Pang Labing Siyam na Silip

143K 2.7K 105
                                    

Pang Labing Siyam na Silip

Pagdating sa kwarto tinapon niya ako na parang sako ng bigas sa kama. Mabuti na lang talaga at malambot ang kama niya. Napasigaw ako. Walang hiya talaga!

“Ano ba!”  Tiningnan ko siya ng masama pero mukhang wala man lang epekto sa kanya. Tapos bigla na lang siya sumampa sa kama. Kung hindi ako naka iwas baka nadaganan niya ako.

Humiga siya sa tabi ko tapos ilang beses na bumuntonghininga. Anong problema niya? Malalim ata.

Walang nagsasalita sa amin. Maya maya pa naghihikab na ako. 4AM na kasi. Ilang beses pa akong naghikab hanggang sa unti unti nang pumikit ang mga mata ko.  On the way to dreamland na ako nung may biglang yumugyog sa akin.

“Ano ba! Kitang natutulog na ako eh!” Singhal ko pa!

 “Ilang taon ka na Ana?” Bigla niyang tanong. Ay naman! Hindi ako makapaniwala na ginising niya ako para lang itanong yan. At take note, pinakasalan niya ako ng hindi niya alam ang edad ko. Tanga tanga talaga!

“Ginising mo ako dahil lang dyan!?” nanlalaki na ang mga mata ko. Hindi ba ako pahihingahin ng taong to? Ganito ba talaga pag bagong kasal? Napupuyat?

“Sagutin  na lang kasi!”

“Ano naman ang pakialam mo sa edad ko?’ Kung hindi niya ako inistorbo tulog na ako ngayon.

“Ayaw kong makipagsex sa babaeng ni wala akong alam!” Feeling ko namula ako. Buti na lang madilim sa kwarto namin. At talagang makipagsex ang term niya.  Prangkahan lang eh! Walang pakundangan! hindi man lang inisip na virgin ang kinakausap niya!

“Sino nagsabi sayong makikipagsex pa ako sayo!?” Asa naman siya! Natauhan na kaya ako ng dahil sa Meralco. At isa pa, ayokong makipag sex out of nothing at all.

“Kung wala ka ng plano, ako meron, kaya kailangan kitang kilalanin. Naturingan pa naman kitang asawa. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko.” Ang sungit naman. At ang kapal ng mukha! 

“23” Sinagot ko na lang para matapos na at makatulog na ako.

“ Bakit wala kang naging bf? Wala bang may nanligaw sayo? Kunsabagay….” He trailed off. Anong walang bf? Anong walang nanligaw? Iniinsulto ba ako ng bwisit na to? AT ano yung kunsabagay?

“ Anong wala? Madami ang nanliligaw sa akin ah. Ako yata ang Reyna Elena last year. “ Tumikhim siya pero hindi ko pinansin. “ Kaso…”

“Kaso?” Mukhang naging interested siya.  May pagkatsismoso pala itong si Paeng.

“Hindi sila mayaman.” I said matter of factly. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko. Hindi sila pasok sa criteria  ko. Sagabal sila sa ultimate dream ko. 

“Pera lang ang habol mo sa mga lalaki?” Tumagilid na siya at tiningnan ako.  Umismid naman ako.

“May iba pa bang hahabulin sa inyong mga lalaki?”

“Meron. Katawan at kagwapuhan namin. Pero Ana, manhater ka?” Grabe to! Walang preno ang bibig.

“Hindi ah! Hindi ko lang naappreciate ang presence niyo sa Earth.” Gusto ko nang matawa sa expression niya. Ikaw ba naman insultuhin ang lahi mo ng harapan. Pinakita ko ang paghihikab ko para tumigil na siya kakausap sa akin. At saka, antok na antok na kaya ako!

“Isang tanong na lang.” Akala ko tapos na pero hindi pa pala. Pero pagbigyan na natin. Isa na lang daw eh.

“Ano yun?”  Sabay hikab.

“Baliw ka na ba simula nung pinanganak ka?” Tapos tumawa siya. Tiningnan ko siya ng masama. Bwiset talaga.

“Gusto mong balatan kita ng buhay? Yun ang ginagawa ng mga baliw.  Lalo na yung mga baliw simula nung pinanganak”  Natigilan siya sa sinabi ko. Pero agad naman siyang nakabawi.

“Joke lang. Ikaw, hindi ka magtatanong sa akin?” Utang na loob Paeng patulugin mo na ako.

“Hindi na.”  Pumikit na ako. Sa wakassssssssss!

 “So okay lang sayo na magsex tayo kahit di mo ako masyadong kilala?” Bigla akong dumilat. What the heck!

“Kapal mo huh! Hindi lang talaga ako interesado sa buhay mo. Mas interesante pa ang matulog.”

“Nakakasakit ka ng damdamin.” May tampo effect pa ang boses niya pero asa naman siya na madadala ako.

“Ikaw naman nakakasakit ka ng puson.” Nasabi ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

“So inaamin mo din na nabitin ka?” May ngiti sa kanyang mga labi. Umismid ulit ako. Ano bang klaseng usapan meron kami? No holds barred. Bangag ata ang author ngayon at nawala ang creativity sa pagsusulat at diretsahan na lang ang usapan.

“Ikaw ba hindi? Pero hindi na ako interesado. Kung gusto mong ituloy yun, yayain mo si Lilac.”

Tapos tumalikod na ako.

At dahil nga fiction ang kwentong ito…

Nakatulog ako agad. 

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon