Chapter 37

3.8K 73 11
                                    

Callie's Point of View

Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay namin. Hindi pa ako bumababa ng sasakyan dahil hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang bilis ng pangyayari, sobra. Parang panaginip lang.

"I love you, wife.." nakangiting sabi ni Markus sa akin.

Napatampal nalang ako sa noo ko. "Markus, feeling ko pang one million na beses mo na 'yang sinabi sa akin." Kanina kasi nung nasa tuktok pa kami ng ferris wheel ay I love you sya ng I love you sa akin. "At saka, Callie nalang muna. Hindi pa naman tayo kasal eh." Itong si Markus talaga eh no. Masyadong excited. Darating din naman kami sa point na 'yun. Hehe.

Tinignan nya ako ng deretso sa mga mata ko. "Kahit habangbuhay ko pa 'yung sabihin, hinding hindi ako magsasawa..." Mahinang aniya.

Waaa! Nag iinit na naman ang mukha ko! Feeling ko ang pula-pula ko na. Shems!

"...and please stop calling me with my name." Dagdag nya.

"Bakit naman?" Curious na tanong ko.

"Nothing. It feels like, bestfriend mo parin ako eh." HAHAHA! Parang tanga lang no.

"HAHAHA!" hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi matawa.

Hindi pala bagay kay Markus ang magdrama no. So dapat, happy-happy lang tayo! Hehe.

"Why are you laughing?" Kunot noong tanong nya.

"Ang O.A mo naman kasi. Kahit naman mag asawa na tayo, (waaaa!) Ikaw parin ang bestfriend ko." Nakangiting sabi ko sa kanya. At gumuhit ulit ang mga nagkikislapang ngiti sa labi ni Markus. "Mahal din kita, hubby."

"SHIT!"

"Oh anyare?" Alalang tanong ko. Bigla nalang kasi syang napahawak sa puso nya at saka napaiwas ng tingin. "Hoy sagutin mo 'ko!" Alalang sigaw ko sa kanya at saka hinawakan ang kanyang braso para matignan ko ang kalagayan nya.

Pinanliitan ko sya ng mata nang nakangiti lang pala ito. Lintek na 'yan. Pinakaba pa ako. "Ano bang trip mo, Markus Lee?!" Inis na tanong ko.

"Hahaha. Bawal bang kiligin?" Natatawang aniya at saka ngumiti ng nakakaloko.

"Pftt" natatawa na ako mayghad. Ganun pala kiligin ang mga lalaki? Lalo na si Markus? Tinawag lang na 'hubby' eh. Kinilig din naman ako pero hindi ganyan. Hays.

"It's getting late. Kailangan mo nang magpahinga." Sinulyapan ko ulit ang bahay naming nakapatay na ang ilaw. Malamang ay tulog na si mommy.

"Aalis ka na ba?" Malungkot na tanong ko.

Call me weird pero, sa t'wing wala si Markus sa tabi ko, parang may kulang sa akin. Grabeng kamandag naman ang mayroon 'to si Markus. Nakakaadik. Syet.

"Ayaw mo ba?"

Napatungo ako. "Ayaw" malungkot na sabi ko.

Omyghad! Nakakahiya ka naman Callie! Para kang bata'ng natatakot iwan ng magulang. Hays.

He hugged me.

"Don't worry.." mahinang sabi nya habang nakayakap narin ako sa kanya. "Kahit anong mangyari, nandito lang ako sa tabi mo.." dagdag nya.

I hugged him more like I don't want him to leave. Shocks! Hindi ka naman drugs pero nakakaadik ka, super.

"But you need to rest tonight.." mahinang sabi nya at saka himiwalay na sa akin galing sa pagkakayakap.

Sinundan ko lang sya ng tingin habang papalabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Agad naman akong lumabas at saka pumasok na sa maliit na gate namin. Sususian ko na sana ang kandado ng gate namin pero agad akong napakunot noo sa nakita ko.

"Ba't bukas 'to?" Takhang tanong ko na ikinibit balikat ni Markus.

Hindi naman natutulog si mommy nang hindi nila-lock ang gate. At meron naman akong sariling duplicate ng gate kaya okay lang na pagsarhan nya ako. Pero, ano 'to? Pansin kong mejo nasira 'yung kandado ng gate namin. Halatang pwersahan ang pagbukas nito.

Kinakabahan ako. Feeling ko, may nangyaring hindi maganda.

Agad kong binuksan ang gate at saka kabadong tumakbo sa loob. Habang papalapit ako ng papalapit ay palakas ng palakas naman ang kabang nararamdaman ko. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong kinapa ang switch ng ilaw.

Agad akong natutop sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nyang dugo.

"M-mommy?!" Umiiyak na tawag ko sa kanya.

Agad ko syang nilapitan at pinipilit na gisingin. "Mommy! Mommy!" Humahagulgol na tawag ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"SHIT!" agad na lumapit si Markus at binuhat si mommy palabas ng bahay.

Habang papunta kaming hospital ay puno parin ng kaba at sakit ang puso ko. Wala akong ibang iniisip kung hindi si mommy. Lord, sana naman huwag nyo pa pong kunin sa akin si mommy! Kailangan ko pa po sya higit sa kung sino pa man. Sya ang buhay ko, hindi ko alam kung papa'no nalang ako kapag nawala sya.

Habang naghihintay kami sa labas ay hindi parin ako mapakali. Halos lahat ng Santo natawag ko na para manghingi ng tulong. Jusko po...

"Doc, kamusta na po sya?" Kabadong tanong ko sa kakalabas palang na doctor.

Napabuntong hininga ito at napatungo. "She's dead on arival." Malungkot na sabi nya at saka itinaas ang tingin sa amin. "I'm sorry. Excuse me.."

At gumuho ang mundo kong akala ko buo na. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol ng sobra. Naramdaman ko pa ang pagyakap ni Markus sa akin. Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang sakit na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko.

Oo, masakit mawalan ng bestfriend. Pero mas masakit kapag 'yung nanay mo na ang mismong mawala.

Bakit? Bakit si mommy pa? Ang daming tao sa mundo bakit sya pa?! Bakit hindi nakang ako?! Hindi ko sya kayang tignan. Mas lalo akong nasasaktan. Durog na durog na ako.

*
*

"D-do you need someth--"

"Wala." Ikling sagot ko sa kanya.

Nandito ulit kami ngayon sa kotse nya sa labas ng bahay namin. Pero hindi gaya kanina, masaya pa kami. Ngayon, hindi na.

"J-just tell--"

"ANG SABI KO, WALA!" Inis na sigaw ko. "Bwesit." Mahinang bulong ko sa sarili at saka kinuha ang teddy bear kong si Baby Calus sa backseat.

I opened the door beside me at saka lumabas. Walang emosyon akong pumasok ng bahay naming nakabukas parin ang ikaw gawa ko kanina. Ganun parin, nagkalat parin ang pulang likido sa sahig. Napaupo ako sa sofa para ipahinga ang sarili ko. Masyado akong napagod sa mga nangyayari ngayon.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong hindi maiyak. Yakap yakap ko ang sarili kong tuhod habang umiiyak na nakatingin sa mga dugo ni mommy sa sahig.

Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng puwede kong gawin sa gumawa neto kay mommy. Masyadong maganda ang mommy ko para patayin mo kung sino kaman.

Kung anong ginawa mo kay mommy, asahan mong mas higit pa ang gagawin ko sa'yo.

Magtago ka na. Dahil kahit saang sulok ka pa ng impyerno magtago, hahanap hanapin parin kita.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now