Chapter 8

5.3K 65 1
                                    

ᵈᵉᵈⁱᶜᵃᵗᵉᵈ ᵗᵒ: taehyungiii_95


Chapter 8






Callie's PoV

Kapag pilit mong tinatanggi ang isang bagay, ay mas lalo lang magiging komplikado ang lahat.

Laging sinasabi ng utak ko na, tama na. Na dapat na akong huminto. Na dapat ko nang itigil kung ano man ang nararamdaman ko. Pero pilit namang sumisigaw ang puso ko na, sige pa. Kailangan mong lumaban. Ipaglaban mo siya dahil mahal mo siya.

Haaaaaay! Punyetang buhay 'to, oo.

Pinanganak lang ba ako para mag-suffer ng ganito? Nang dahil lang sa kaibigan ko e nagkanda leche-leche na ang buhay ko. Pero kasalanan ko rin naman. Pero kasalanan ba ang magmahal? Ay ewan. Tanong mo sa pagong.

Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa ginagawa ko. Nagluluto ako ng mga paborito ni mama dahil kaarawan niya ngayon. Kaming dalawa lang ang magsi-celebrate mamaya dahil wala namang darating na bisita. Hindi rin naman kase namin close ng mga kapitbahay namin. Alam rin naming hindi sila darating dito kaya hindi na kami nag-abala pang imbitahan sila. Mabuti na rin 'yun, ano at nang walang hugasan. Char.

Noong bata pa lamang ako ay sanay na akong si mama at si Markus lang ang kasama kong mag-celebrate. Kapag katulad nitong birthday rin ni mama ay wala ring palya sa pagpunta si Markus. Ewan ko nalang kung pupunta siya ngayon. At kung pupunta man, hindi ko na alam ang gagawin ko. I mean, hindi ko pa siya handang harapin. Nasaktan ako kahapon, oo. Sino ba naman kasing hindi. Ang sakit kaya sabihan ng 'kaano-ano ba kita?'. Aba puking-ina niya. Pasalamat siya't hindi ko siya nasapak kahapon. Walangyang 'yon. Lumaki akong kasa-kasama siya tapos tatanungin niya lang kung kaano-ano ko siya. Bwesit.

May maliit na pwesto kami sa palengke kung saan nagtatrabaho si mama. Maaga lagi ang alis nun sa umaga at mamayang gabi naman ang dating. Sinabihan ko nga siya kanina na huwag na munang magtrabaho dahil birthday naman niya pero nag-insist siyang sayang raw ang kita kung hindi siya magtatrabaho roon. Minsan matigas rin talaga ang ulo nitong mama ko, 'no.

Pagtapos kong lutuin ang mga lulutin ay naghanda na rin ako. Dinisenyohan ko ng baloon ang buong sala namin at saka kung anu-ano pa. Pinuno ko ito ng iba't ibang desenyo at saka mga picture ni Aga Mulach. Crush na crush niya raw kasi 'yun kaya why not pakiligin ko siya ngayon. Hehe.

Tumayo ako sa harap at inilobot ang tingin sa paligid. Okay na 'yung mga decorations. 'Yung food is ayos na rin. Pero teka... ba't parang may kulang?

"'Yung cake! Ugh!" Napatampal ako ng noo ko.

Sa dinami-rami ba naman ng pwede kong makalimutan 'yung cake pa talaga? Kahit sa'n ako ilagay napakatanga ko talaga. Tinignan ko ang relos ko upang tignan ang oras. Medyo maaga pa naman kaya may oras pa akong lumabas para bumili. Sa mga oras na ito ay nasa palengke pa si nanay kaya kailangan ko na ring magdali. Dali-dali akong kumuha ng pera at saka lumabas na ng bahay. Tinakpan ko muna 'yung mga pagkain doon at saka ko iniwan. Wala naman sigurong gagalaw do'n.

Nagtraysekel ako dahil medyo may kalayuan ang lugar kung saan ako bibili ng cake. Pagbaba ko pa lang sa traysekel ay may naaninag akong isang pigura ng babae na parang pamilyar sa akin. Inabot ko muna kay manong ang bayad bago ako pumasok sa loob.

And I wasn't wrong. Si Katarina nga. Siya nga! Pero anong ginagawa niya rito? May kausap itong babae kaya hindi ko muna sila inistorbo.

"Oh, talaga? HAHAHA Ang funny naman-- Callie-girl?"

Napaangat ang mukha ko upang tumingin sa kaniya. At ang ganda ng ayos niya. As always.

"Uy, Kat! Ikaw pala, hehe." Yeah, kunwari 'di ko alam.

"Yeah! Good to see you here. Bibili ka? Sinong may birthday? Ikaw?" Sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi. Si mama. Nagmamadali nga ako, e. Nakalimutan ko kasing bumili ng cake haha."

"Ahh. Pakisabi nalang kat tita na 'happy birthday'. Sana ma-meet ko siya soon." Mahinang aniya.

Ngumiti ako. "Pwede naman! Kung free ka, pwede kang pumunta ngayon sa'min."

Ngumiti siya na may halong lungkot. "Yeah, I would really like to. Pero I have to meet someone tonight, e. Sorry, Callie. But, I promise! Babawi ako next time."

"Oo, ano ka ba. Ayos lang 'yun." Sabi ko at saka nagsimula nang mamili ng cake.

Medyo naloka ako do'n sa price mga dai. Nakakaloka talaga. 600 pesos pinakamababang presyo. Hindi naman ako nagulat pero nakakaloka pa rin. Pero ayos lang. May budget pa naman ako dahil pinag-ipunan ko talaga ang araw na 'to ng bonggang bongga. Last time kasi hindi kami nakapag-celebrate ng birthday niya dahil wala kaming pera at lubog din sa utang. Mabuti nalang ngayon at nakakaraos kami ng konti.

Napako ang tingin ko sa isang chocolate cake. Pero hindi lamang ito isang chocolate cake dahil para sa akin, naging parte na ito ng buhay ko. Noong bata pa lamang kasi ako, sa mismong kaarawan ko ay niregaluhan ako ni Markus ng isang chocolate cake. Unang beses kong makatikim ng cake noon dahil hindi naman namin afford. Doon niya rin ako unang sinubuan ng... cake, syempre. Ano pa ba. At... ano ba 'yan nagmamadali ako. At pati ba naman hanggang dito si Markus pa rin ang naiisip ko?

"You want that?" Rinig kong nagsalita si Kat sa likuran ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Ha?"

Napatawa siya. "Sabi ko, 'yan ba ang napili mo? Kanina ka pa kasi nakatitig dyan. Pft."

Tiningnan kong muli 'yung cake. "A-ah, oo. Hehe. Eto nalang siguro. Favorite rin kasi ni mama 'yung chocolate cake, e."

"Okay. Kuya, three layer nga ng ganito tapos 3 boxes of chocolate cupcakes. Tapos ibigay niyo sa kaniya, ha." Aniya at saka tinuro ako.

"Uy, bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Don't try ko stop me, ha. Maliit na bagay lang 'yan. Sana kahit 'yan lang ay pagayan mo 'ko."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan, e." Ani ko sa kaniya.

"Hindi ba, I said 'wag mo na ko pigilan." Aniya at saka napatingin sa kaniyang phone. "OMG! Callie-girl, sorry but I have to go." Aniya at saka nagmamadaling umalis. "And don't worry, bayad na 'yan. Bye!"

"T-teka, Kat! Maraming thank you dito, ha! Super thank you talaga!" Sigaw ko sa kaniya.

"No worrieees!" Sabi niya at saka pa siya nalabas sa pinto.



***



"Salamat talaga anak, ha." Ani ni mama at saka ito yumakap sa akin.

"You're welcome po, mama. Deserve niyo po 'yan. Sana nag-enjoy po kayo." Sabi ko at saka kumala ng yakap sa kaniya.

"Sobra-sobra akong nag-enjoy. May handa man o wala basta kasama lang kita lagi e masayang masaya na ako anak. Napakaswerte ko talaga na may mabait at maganda akong anak na kagaya mo." Aniya kaya napangiti ako.

"Enebe parntanga naman 'to. HAHAHAHA!" sabi ko at saka nagtawanan kami ni mama mg ilang saglit.

"At salamat rin pala roon sa kaibigan mo, ha. Napakabait niya. Sana ay makabisita rin siya rito minsan."

Tumango ako. "Opo."


My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now