Pang Dalawampu't Limang Silip

145K 2.6K 144
                                    

25

“Aaahhhhh… sige pa!! Don’t stop! Dyan… dyan nga.. mmmm… ang sarap.” Grabe! Kung alam ko lang na ganito kasarap yun, inaraw araw namin to. Ito ata ang sinasabi nilang can’t get enough. Grabe! Nagiging sosyal na talaga ako simula nung dinala ako dito ni Paeng sa Manila. Panay na din ang English ko.

“Dito?” Diniinan niya ang bahagi ng katawan ko at napaungol ulit ako.

“Sige diinan mo pa, yaaannn… nice!” Napapapikit ako sa ginagawa niya sa akin. Then his capable hands landed on my back just above my buttocks. Napasinghap ako at napaungol when he started massaging it.

“Yan, ang sarap dyan. Aaaahhh.” Napapikti ulit at napakagat sa mga labi ko. Hala! Pwedeng pagkakitaan ang talent ni Paeng sa pagmamasahe.  Ano kaya kung magnenegosyo kami ng hilot? Si Paeng ang tagahilot at ako ang cashier? Wala naman siyang magagwa kasi sunod sunuran siya sa akin ngayon. Takot lang niyang hindi masilayan ulit si Lilac at iprito ni Grandma. Hahaha.

Napaungol ulit ako sa pagmamasahe niya at nakakaantok ang ginagawa niya. Kunti na alng makaktulog na ako.

“Ana, pwede ba? Pag minamasahe kita, wag ka na lang umungol?” Reklamo pa niya

“Bakit ba? Eh ang sarap eh. Hindi ko mapigilan. Aaahhhh” I said sa inaantok kong diwa. Kunti na lang talaga. Kunting kunti na alng makakatulog na ako.

“Para kasi tayong nag aano sa ginagawa mo?” Halos hindi ko na maiintindihan ang sinasabi niya. Basta may “Inaano” sa sinabi niya. Pwede bang I massage na alng niya ako? Wag na siyang magsalita. Kaasar naman.

“Inaano?”

“Wala.” Tapos tinuloy na niya ulit. Makakatulog na talaga ako nito.

“Papadala na si Lilac dito bukas ha!” He knead my shoulders and my muscles relax.

“Eeehhhh.. Wag muna!” Mahinang mahinang sabi ko. Sobrang antok na ako. Ang sarap kaya ng feeling ng kamay niya sa likod ko.  Pero bigla siyang tumigil. Nabitin ako. Hindi pa ako nakaktulog! Ano ba!

“Hindi na kita imamassage  kung hindi ka pa papayag na ipadala dito si Lilac.” Antae naman! Bakit ganito siya? Antok na antok na ako eh.

“Ano?” Naramdaman ko ulit ang kamay niya sa likod ko. Nakapatong lang pero hidni gumagalaw. Tapos naramdaman ko ang hininga niya sa may batok ko. Nanayo ang balahibo ko despite my groggy state.

“Ahhmmm.. sige na nga!” Wala sa isip na sinabi ko. And with that, tinuloy na niya ang pagmamassage sa akin. Napangiti ako at tuloy tuloy na ang pagbyahe papuntang dreamland. Peor bago pa ako tuluyang makatulog, naramdaman ko pa ang pagpisil niya sa pwet ko. Gusto ko man magreklamo, wala na akong magawa kasi nakatulog na ako. And besides, baka kasama sa massage talaga ang pagpisil sa pwet.

Nagising ako dahil may narining akong kumakanta. Nung una mahina lang ang tinig pero habang nagigising ang diwa ko, unti unti ding nagiging malinaw ang kanta at kung sino ang kumakanta.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon