaga sa aking Markus ka.

Bigla pa akong napaubo nang biglang bumukas ang pinto. Yawa naman! Sino ba kasi 'tong langyang 'to. Nahirapan pa akong palabasin ang isang buto ng orange galing sa lalamunan ko.

Isang lalaking nurse pala na nakamask. Inis ko syang tinignan habang papalapit sa akin habang tulak-tulak ang isang wheelchair. "Nurse naman eh. Hindi ba uso ang katok sa inyo ha?" Tanong ko pero hindi sya kumikibo.

Ni hindi nga rin nya ako tinitignan. Inaayos nya kasi ang wheelchair. "Kuya nurse, para sa'n ho 'yan?" Takhang tanong ko. "Hala! Baka na-mali ho kayo ng pasyente kuya. Hindi naman ho kasi ako nabalian o kung ano."

Hindi parin sya kumikibo. "Kuya nagda-drugs ka ba? Hay naku kuya, itigil mo na ho 'yan. Wala pong magandang idudulot 'yan sa inyo." Ano bang problema nya?

I'm just trying to help him. Baka mapariwara pa sya lalo. Sayang naman, mukhang pogi pa naman 'to si Kuya. Charot, ang landi mo Callie ah!

He cleared his throat. "Sakay." Ikling sabi nya sa akin.

Halos matawa pa ako dahil sa boses nya. 'Yung halatang malaki ang boses mo na may halong ang liit. Pft. "Bakit po? Sa'n po tayo pupunta?" Tanong ko ulit. "At saka, pftt... ganyan po ba talaga ang boses nyo? Hindi naman sa nang aano ha pero... HAHAHAHA!"

Waaa! Hahaha! Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi matawa. Hahaha! Lintek na 'yan!

"Tss." Inis na singhal nya.

Tumigil nalang ako sa pagtawa. Bakit parang ang moody naman netong si kuya. Nagtatanong lang eh. Para hindi na sya mainis ang sumakay nalang din ako sa wheelchair. Inilagay ko muna sa kama ang platitong may lamang orange at saka isinadal na ang sarili ko sa wheechair. Lumabas na kami sa pinto habang dala-dala din ni kuya nurse 'yung steel na naka ano sa akin. Ang tagal naman kasi bumalik ni Keifer. Sabi nya kasi babalik sya immediately, hindi ba? Hay nako. Mga lalaki nga naman.

Ganun nalang ang kabang naramdaman ko nang ibang lugar ang nilikuan namin. Parang sa CR banda. Pero.. pero hindi naman ako naiihi eh! Ang pangit naman pakinggan kung si kuya nurse ang naiihi tapos sa akin sya magpapasama hindi ba?

"K-kuya nurse, sa'n nyo po ako dadalhin?" Kinakabahang tanong ko.

Imbis na sagutin nya ako ay mas lalo pang bumilis ang pagtulak nya sa wheechair. "K-kuya!" Tawag ko sa kanya dahil tumatakbo na kami.

Agad kaming pumasok sa CR at saka ni lock ang pinto. Dahan dahan pa itong lumingon sa akin.

Napalunok ako dahil sa mga tingin nya. At dahan dahan itong papalapit sa akin. "K-kuya..." kinakabahang tawag ko sa kanya.

Jusko! Gusto ko lang naman pong mabuhay! Ayoko pa pong ma-rape!

"Kuya! Hindi ko pa po ready'ng ibigay ang virginity ko kaya please! Pakawalan mo na ako kuya!" Pagmamakaawa ko.

Pero papalapit parin ito sa akin. Napalunok muli ako at saka ipinikit ang mga mata ko. Alam ko namang guwapo ka kuya pero ghad! Hindi lisensya 'yun para pagsamatalahan mo ako!

"RAPE! RAPE! RAPE! WAAAA! HELP MEEEE! RAPEEE!! HELP M--"hindi ko na natuloy ang pagsigaw ko dahil bigla nyang tinakpan ang bibig ko.

Kabado pa akong nakatingin sa mapupungay nyang mga mata. Napakunot noo.

Teka...

Parang...

He immediately removed his masks.

"I-ikaw?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko.

Keifer's Point of View

I traveled a little far para mabili ko si Callie ng pinakamahal na pagkain sa isang pinakasikat ng restaurant. I'm sure she'll love it. That's what girls want, right?

Nang makabalik na ako sa hospital ay hindi ko na alam ang nararamdaman ko. It feels like, naaatat akong makita si Callie. I think... I'm crazy inlove with her.

Dun sa party, nung nakita ko sya, alam kong sya na ang babaeng papakasalan ko at makakasama ko habang buhay.

I can get whatever I want.

At saka, lahat ng babae nagkakandarapa sa akin. Imposible naman si Callie hindi?

Agad akong napakunot noo nang pagbukas ko ng kwarto, walang Callie ang nakahiga sa puting kama. Maging ang kapatid ko ay wala rin. I entered inside at saka inilapag ang mga pinamili ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko and dialed Katarina's number.

[Why are you calling kuya? You're disturbing me!] Tss. Bago ko pa man sya patulan ay deretso na akong nagtanong.

"Where are you?"  I asked.

[Bakit ba?!] Arteng tanong nya. [And why do you asked? Akala ko ba wala nang pakealamanan?]

Holy shit sister.

"Tss. Are you with Callie?" I asked.

[No. Why]

Agad akong nakaramdam ng kaba.

"She's not here." Sabi ko.

Ilang segundo muna ang lumipas bago sya nagsalita ulit. [Talaga? Owemji. Baka naman na-kidnap sya? O baka naman pinatay na ng doc--]

I ended the call dahil alam kong wala syang magandang sasabihin. Tss.

I suddenly puched the wall beside me dahil sa inis. I clenched my teeth with anger.

I need to find her. Baka maunahan pa ako ng iba.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now