Pang Labing Apat na Silip

164K 3.4K 235
                                    

Labing Apat

"Hays" Pinatong ko ang chin ko sa palm ko na nakatukod sa mesa.

"Hays" I squinted my eyes at him tapos inismiran siya.

"Hays!" huminga ulit ako ng malalim.

"Hays..." Bumuntong hininga din si Paeng.

Tiningnan ko na siya ng masama. Nananadya ba to? Bakit sinasabayan niya ang buntunghininga ko?

"Gaya gaya ka ah! Nang aasar ka ba?" He gave me a side way glance.

"Bakit bawal na ngayon bumuntunghininga? Exclusive na ba sayo ngayon yun? May copyright at patent ka ba ng buntunghininga?" Naningkit ang mga mata ko. Kahit kailan walang kwenta kausap itong si Paeng.

"Bwisit ka! Kasalanan mo ang lahat ng to! Kung hindi dahil sayo hindi ako mamroroblema ng ganito. Binigyan mo ako ang problema!" Gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko magawa kasi ang iksi ng buhok niya. Kainis!!

"Ikaw nga ang pinoproblema mo ang pagpapakasal lang samantalang ako may iba pa!" Himutok din ni Paeng. Andito na ulit kami sa garden namin. Bumalik na kami pagkatapos ng litanya ni Lola.

"Bakit may mas masahol pa ba kaysa sa pagpapakasal sayo?" Wala na! pag nagpakasal kami end of the world na. Ngayon pa nga lang na hindi pa kami kasal pinag aawayan namin kahit ang buntunghininga paano pa kaya pag kinasal kami. Aba baka pag awayan namin kung saan papunta ang langgam!! 

"Oo. Kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga girlfriends ko na ikakasal na ako." Nanlaki ang mga mata ko. 

"Mga girlfriends? At ilan ang 'mga' gf mo?" Naging curious naman ako bigla. Akalain mo ba namang may papatol pala kay Paeng! Wahahaha!

"Now. lemme count." Sabay taas ng kamay at parang grade one na nagbilang sa kamay.

"Si Aileen, Bianca, Casper, Demisse, Ella, Fran, Gretchen, Helene.." Habang sinasabi niya yun nanlalaki ang mga mata ko.

"wag mo sabihing buong alphabet ang gf mo?" Impossible! Nagyayabang lang yang si Paeng.

"Hindinaman. Wala akong gf na may pangalang nagsisimula sa letter O, Ñ at Ng." He said matter of factly.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon