Pang Tatlumpu't Apat na Silip

145K 2.8K 280
                                    

Casper sinasabi ko na sayo. Salamat sa pagpapagamit ng name mo sa story kahit antagonist. 

34.

Ano ba ang dapat gawin pag hindi sinuklian ng pagmamahal ang pagmamahal mo? Eh di magpakamatay ka na lang Ano pa ang silbi mo sa mundo pag ganun?. Joke lang.  Parang sukli lang yan sa jeep eh. Kung ikaw ba nagbayad tapos hindi ka sinuklian ng driver ano ba ang dapat gawin? Manahimik ka na lang hangga’t maalala ng driver na may sukli ka pala? Asa ka naman pag ganun. May mga driver kayang sadyang kinakalimutan ang sukli. Okay lang sana kung sampung piso lang ang pera mo, pwero papaano kung isang daan yun? Malaki ang nalugi sayo. Katulad din yan ng pagmamahal. Katulad ng driver sa jeep or sa bus kailangan mong ipaalala para masuklian ka. Kaya ito ngayon ang ginagawa ko. Pinapaalala ko kay Paeng na mahal ko siya. Hindi ko naman sinasabi oras oras pero pinapakita ko naman tuwing may pagkakataon ako. Inaalagaan ko siya, pinagluluto ng masasarap na pagkain. Pinagluluto ng kaldereta  at kare kare na paborito niya.  Mabuti na lang talaga at may ready to mix na ngayon na mga sauce kaya madali na lang magluto.

Nakikita ko naman na naaappreciate niya ang ginagawa ko basi na rin sa pagkaubos ng mga niluto ko. Sabi nga nila a way to a man’s heart is through his stomach. Hindi ako nawawalan ng pag asa dahil alam kong darating din ang panahon na masusuklian din ni Paeng ang pagmamahal ko.

Pero ito nga lang kalaunan, palagi na lang akong tanghaling nagigising kaya hindi ko siya naipaghahanda ng agahan. Umaalis tuloy siya ng hindi nakakain ng breakfast. Kawawa naman. At sa gabi naman, madalas na sa labas na siya nagdidinner dahil sa mga business meetings. Nasasayang tuloy ang mga niluluto ko.

Kaya ngayon kailangan kong bumawi. Dadalhan ko siya ng lunch sa office niya. 9AM pa lang ng umaga nagsimula na akong magluto kaya pagdating ng 11 tinawagan ko na ang driver para ihatid ako sa office ni Paeng. 11:30 na kami nakarating sa office niya which is tamang tama lang para sa lunch. This time, wala ng guwardiya na humarang sa akin. Wala na din ang mahaderang receptionist. Buti naman kasi kung hindi siya pinaalis ni Paeng, kay Grandma ko siya isusumbong o kaya kay prodigal grandfather.

Maganda na din ang pagbati sa akin ng mga tao sa building kasi alam na ata nilang asawa ako ni Paeng or baka naman dahil mukhang mayaman na ako dahil nagiging kinis mayaman na ang kutis ko. Iba talaga ang nagagawa ng pagyaya sa akin ni Raziel sa mga SPA na yun.  Kung dati ang bato pinanghihilod ko sa batis, ngayon ang bato nilalagay na sa likod ko habang  nasa SPA kami. Ewan ko ba, sa tingin ko nagkamali talaga sila ng spelling ng SPA. Dapat ata SAPA yun kasi ang SPA katulad ng sapa na pwedeng maligo, ang ibang sapa lalo na sa malapit sa mga volcano ay may steam bath din at jacuzzi, yung mga falls pwedeng pangmasahe, yung mga pinampapahid sa SPA mud ang tawag at may bato pa. Di ba sa sapa mayroon ding ganun dun nga ata nila kinuha ang mga mud at bato eh. Tapos ang music pa na ginagamit sa SPA pang sapa. Mga huni ng ibon, at mga insekto kaya sigurado ako na nagkamali lang talaga sila ng spelling at para na din siguro sosyal pakinggan, hindi na nila binago ang pagkakamali nila.

Anyway, makabalik nga tayo sa kasalukuyan.  Nung dumating ako sa floor ng office ni Paeng binati agad ako ng sekretarya niya.

“Ma’am! Good morning po.” Natutuwa talaga ako pag naririnig ko ang salitang Ma’am. Feel na feel ko lang. Sa amin kasi pag namimili kami sa supermarket o sa palengke miss ang tawag sa akin. Pag Ma’am kasi ang tawag parang kagalang galang talaga.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon