Chapter 24

3.9K 75 9
                                    

Callie's Point of View

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya habang papasok kami sa isang restaurant.

Hindi pa kasi kami umuwi mula kanina. Nung umalis kami dun sa may dalampasigan akala ko nga ihahatid na nya ako sa bahay pero sabi nya may pupuntahan pa daw kami, at ito na nga siguro 'yun. Hindi din naman ito ganun kalayo. At saka, mabuti buti narin 'yung pakiramdam ko.

Hindi sya sumagot. Naglalakad lang sya papasok at nakasunod lang naman ako sa kanya. Nagutom kaya sya kaya kami nandito? Inilahad nya muna sa akin ang isang upuan. Naupo ako at ganun din sya. Nakatingin lang ako sa kanya at nag aantay ng susunod nyang sasabihin.

"Do you want to eat?" Mahinang tanong nya.

Gutom nga.

"Ah, hindi na." Sagot ko. "Ano ba kasing ginagawa--" naputol ang pagsasalita ko nang ilapat nya ang kanyang hintuturo sa bibig ko. Agad naman akong napatigil.

"You're too noisy," ay ganun? Sorry naman. "See that?" Pasimple nyang ininguso ang isang sulok ng restaurant kung saan naroon si...

"Andrei?!" gulat na may halong pagtatakhang sigaw ko. Napatakip agad ako nang bibig nang mapagtantong napalakas ang sigaw ko. Buti naman at hindi nya nadinig 'yun dahil hindi naman sya nalingon dito sa gawi namin. "Anong ginagawa nya dito? At, sino 'yang kasama nya?" Pabulong kong tanong kay Keifer.

"Tss. Another girl, of course."

Naku nako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa pakbuy na 'to. Ang lakas pa naman nyang makipag-date sa iba? Ang lakas nya manloko ng babae! Akala mo naman talaga ka-guwapuhan ang mukha nya. Well, kahit anong ikinaganda ng mukha mo, kung manloloko ka, pangit ka pa rin! Sing itim parin ng pwet ng kaldero ang budhi mo!

Masaya pa silang nagku-kwentuhan habang kumakain. Dinner-date huh? Ang kapal mang-indian ng dinner-date sa jowa, pero sa iba, game na game? Aba tarantado 'to ah.

Tas 'yung babae, akala mo naman talaga kagandahan. Halata ngang lamang ng sampung paligo si Kat dun eh. Kahit naman siguro isang daang ligo ang gagawin ng haliparot na 'to, mas lamang parin si Kat. Psh. Kaya hindi nagkaka lovelife 'yung iba eh, tigdadalawa kasi kayo.

t(--__--t)

"Paano mo pala nalaman na nandito sya?" Curious na tanong ko.

"Gabi gabi ko syang pinagmamasdan dito. And yeah, another night, another girl." Aba! Ang sarap talaga sugurin ng Andrei na 'yun tas itusok sa mga mata nya ang hawak nyang tinidor! Letche.

"Buti hindi ka naman nya nahuhuli?"

"H-hindi naman."

Pinasadahan ko ulit sila ng tingin. Masaya parin ang naging pag uusap nila. Hay nako talaga. Kahit naman siguro ipangalandakan ko kay Kat na niloloko sya ng boyfriend nyang pakboy ay sigurado naman akong hindi maniniwala 'yun. Sasabihan lang nya akong gumagawa ng kwento o kaya naman exaggerated kung mag isip. Hindi ko nga alam kung sinong mas tanga sa amin ni Kat eh. Siguro mas lamang, KA?

Nabo-bore na ako kaya inaya ko na si Keifer na umuwi na at pumayag naman sya. Wala rin namang ibang nangyayari dun kung hindi ang daldal lang sila ng daldal tapos tumatawa. 'Yan lang. Halos isang oras na nga kami dun hindi padin nila naubos ang mga kinakain nila. At isa pa, gusto ko na ding magpahinga. Kahit mejo gumaan na ang loob ko ay hindi ko parin maitatanggi na masakit parin. Hindi naman kasi 'yun ganun kadali mawala. Para lang 'yan isang ink na kapag dumikit sa kamay mo, aabutan ka muna ng siyam-siyam bago 'yun tuluyang mawala.

Oras at panahon lang ang kailangan, mawawala din 'to.

Nang makarating na kami sa bahay ko ay nanonood pa ng T.V si mama dahil sa ingay ng telebesyon. Pinapanood na naman nya 'yung paborito nyang 'Ang probinsyano'. 'Yung Cardo daw na hindi mamatay matay.

"Wait" pagpigil nya sa akin nang akmang papasok na ako sa loob.

Nakatingin lang ako sa kanya at nag aantay sa susunod nyang sasabihin.

"Are you okay now?" Mahinang tanong nya.

Ngumiti ako. "Oo naman." Kahit papa'no naman ay gumaan naman ang pakiramdam ko kahit nagkasagutan pa kami kanina. Atleast, hindi na nananatiling kasinungalingan ang bagay na 'yun dahil nasabi ko na sa kanya.

"So what are plans now? Do you want to stop--"

"No!" Putol ko sa sinasabi nya. "W-walang titigil.  Ipagpapatuloy ni Markus ang ginagawa nya hanggang sa si Katarina na mismo ang makipaghiwalay kay Andrei. Nang sa ganun ay masisiguro na nating, hindi na sya maloloko pa ng gagong 'yun." Inis na sagot ko.

"Pftt. Fine. Easy ka lang." Sabi nya. "So, uuwi na 'ko. Goodnight!" Paalam nya.

Magba-babye na sana ako nang may naalala ako bigla.

"T-teka!" Kabadong pigil ko sa kanya. Agad naman nya akong hinarap muli at nag aantay sa susunod kong sasabihin.

Punyetaaa!

"Ah... kase..." punyeta talaga eh! Kinakabahan ako!

"Hmm?"

"Ahh..." pa'no ko ba 'to sisimulaaaan?! "Ahh, may... naalala ka ba nung gabing uminom tayo tas nalasing?" Nahihiyang tanong ko.

Bahagya pang tumaas ang kanyang dalawang kilay dahil sa gulat. Letche. Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh.

"Hahahaha!"

Napakunot noo nalang ako.

"Uy! Ano ba kase? Ang daya naman eh." Usal ko.

"HAHAHA!!" mas lumakas pa ang tawa nya.

Lintek na 'yan.

(•__•)7

"Huy ano nga?!" Inis kong tanong.

Bahagya syang napatigil sa pagtawa. "Ah, wala naman." Seryosong sagot nya. Pero halata parin namang gusto nya pang humagalpak ng tawa.

*tampal noo*

"Sige na. I have to go." Paalam nya ulit habang sumakay na sa kotse nya.

"Geh." Walang gana kong sagot. Alam ko namang pinagti-tripan nya lang ako eh. Baka may naalala talaga sya tapos ayaw nya lang sabihin. O kaya naman wala naman talagang nangyari pero pinapalabas nya lang na meron para inisin ako. Ay ambot sa imo!

"You're such a goddamn good kisser." Nakangisi nyang wika tapos ay pinaharurot na ang kotse nya palayo.

Bahagya pa akong napaubo dahil sa usok ng kotse nya. Letche. Dagdag air pollution!

Anong good kisser pinagsasabi nya? Ulul! Akala ba nya maloloko nya ako? Kahit naman siguro lasing ako hindi ko naman siguro magagawang manghalik ng lalaki. Lalo na't hindi ko mahal.

Kadire sya.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now