Pang Pitong Silip

173K 3.6K 820
                                    

Pang Pitong Silip

Simula nung malaman ko ang totoong pagkatao si Pae or Paeng naintindihan ko na siya. Sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo kung hindi mo pwedeng eexpress ang sarili mo?

Imaginin mo na lang na sobrang natatae ka na pero wala kang makitang CR. Isipin mo na din na pag nakakita ka ng crush mo at hindi ka makatili. Kaya nag promise ako sa sarili ko na maging pasensiyosa na ako kay Pae. Kahit mainitin ang ulo niya titiisin ko na lang. Dapat makipagsimpatiya ako sa kanya.

Kawawang Pae. Sobrang pressure siguro ang nararamdaman niya. Dapat talaga ipakita ko sa kanya na suportado ko siya maging sino man siya. Na naiintindihan ko ang kalagayan niya. Na okay lang na mag open up sa akin.Dapat maiparamdam ko sa kanya that we're sisters. We're soul sisters. Yeah!

Kaya simula nun halos hindi na kami nag aaway. Hindi ko na pinapatulan ang mga pagsusungit niya. Feeling ko nga ng dahil sa ginagawa ko, magiging santo na ako. Ang bait bait ko na talaga. Kulang na lang sa akin halo.

Katulad nung minsan, sinigawan niya ako.

"ANO BA ANA! WALA KA PANG NALUTO? PAGOD AKO GALING FARM TAPOS PAGDATING KO WALA AKOGN MAKAIN? PARA SAAN PA AT ANDITO KA?" Sinigawan  niya ako niyan. Gusto ko na din siyang sigawan pero naghunos dili ako.

"Pasensiya ka na girl, sige magluluto na ako."

"ANOGN GIRL!!!!? NANG AASAR KA BA?" Oo nga pala! Ayaw niyang malantad ang totoong kulay niya. Kaya umalis na alng ako at nagluto ng broiled egg para makain niya. Pagkakaalam ko kasi mahilig sa itlog ang mga katulad ni Paeng. Lol.

Simula na din nun, nawala na ang hiya ko kay Paeng. Hindi naman sa wala talaga akong hiya. I mean, hindi katulad dati na halos ayaw kong ipakita sa kanya ang tuhod ko. Ngayon sumusuot na ako ng miniskirt, minishort, halter dress, tube dress at spaghetti strap na damit.

Hindi na ako nagbibigay ng malisya kais nga parehas naman kaming babae. Minsan nga nakita niya akong nakatapis lang ng tuwalya at nang minsan pa binuksan niya ang pinto ko habang nagbibihis ako at nakapanty at bra lang.

Hindi ako nahiya noon kasi nga, babae naman siya sa puso. Pero mukha siyang ang nahiya sa dalawang beses na yun kasi bigla siyang tumalikod.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon