Chapter 25

3.9K 84 19
                                    

Callie's Point of View

Lumipas ang ilang linggo ay ganun parin ang pakikitungo sa akin ni Markus. Cold, hindi namamansin o kaya naman kapag tinawag mo sya susuklian ka lang nya ng isang walang ganang tingin. Lumipat narin sya ng ibang upuan kaya hindi na kami magkatabi. 'Yung kabarkada nyang boys ang mga katabi nya.

Ang laki na nga ng pinagbago ni Markus sa totoo lang eh. Dati lagi naman syang nakikinig sa guro dahil grade minded naman talaga 'yan si Markus. Pero ngayon, tawa lang ng tawa sa klase. Walang pakealam kay nasa gitna pa si Prof. Tapos feeling ko umiinom na din sya. Nung isang araw kasi nang lagpasan nya ako ay naamoy ko ang amoy alak sa kanya. Nagtakha nga ako eh. Noon umiinom si Markus, pero tinry kong baguhin sya at nagtagumpay nga ako. Hindi ko lang alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon. Tapos minsan pa, umaabsent. And worst, kuma-cutting pa. Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang dahilan. Nag aalala ako kay Markus. Pa'no nalang ang pag aaral nya kung magiging barumbado sya. Paniguradong magagalit si Tita Helena--'yung mommy nya-- kapag nalaman nya 'to. Minsan din nakikita ko sila ni Kat na magkasama. Mukhang nagkakamabutihan na nga sila ng loob. Sana ay maging masaya sila.

At ngayon, nakakapagtakha lang. Isang linggo na ring hindi pumapasok si Markus. At hindi ko na rin nakikitang pumapasok si Katarina. Hindi naman ganun kalayong magkasama ang dalawa. Pero bakit hindi na sila pumapasok? Hindi maganda ang kutob ko dito ah.

"Ms. Shay" napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa akin.

"Good morning Sir Mondejar," magalang na bati ko sa Principal namin. Minsan na rin nya akong napag utusan sa principals office kaya naman ay kilala na nya ako.

"May I invite you at my office?" He asked.

I politely smiled. "Yes po, sir."

*
*
*

"Please have a seat," aniya at saka naupo naman ako.

Nakatingin lang ako sa kanya at nag aantay sa susunod nyang sasabihin.

"So bukod kay Wyndy, ikaw lang ang napansin kong ka-close ni Ms. Katarina Mendez" panimula nya. Si Wyndy 'yung isa pang kaibigan ni Kat. Mejo kilala ko na sya dahil naikwento naman sya minsan sa akin ni Kat.

Alam ko na ang itatanong ni sir. Kung bakit hindi na sya pumapasok pa. Including Mark-- Mr. Lee.

"Yes po, sir. Bakit ho?"

"Wala lang naman. I just want to ask kung may ideya ka ba kung bakit hindi na pumapasok si Ms. Mendez? It's been a week mula nung umabsent sya," sabi nya habang napailing iling. "Napapabayaan na nya ang pagiging SSG President nya, Ms. Shay. Half of the school works are assigned to her, it's her responsibility kaya bakit sya nagkakaganito?" Ramdam ko pa ang pagka-desmaya ni Sir Mondejar.

Grabe. Akala ko grades lang ang magiging problema sa pag absent nila. Nakalimutan ata ni Katarina ang responsibilidad nya bilang SSG President. At ang nakakalungkot dun, maaari pa syang ma-kick out dahil sa ginagawa nya. Kailangan ko syang tulungan.

"D-don't worry sir. Aalamin ko po kung ano ang nangyari sa kanya and I'll inform you immediately po." Magalang na sagot ko at saka nagpaalam na kay sir na bumalik na sa room ko.

Grabe. Isang linggo na rin silang wala, isang linggo ko na silang hindi nakikita at isang linggo na rin silang walang paramdam. Ni isang text, chat o tawag man lang wala. Siguro ay nagpapakasaya ang dalawang 'yun.

Papauwi na sana ako nang bigla akong tinawag ng kung sino.

"Callie!" Napalingon ako. Si Wyndy pala. "May balita ka kay Kat?" Tanong nya.

"Wala eh. Ikaw ba?"

Napabuntong hininga sya. "Psh. You know that girl naman. Kapag aalis 'yun, mahihirapan talaga tayong makita sya." Iiling iling nyang sabi. "If ever na makita ko 'yun, mananagot talaga 'yun sa'kin. At saka, si Andrei alalang alala na kaya."

Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso. Seryoso? Kailan pa nag alala si Andrei kay Kat? Eh halata namang walang pakealam 'yun sa nangyayari sa jowa nya.

"T-talaga?"

"Of course. He's been texting me 24/7 just to asked kung nasa'n na si Kat. Eh wala naman akong kaalam alam kung meron." Kumpirmado. Magkasama nga ang dalawa dahil mismo si Andrei walang alam. "By the way, na-ask mo na rin ba si Keifer?" Tanong nya.

Oo nga. Lagi naman kami nagti-text o nag uusap pero wala syang nababanggit tungkol kay Kat.

"Hindi pa eh. Pero kapag may nalaman na ako, sasabihin ko agad sa'yo." Nakangiting sabi ko.

"Promise?"

I nodded.

"Alright. Mauna na'ko sa'yo." Tinapunan nya muna ako ng isang arteng kaway at saka umalis na.

"T-teka!" Pagpigil ko sa kanya. Agad naman itong napahinto at napatingin sa akin. Tatanunhin ko lang sya about kay Andrei. "Ah.. aware ka ba na.. may ibang babae si Andrei?" Tanong ko. Bahagya pang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. "Ah hindi naman sa sinisiraan ko si Andrei pero kasi--"

"Haha! You're funny girl. Hindi magagawa sa kanya ni Kat 'yun. Noon oo, kasi lagi naman silang walang time sa isa't isa, pero ngayon? Nagbago na si Drei. At saksi ako dun." Haaa? Ano ba talaga? Naguguluhan na kasi talaga ako eh.

Nasa bahay na ako at paulit ulit kong tinatawagan ang number ni Kat pero out of coverage area. Grabe, isang linggo talagang nakapatay ang phone nya? Sinasadya ba nya 'to para hindi ma-trace kung na'san sila?

I contacted Keifer.

[Hello]

"Look, Keif, alam mo ba kung nasa'n si Kat?... pati si... si Markus? Ah kase, kung alam mo lang, isang linggo na kasi silang absent eh. Malay mo magkasama sila hindi ba. Tapos si Kat hinahanap na ng Principal namin. Keif tulungan mo'ko. Please--"

"Pft. Just calm down. They're fine" pagputol nya sa sinabi ko.

Agad naman akong nakahinga ng maluwag. "T-talaga? Na'san nga sila?" Alalang tanong ko.

[Sa Casa Mendez Resort] Napakunot noo ako. Ano ba kasi 'yan? [It's our family's resort. Baka gusto mong bumisita rito?] So magkasama nga sila. Tas andun din pala si Keifer. Hindi man lang nagsabi ano ba 'yan.

"Ah hindi na. Busy kasi--"

[Nah. Don't worry about that, ako na ang gagawa ng paraan para maayos ang mga gulong naiwan nila]

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

[Basta. Just trust me. Tas isa pa, ang sweet sweet nila dito tas ako nilalamok na dito.] Natatawang aniya.

Nagawa pa nya matawa sa gan'to ka-seryosong bagay. "Sorry pero--"

[Sunduin kita jan bukas. Be ready. Bye]

"Hello? Hello?!"

Aish! Lintek naman eh. Kahit kailan talaga hindi ako makakahindi sa taong 'yun.

Susunduin nya daw ako bukas, ibig sabihin, pupunta ako dun?

Malamang.

So makikita ko ulit sila? Nang magkasama?

Malamang.

Tapos masasaktan na naman ako?

Mala--

AYOKO!

Isang malaking katangahan na naman kapag pinili kong sumama dun. Ano na naman kaya ang trip nung si Keifer. Alam na nga nyang may gusto ako dun sa tao tapos papupuntahin pa nya ako dun. Hays.

AH BASTA! HINDI MO AKO MAPIPILIT KEIFER! HINDI AKO SASAMA AT HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG!

*

"Ready ka na ba?" Tanong nya habang pinaandar ang kotse.

Lintek na 'yan.

Wala akong nagawa gagu.

My Possessive BestfriendWhere stories live. Discover now