Chapter 13

5.1K 79 9
                                    

"What?! Do you really need to go na ba?" Malungkot na tanong ni Kat sa amin ni Markus.

"Yes, sister," imbis na kami ang sumagot ay si Keifer na ang sumagot para sa amin.

Pinanliitan sya ng mata ni Katarina at saka pumameywang. "Wait nga, baka naman ikaw 'yung nagpapaalis sa kanila? Tss." She hissed.

"Ah Kat! Hehe nag text na kasi si mommy, pinapauwi na daw kami eh. May gagawin pa kasi kami." Singit ko. Baka kapag hinayaan ko silang magsagutan dalawa baka magkasagutan pa sila at mag away.

"Aish. Ganun ba? Alright, I understand naman. So, ipapahatid ko nalang kayo ni Markus sa driver namin." Aniya.

"Uh 'wag ka na mag abala. May dala naman akong kotse. Ako nalang ang maghahatid kay Callie." Nakangiting singit ni Markus.

"Alright, but if you need something, don't hesitate to call me okay?" Tanong nya.

"Oo hehe. Bye Katarina!" Masayang sabi ko. "Congrats ulit!" Sabi ko habang kumakaway.

"Thanks Callie-girl!"

Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Markus. Tapos sumakay na rin sya sa driver's  seat. Bago pa umalis ang kotse nilingon ko muna sila. Papaalis na sila pero tumindig ang balahibo ko nang tinapunan  ako ng isang nakakatakot na ngisi nung Andrei.

*lunok*

Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya, pero kinakabahan ako. Bakit sya nakangisi ng ganun sa akin? Feeling ko talaga may masama syang balak sa akin eh. Huhu. Hindi ko naman sinasadyang makita 'yung karumaldumal na ginagawa nila kanina. It was just and accident!

"Uy, ba't namumutla ka dyan?" Nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Markus. Nilingon ko sya pero nasa daan naman ang tingin nya.

"A-ah... w-wala.." palusot ko. Ayoko naman sabihin 'to no. Baka mamaya exaggerated lang talaga ako mag isip. Baka naman kasi uso sa kanila 'yung ganung style ng pag ngiti? Hays.

"Tss, 'wag ka na ngang makalapit lapit sa Keifer na 'yun." Agad nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Nilingon ko sya at pinanliitan ng mata.

Ano na naman kayang pauso 'tong pinagsasabi nya?

"Bakit? Eh kuya naman 'yun ni Katarina tapos mabait pa sya tapos... hihi tapos cute di-- ARAY!!" sigaw ko nang bigla nyang inihinto ang sasakyan. Ang sama talaga yawa! Hinampas ko sa ng bongga sa braso. Hmp! "Ano bang trip mo ha? Papatayin mo ba ako?!" Inis na sigaw ko. Kung papatayin nya ako, no thanks dahil matagal na akong patay na patay sa kanya!

"Tss. Basta, 'wag mo na lalapitan ang gunggung na 'yun ulit. Naintindihan mo?" Utos nya. Ang sama talaga ng ugali nya letche!

"Bakit nga? Ano bang problema mo kay Keifer at sobrang init ng dugo mo sa kanya?" Ang bait bait kaya ni Keifer, tapos sasabihin nyang huwag ko syang lapitan? Aba loko loko pala 'tong si Markus e.

OMYGOD.

WAIT... OMYGOD!

Hindi kaya....

Nagseselos si Markus?

*iling iling*

Hindi hindi! Ang shunga ko naman. Ang feeling ko!

"Tss, 'wag mong iisiping nagseselos ako ah. Ang feeling mo." Aniya.

--__--

Oo na, oo na. Yawa naman. Nasabi ko na 'yang line na eh. Kelangan pa talaga ulitin ha?

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now