Pang Dalawampu't Apat na Silip

151K 3K 314
                                    

Dalawampu't Apat

Hindi agad kami pumunta ng mall, may pipirmahan pa daw kasi siya. Nung makaakyat kami sa office niyang magara, naaliw naman ako as sobrang laki. Kasinlaki ata ng buong bahay namin. Nagtingin tingin lang ako sa paligid habang nagtatrabaho siya.  

Seryoso? Pogi pala si Paeng pag seryoso? Tapos talaga palang palautos siya. Dalawa ba naman ang secretary.  Tapos ang lamig lamig pa ng office niya at ang bango. Ang sarap tuloy matulog. Makahiga nga muna.

“Hoy!” Napabalikwas ako ng bagon. Ampupu naman! Patulog na ako eh. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

“Kung gusto mong matulog doon ka sa kwarto.” Sabi niya sabay turo sa isang pinto. Di ngah? May kwarto sa opisina niya?  Nawala bigla ang pagkairita ko at tumayo na ako at naglakad sa tinuro niyang pinto. 

Pero hindi pa ako nakakilang steps ng may pumasok na babae. Sumunod ap ang secretary ni paeng at pinipigilan siya pero dirediretso alng ang babae. Napakaganda at napakakinis niya. Napakaiksi din ng damit niya. Kunti na lang makikita na ang singit niya.  Ang laki ng ngiti niya nung pumasok siya. Mukhang ako pa at si Paeng ang nagulat sa pagpasok niya.

“Raphael darling!” Dirediretso siyang lumapit kay Paeng sabay halik sa lips at pulupot ng mga braso sa leeg ng ASAWA ko. Nanlaki ang mga mata ko. Wala bang delikadeza ang babaeng to? Hindi ba niya nakikita na may ibang tao?

Napatingin naman si Paeng sa akin habang nakapulupot sa kanya ang babae. Pinandilatan ko siya ng mata. Mukhang nag eenjoy ang walang hiya!

“Ahmmm Katie…may ibang tao.” Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. So, kung walang tao okay lang? Ang gago talaga! At ano ang sinabi niya? May ibang tao? SO..ibang tao na ako ngayon? Kung ihampas ko kaya sayo ang sofa Paengot?

Saka pa lang napansin nung babae ang presensiya ko.  Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ng nakataas ng kilay. Ay talaga naman! Lumapit ako sa kanya at tiningnan din siya mula paa hanggang ulo. Ampupu! Mula sapatos hanggang buhok halatang mamahalin. Pero hindi ako nagpatalo. Eh ano ngayon kung nakatsinelas lang ako at nakaponytail? Bakit naranasan na ba niyang maging Reyna Elena? Asa siya!

“Who is she Raphael?” Mataray, malandi at maarteng tanong niya. Ang tinis pa ng boses niya, ang sakit sa tenga.

“I am the wife and who are you?” Mataray, malandi at maarteng sagot ko. Pero nakita ko ang panlalaki ng mata niya na punong puno ng masskara, eyeliner, eyeshadow. Ang dami kong napapansin at napapansin ko din na napapaenglish na naman ako.

Lumapit ako sa table ni Paeng at kumuha ng tissue at pinahid ang ilong ko. I heard him chuckle. May nakakatawa?

“You got married?” Hindi ako pinansin nung maarte, instead, tumingin siya kay Paeng na komportableng nanonood sa amin at mukhang nag eenjoy pa. Mamaya magtutuos tayo.

“Kasasabi ko lang di ba? Bingi ka ba or tanga lang talaga?” Pinandilatan ko siya ng mata. Pinandilatan niya din ako. Tapos she ignored me again at tumingin kay Paeng.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon