Pang Tatlumpu't Dalawang Silip

147K 2.7K 242
                                    

32. (Shit! Madami daming chapter pa pala ito.)

“I love you. Narinig mo? Mahal kita. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero naramdaman ko na lang na mahal na kita.”

Napakunot ang noo ko. Hindi bagay. Ang corny. Paano ko ba sasabihin? Paano ako aamin? Parang sasabog na ako sa nararamdaman ko. Gusto kong ipagsigawan pero hindi ko naman kayang sabihin.  Ang hirap pala ng ganito. Ilang linggo na ako praktis ng praktis kung paano ko sasabihin kay Paeng pero hanggang ngayon di ko pa rin masabi.

Sinubukan ko na ding isulat sa papel at iwan sa dining table para mabasa niya pero nung nagdoorbell na siya, nagmamadali ko namang inalis at itinapon sa basurahan. Ang hirap talaga. Ang hirap maging babae.

Ngayon nga hinihintay ko siyang dumating mula sa office at hinihintay ko ding maluto ang sinigang na hipon. Fresh sampalok pa ang ginamit ko para masarap. Nitong nakaraang araw kasi napapansin ko na bago siya umuwi tinatanong niya muna kung ano ang ulam at kung masarap uuwi siya agad pero  kugn sa tingin ko hindi niya gusto, kumakain siya sa labas. Kaya sinisigurado ko na masarap ang ulam sa gabi. Naniniwala pa naman ako that a way ko a man’s heart is through his stomach.  Pinahiran ko ang dugo na tumulo sa ilong ko bago pa mahulog sa sinigang na niluluto ko. Gross!

Mga 7PM na siya dumating at agad siyang dumiretso sa kusina para tingnan ang nakahain. Agad siyang naupo at pinagsilbihan ko naman bago ako umupo sa tabi niya. Ang sarap lang niyang kasabay sa pagkain.

“Ang sarap nito ah. Gumagaling ka na sa pagluluto Ana.” Nag init bigla ang pisngi ko dahil sa papuri niya. Hindi na ako nakapagsalita kasi puno ng kanin ang bibig ko. Nakakahiya baka kasi mabilaukan ako. Sayang ang poise. Naks! May poise na akong nalalaman. Hahaha.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain. Nag worry pa nga siya kasi daw hindi na ako umaalis sa bahay. Baka nabobored na daw ako. AT sa tuwa ko, sabi niya pupunta daw kaming Tagaytay sa Sabado para mamasyal at para maaliw naman daw ako. Gusto ko siyang yakapin sa sobrang  saya ko. Masaya ako hindi dahil sa pupunta kaming Tagaytay kundi dahil nag aalala siya sa akin. Iniisip ko tuloy na hidni totoo yung sinabi niya sa mga pinsan niya.

“Napapagod ka?” Tanong ko sa kanya nung papasok na kami ng kwarto. Nakita ko kasi siyang hinihilot ang batok niya.

“Medyo lang. Madami kasing trabaho sa opisina.”  Bakit naman nung nagtatrabaho siya sa farm hindi naman siya napapagod pero pag sa office napapagod siya? Kawawa naman.

“Gusto mo I massage kita?” I asked out of nowhere. Ohh..please author, utang na loob, pakiusap mag effort ka namang i-translate sa tagalog ang  kakarampot na english mo kasi nanonosebleed ako. I google mo kaya!

Tiningnan ako ni Paeng na nagtataka. Ngumiti lang ako sa kanya. First ko kasi mag offer na imasahe siya. Remember, siya itong nagmamasahe sa akin dati?

“Sure ka?” Tanong pa niya. Manghang mangha sa offer ko.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon