Pang Labing Dalawang Silip

157K 3.1K 279
                                    

Thanks for the cover sis Demisse.


Pang Labing Dalawang Silip

Wahahahahha. Wahihihihi.

Ano ka ngayon Paeng ha? Wala ka palang binatbat sa grandma mo eh.

“Ikaw hija? Okay lang ba sayo na dito na tumira?” Ano daw?

“Po? Bakit naman po ako nasali sa usapan niyo?”

“Aba eh siyempre, ikaw ang asawa niya, kaya kasama ka!” Hala! Bakit ko nakalimutan na nagpapanggap pala kami. ANg galing ko pang magsabing patay ka Paeng pati pala ako patay din.

“Grandma naman. Malapit lang naman ang bahay ko dito kaya  kahit di na kami tumira dito.” Nagsasalubong na ang kilay ni Paengot.

“Wag ka nang magreklamo! At dahil alam kong civil wedding lang ang ginawa niyo kaya ipapakasal ko kayo sa simbahan.”  Hala si Grandma! Ang galing magjoke! Hahahhaha. Natatawa naman ako.

“Grandma!” Apila pa din ni Paeng.

“Yan na ang desisyon ko!” Sabi pa ni Grandma. Teka lang! Aba! Aba! Iba na pag kasal na ang pinag uusapan. Di na ako makakapayag niyan. AT lalong lalo na kung si Paeng ang magiging asawa ko.  Ewww lang ha.

At ano ang akala niyo sa akin? Papayag na lang basta basta na ipakasal kay Paeng? Oh c’mon! Siguro kung typical akong heroine sa mga story siguro papayag ako na para bang wala akong isip at magpapatianod na lang sa sitwasyon because the story calls for it. Pero di ba nga, sinabi ko na, prologue pa lang na hindi ito love story kaya bakit ako papadala sa pagppressure sa amin ni Grandma at ng author na wala ng maisip na magandang dahilan at pinipilit na magkatuluyan kami ni Paengot?

Sinabi ko na, na hindi ako papacontrol sa author.

“Grandma! Hindi mo kami kailangang ipakasal kasi in the first place, pinilit lang po ako ni Paeng!” Bigla ko na lang sinabi that earned gasped from our audience na lahat kapamilya ni Paeng.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon