Pang Tatlumpu't Siyam na Silip

150K 2.9K 346
                                    

39

Simula nung gabi na yun hindi na ako natulog sa kwarto ni Paeng.  I’ve been sleeping in the other room. Nung una pinilit niya akong bumalik sa kwarto niya pero hindi ko siya pinansin hanggang sa napagod na siguro siya at hinayaan na lang niya ako. And that lasted for a month now. Halos hindi na nga kami nagkikita na dalawa dahil paglabas ko ng kwarto, nakaalis na siya papuntang office at pagdating niya, nasa loob na ako ng room.

Ilang beses na ding bumisita si Grandma pati sina Mama at Papa sa condo at hindi ko alam kung napapansin ba nila ang sitwasyon namin ni Paeng. Kung napapansin man nila wala silang sinasabi tungkol doon.

Pero hanggang kelan ko ba siya kayang iwasan? Hanggang kelan ba ganito ang sitwasyon namin? Hanggang kelan ko ba aalagaan ang sakit na nararamdaman ko? Sa totoo lang napapagod na ako sa ganitong sitwasyon, sa ganitong pakiramdam. Ang bigat bigat sa dibdib. Gusto ko ng makalimutan ang lahat. Gusto ko ng maging masaya ulit. Gusto kong bumalik ang dating ako. Pero kahit ako, hindi ko alam kung paano ko gagawin yun ng hindi ko nararamdaman ang sakit, na hindi ko naalala ang pangyayaring yun. At ginagawa ko ang lahat makalimutan lang yun, kaya ayaw kong makita si Paeng dahil pag nakikita ko siya, bumabalik ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. He serves as the living reminder of the things I wanted so much to forget.

Nakatulugan ko na yun ang iniisip ko. Nagising ako nung makaramdam ako ng gutom. Hindi pala ako nakapaghapunan. Mag 12MN na pala. Dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto.  Napatingin pa ako sa salamin and I saw the thin hallow faced Ana looking back at me. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya, nakikita ko ang trace ng pag iyak niya gabi gabi. Pinilit kong alisin ang paningin ko sa salamin.

Paglabas ko, napansin ko na nakabukas ang ilaw sa may bar. Tapos nakita ko si Paeng na umiinom. Malapit na ding maubos ang laman ng bote ng kung anuman ang iniinom niya.

Nakatagilid siya sa akin at hindi ko alam kung napansin niya ako. Nabaling ang tingin ko sa mukha niya and I noticed that his face is unshaven? Ang pagkakaalam ko, ayaw niyang humahaba ang balbas  niya kaya araw araw siya kung magshave dati. Pero ano ba naman ang alam ko sa kanya? Napansin ko din na parang pumayat siya. And like me, nakikita ko na din ang panlalalim ng mga mata niya.

Tumalikod na ako para bumalik sa kwarto kasi madadaanan ko siya pag pumunta ako ng  kitchen  nung tinawag niya ako.  

“Ana!” Napatigil ako at hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin siya. Nakita ko siyang tumayo at muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya nakahawak sa may bar counter. Naglakad siya papunta sa akin pero nakikita kong hindi na straight ang lakad. Lasing siya.

Hanggang sa makalapit siya sa akin, hindi ko nagawang gumalaw man lang. Nakatingin lang ako sa kanya ng walang kaemo emosyon.

“Patayin mo na lang ako.” Sabi niya sa nahihirapang boses nung magkaharap na kami. “Kung gusto mo akong parusahan sa ginawa ko sayo, patayin mo na lang ako Ana. Kung makakabawas sa sakit na nararamdaman mo ang pagkamatay ko, gawin mo. Kung yun ang paraan para mapatawad mo ako, tatanggapin ko. Pero…wag lang yung ganito…”He sob. “Wag lang yung parang hindi ako nag-eexist sa buhay mo.” Napayuko ako nung makita ko siyang umiiyak. May parte sa akin na naaawa na sa kanya pero nangingibabaw pa din ang sakit na nararamdaman ko.

Tapos bigla na lang niya akong niyakap at sumbsob sa balikat ko habang umiiyak. Hindi ko nagawang makapag react. How much pride it would take for a man to cry in front of a woman? How much pride it would take him to crumble and cry in front of her? Para ipakita ang kahinaan niya?

Kahit kailan, hindi ko naisip na gagawin ito ni Paeng sa harap ko. He is literally breaking down in front of me. Kahit sinong babae, ayaw makita ang ganitong eksena. Kahit sinong babae hindi nanaisin na makita ang isang lalaki na maging ganito kahina sa harapan niya.

Pero ako kinakaya kong tingnan siya sa ganitong estado. Oo nasasaktan din akong makita siyang ganito ka-miserable. Siguro nga mas miserable pa siya ngayon kaysa sa akin. At nasa kamay ko ang susi para hindi na siya masaktan pero hindi ko  pa siya kayang patawarin. Ayaw ko siyang maging ganyan, ayaw kong makita na nagkakaganyan siya, hindi ko ginustong masaktan siya dahil sa nangyayari sa akin. Hindi ko ginustong maging miserable din ang buhay niya, ang gusto ko lang makalimot. Makalimot sa lahat ng sakit Siguro sa tamang panahon maibibigay ko ang kapatawaran na hinihingi niya pero hindi ngayon.

Hinayaan ko siyang yakapin ako at pinahid ko ang luhang tahimik na naglandas sa mga pisngi ko.

“Patawarin mo ako kung naging duwag man ako sa nararamdaman ko Ana. Patawarin mo ako kung hindi ko kayang harapin ang damdamin ko. Patawin mo ako kung naging manhid ako at kung niloko man kita. Na hindi ko kayang aminin sa sarili ko na mahal na pala kita.” Habang nagsasalita siya mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

Tapos unti unti niya akong binitawan at malungkot na tumingin sa akin tapos pinahid ang mga luha ko. The loneliness in his eyes mirrors mine.

“Gusto kong maging masaya ka kahit pa na ang kapalit nun ay ang pagkawala mo sa buhay ko. I know how much you loathe me right now and maybe it’s very hard for you to forgive me at this moment kaya hindi ko na pipilitin na patawarin mo ako pero hihintayin ko ang araw na mangyayari yun. Ayaw ko ng makita kang nagkakaganito at alam kong ako ang dahilan ng lahat na ito. At kung makakabawas sa sakit na nararamdaman mo ang pagkawala ko, gagawin ko, kahit na masakit para sa akin ang mapalayo sa’yo.”

Parang lalong sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Although, iyon naman ang gusto ko. Ang hindi siya makita, ang lumayo sa kanya. Pero bakit mas lalo akong nasasaktan dahil sa mga sinasabi niya? May bahagi ng pagkatao ko ang gustong umalis siya pero may bahagi din na tumututol.

“Keep safe.” Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.  Tapos tumalikod na siya at naglakad papuntang main door palabas ng condo. 

A/N: Mahirap palang mag update pag sobrang malungkot si Ana. Sorry for the dry update at yan lang ang nakayanan ko. Hindi ko maisulat ng tama ang totoong nararamdaman ni Ana. nagiging bato na din tuloy ang mga update. Nahawa na. Don't worry hindi ito aabot ng 50 chapters. Ata?

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon