Chapter 14

5.2K 84 9
                                    

Callie's Point of View

Grabe. Hanggang ngayon nangangatog parin 'tong tuhod ko dahil sa nangyari kanina. Ikaw ba naman maghatid ng multo sa bahay nya, nakakaloka hindi ba? Chineck ko 'yung time sa lumang wall clock namin, it's almost 2:30 pm na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Bumuntong hininga nalang ako at ipinako ang tingin sa kisame ng kwarto ko. Nagbabakasakaling dalawin ako ng antok.

Halos mahulog ako sa kama nang bigla itong tumunog. Aish! Nakakaloka naman. Bumangon ako't kinuha sa may unan ang cellphone ko. Sino ba kasi 'tong lintek na-- "from unknown number?" Wika ko sa sarili ko.

Alas dos ng madaling araw may tumatawag? Nagda-drugs kaya 'tong taong 'to? Wait! Maliban nalang kung... minumulto na naman ako ni Ate Lucia?!

*phone rings*

Tunog nang tunog 'yung phone ko pero natatakot ako na baka minumulto nga ako. Huhu. Pero baka naman hindi din? Baka naman secret admirer ko 'to. Sayang naman kung hindi sasagutin, jowa na naging bato pa.

"H-hello?" Tanong ko. Kinakabahan na talaga ako nang bongga.

[Oh, still up?] Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.

"Sino 'to--ay Keifer?! Ikaw ba 'yan?" Gulat na tanong ko.

[Hahaha yeah.]

"Ah hehe. Napatawag ka? May kailangan ka ba?" Mahinang tanong ko. Mabuti naman at hindi pala multo 'tong kausap ko no. Hehe.

[Nah. I just wanna check kung nakauwi ka ba ng maayos.]Tanong nya.

Waaa! Huhu. Ano bang isasagot ko? Na naghatid kami ng multo kanina? Baka sabihin pa nya na may topak ako no! Nakakahiya naman kay Kuya Keifer. "A-ah.. he-he. O-okay naman." Nauutal kong sagot. Huhu.

[It's good to hear. So, why you still up?]

"Ahh wala lang, hindi kase ako makatulog eh." Sagot ko.

[Hmm. Uh before I forgot, may nakilala na akong lalaki para i-date si Kat.] Parang nabuhayan aki nang loob dahil sa sinabi ni Keifer.

"Weh? Talaga? Sino?" Excited na tanong ko.

Sisiguraduhin ko talagang majo-jowa nya si Kat! Para naman hindi na sya maghahabol dun kay Andrei no. Mukha pa lang kase parang pakboy na. Tapos kung makatingin akala mo kung sinong guwapo. Letche sya! Ang kapal kapal ng mukha nyang lokohin ang kaibi---

[The guy who's with you lately..]

Ha? Sin-- WHAT?!

(O.O)

"Ha! Ibig mong sabihin si... si.... si.. M-Markus?!" Paninigurado ko. Baka naman kasi iba 'yung tinutukoy nya no.

[Yeah. That Markus Lee]

Para akong binuhusan ng malamig na tubig galing sa north pole dahil sa narinig ko. 'Yung tuhod ko nanlalambot na tila isang papel na pwedeng matupi ano mang oras. At the same time, nasasaktan ako.

[Hello?]

Jusko. Ang mahal ko, kailangan kong iparaya sa iba?

[Still there?]

P-pero paano? Hindi ba, sobrang sakit naman atang magparaya?

Kaya ko ba?

Kaya ko bang iparaya si Markus para sa ikabubuti ni Kat?

Hays. Wala pa nga akong nagagawa nasasaktan na ako sa kung ano mang pwedeng mangyari. Paano nalang kaya kung mangyari na talagang mapunta na sya sa iba. Buong buhay ko hiniling ko na sana huwag magka girlfriend si Markus dahil sobrang masasaktan ako. Sabihin nyo nang selfish at desperda ako pero madamot ako pagdating sa kanya. Kahit hindi ko sya pagmamay ari, ipagdadamot ko sya.

My Possessive BestfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat