Pang Dalawampu't Siyam na Silip

147K 2.7K 113
                                    

29

Hindi ko pa nabubuksan ang mga mata ko, nararamdaman ko na ang mahinang paghinga sa may ulo ko, nararamdaman ko na na hindi unan ang hinihigaan ko, ang mabigat na braso na nakayakap sa akin, ang mabigat na binti na nakapatong sa legs ko at ang hapdi sa lower body ko.

Tapos unti unting bumalik sa akin ang nangyari kagabi at pakiramdama ko nag init ang buong pagmumukha ko. Pero kahit anong kahihiyan pa ang maramdaman ko wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat at hindi na pwedeng ibalik ang hymen ko. So its better that I have to accept the fact that we've consummated our marriage. Kinuha ko ang putting kumot at pinahid ang nagdudugo kong ilong. Wahaha. Pero infairness ha, nakakapagod pala yun. Pero kahit nakakapagod, enjoyable pa din.

Unti-unti ko ng minulat ang mga mata ko at una kong nasilayan ang dibdib ni Paeng. Nakahiga ako sa braso niya at ngayon ko lang narealize kung gaano siya kalaking tao. Tumingala ako sa mukha niya at naamaze talaga ako sa haba ng pilikmata niya pati sa pisngi nya na ngayon ay parang naggegray dahil sa mga patubong balbas. Tapos bumaba ang tingin ko papuntang leeg niya, sa dibdib niya at sa nipples niya pababa sa...

"Ahem!" Bigla akong napapikit at nagkunyaring tulog pero ang totoo napapangiti ako. Pwede namang ngumiti pag tulog di ba? Pwede yun. Iisipin lang ni Paeng na nananaginip ako. Kesa naman aaminin kong pinagmamasdan ko siya habang tulog.

"Hmmmm...Ang bilis makatulog ah." Tapos naramdaman kong lalo niya akong niyakap. Dikit na dikit tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. Tapos pinadaan niya ang isang daliri niya sa tagiliran ko mula sa braso pababa papuntang bewang. Ang lakas kaya ng kiliti ko sa bewang. Napaigtad ako at napasigaw bigla. Paksyet!

"Wag po Koya! Wag po!" Hahahaha. Anong magagawa ko? Nakikiliti talaga ako.

Tumawa lang siya ng malakas. Hindi pa rin ako makaalis sa tabi niya kasi nakadagan pa din ang isang legs niya sa akin at niyayakap ako ng isa niyang braso.

"Oh, gising ka na pala." Nagkunyari pa siyang surprise pero nakangiti siya.

"Ang bigat mo!" Mahina ko siyang tinulak para kunyari ayaw kong niyayakap niya ako pero siempre sabi ko nga mahina lang at kunyari lang. Wahahaha. Hala! Ano? Bakit ganito na ako? Hindi naman ako ganito bago nangyari ang lahat lahat kagabi di ba?

Tsaka lagi naman kami nagtatabi kung matulog pero parang wala lang sa akin pero bakit ngayon iba ata ang epekto? Epekto ba rin ba to ang juice na nainom ko kagabi.

"Hindi ko akalain na ganito ka ka sexy Ana." Tiningnan ko siya ng masama.

"Nasilipan mo na ako't lahat lahat, tapos nakita mo na akong naka bra at panty, tabi tayo matulog GABI GABI, tapos ngayon mo lang narealize na sexy ako? bulag ka ba?" Walanghiya talaga itong si Paeng! Ang aga aga binubwisit ako. Masakit pa naman ang katawan ko!

"Naman! Ang aga aga sumisigaw ka! Okay lang sana kung yung katulad kagabi yung sigaw mo kasi masarap pakinggan." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hala? Sumigaw ako kagabi? Hindi ah! Noooooo! Hindi ko ginawa yun. Hindi sumisigaw ang mga Reyna Elena!

"Hindi ako sumigaw kagabi! Nagsisinungaling ka!" Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Sigaw na ba yung ginawa ko kagabi? Mahina lang naman yun ah!

"Ayaw mong maniwala?" Nanghahamon ang tingin niya sa akin na para bang gusto niyang patunayan na ginawa ko nga yun.

"Talaga!" Hidni naman kasi yun totoo. Maniwala ako dyan kay paeng. Kaya kayo, wag na wag kayong magpapaniwala dyan. Sinungaling yan.

"Gusto mo ng katibayan? Sige i-replay natin!" Tapos dinaganan ba naman ako bigla.

"Ahh-!" Hindi na natapos ang sigaw ko kasi bigla niya akong hinalikan. Nararamdaman ko ang buong katawan niya sa katawan ko pero hindi naman mabigat. We are still naked inside the blanket. Shit naman! Gusto ata talaga niyang patunayan? Ana naman kasi! Wag mong hinahamon yang si Paeng, wag mo siyang kinakalaban, dapat sinasabayan mo siya. Pag hinalikan ka niya, halikan mo din. Hahahaha.

Pababa na ang halik niya sa leeg ko ng may biglang kumatok. Napatigil kaming dalawa at nagkatinginan. Parang nag usap ang mga mata namin kong bubuksan ba namin ang pinto o hindi.

Tapos nasundan pa ng sunod na sunod na katok at maya maya, nagriring na ang cellphone ni Paeng kasabay ng pagring ng phone sa kwarto namin. Di naman makulit ano?

"Ano?" Umupo si Paeng sa kama at pasigaw na sinagot ang phone. "Sige mag aayos na kami." Tapos ibinagsak ang telepono. Nabingi na siguro yung kausap niya sa phone. Tapos tumingin siya sa akin. Hindi ako masyadong tumitingin sa kanya kasi nakahubad siya.

"Nakalimutan kong magdadiving pala tayo. Kaya mo ba? Kung mahihirapan ka, wag na lang tayong tumuloy." Hindi ko alam kong concern ba ang nakikita kong expression niya habang tinatanong niya ako. Parang adik tong si Paeng kung makapagtanong kala mo naman naputulan ako ng paa.

"Anong akala mo sa akin invalid?" Tapos agad agad akong tumayo bitbit ang kumot. Napangiwi ako. Hala! Masakit pala talaga. Muntik pa akong matumba dahil nagulat ako sa sakit. Nasa tabi ko naman agad siya para alalayan ako.

"Bwisit ka!" Sininghalan ko na at tiningnan ng masama.

"Bakit na naman?" Nakahawak siya sa bewang at tinulungan akong maupo sa kama.

"Hindi ka man lang nagdahan dahan kagabi. Kainis ka! Alam mo naman na... na ano ako! Kainis! Paano ako ngayon makakapag-diving? Ni hindni ako makaligo!" Tapos napatingin ako sa stain sa bedsheet tapos sa kanya. Nakita ko siyang namula. Bakit siya namumula? Siya ba ang virgin? Parang gago talaga itong si Paeng.

"Bakit ako? Dinadahan dahan ko naman. Ikaw tong nagmamadali! Eh di bukas na lang tayong magdiving kung di mo kaya ngayon. Madami pa namang araw at kung paliligo naman ang problema mo, ako na lang ang magpapaligo sayo." Tapos walang sabi sabing binuhat niya ako at dinala sa shower.

Ano ba!

Nagsimula kami sa shower, magtatapos din ba kami sa shower?

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon