Pang Dalawampung Silip

150K 2.9K 248
                                    

Dalawampu

Tinanghali ako ng gising. Pagod na pagod ako kagabi. Ganun pala talaga pag wedding night noh? Nakakapagod!

Wala na din si Paeng sa tabi ko. Buti naman! Bwahaha.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko silang naglalunch. Sinabi ko na sa inyo na tanghali na ako nagising di ba? Kaya lunch time na.

“O Ana kumain ka na.” Yaya ng Tita ni Paeng. Umupo ako at nakikain. Wala ng hiya hiya, gutom ako eh. Nagtaka lang ako kasi wala si Paeng. Baka nasa farm pa at hindi pa bumabalik. Hindi na ako nagtanong. Kakahiya kaya. Iisa lang ang kwarto namin tapos di ko alam. Kamusta naman yun?

Pagkatapos namin kumain niyaya ako ng isang pinsan ni Paeng sa may garden nila. Sosyal talaga ang bahay nila. May malaking garden.

“I wonder kung bakit hindi ka sinama ni Kuya Ralph eh kakakasal niyo lang.” Tiningnan ko ang pinsan niya na si Raziel.

“Ehhhh..Ayokong pumunta sa Farm. Mainit.”  Nagpaypay pa ako ng kamay ko.

“Hindi naman nagpunta si Kuya Ralph sa farm eh.” Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Nag usap ang mga mata namin. Parang sinasabi niya na, ‘hindi mo alam?’ ako naman sinsabi ko, ‘sa tingin mo?’ Pro hindi ako nakatiis.

“Saan siya nagpunta?”

“Naku pasaway talaga si Kuya Ralph. Bumalik na siya ng Maynila. Tapos na kasi ang suspension niya.” Lalo akong nagtaka. Ano ang gagawin ni Paeng sa Maynila, may sakahan ba sila dun?

“Suspension?”

“Sinuspend kasi ni Grandma si Kuya Ralph sa opisina. Indifinite suspension daw pero kaninang umaga sinabi ni Lola na pwede na siyang pumasok kaya bumalik na siyang Maynila.” Napatango tango lang ako sa sinabi ni Raziel.     

“Bakit siya sinuspend?”

“Eh kasi may kunti siyang  violations sa company. Mga fifty siguro. Isa na dun ang pagpatol sa anak ng isang kliyente namin tapos nung nagsawa siya hiniwalayan niya kaya nag pull out ng investment yung client na yun. Tapos walang tumatagal na secretary sa kanya kasi nilalandi niya tapos pag bibigay na paalisin niya. Ang sungit sungit pa niya sa mga empleyado. Basta mga fifty yun eh pero ang nagpagalit talaga kay Grandma ay yung pag alis niya ng portrait ni Grandma sa office niya at pinalitan ng aquarium ni Lilac.” Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Raziel o hindi pero mukhang  seryoso naman  ang mukha niya.

“Bakit ba kasi importante sa kanya si Lilac?” Matagal ko nang gustong itanong yan.

“Kasi break up gift yan sa kanya ng ex girlfriend niyang si Lily. Hindi mo ba nakita ang caption sa likod ng aquarium ni Lilac?”

“Hindi eh.” Ganun pala yun? So ibig sabihin di pa talaga siya nakakaget over dun sa ex niya?

“Nakalagay dun sa likod ng aquarium,’Ralph aaminin kong magaling kang sumisid, but I’m sorry, I’ve found someone who can dive better. He’s a fast and deep diver. He really knows how to explore the vastness of the ocean. Here’s my simple gift as a token of appreciation for your great diving.” So ganun pala yun? Pinagpalit sa isang diver si Paeng. Ang saklap naman pala ng paghihiwalay nila. 

“Kelan siya babalik?” Napangiti si Raziel sa tanong ko. Siguro iniisip nun na mamimiss ko si Paeng. Lol.

“Di ko din alam. May bahay kasi siya doon. Pero since andito ka baka uuwi yun every weekend. Ana, aalis muna ako ha. Gusto kong kumain ng binating itlog. Tsaka di naman talaga ito ang story ko. Nakikiextra lang ako.” Tapos umalis  na siya. Siya pala si Raziel , ang nag iisang babae sa magpipinsan.

Weeeeeeeeehhhhhh? Di nga? Umalis si Paeng?

Umalis si Paeng!

Yes! Napasuntok ako sa hangin.

Wahahahaha. Sana hindi na siya bumalik forever and ever.

Masaya akong bumalik sa bahay. Lahat ng nakasalubong ko, mapa paru paro, uod, gamu gamu, gagamba, damo at bulaklak binabati ko ng good afternoon. Ang saya saya talaga.

Napansin din ng mga kasambahay namin na masaya ako kaya napapangiti din sila. Pagdating ko sa kwarto ang laki ng ngisi ko. Yes!! I’ll be Paeng free for the week.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, nagtatalon ako sa kama! Ang saya saya ng buhay. Nagsisigaw pa ako na wag ng bumalik si Paeng. Talon pa din ako ng talon nung may mahagip ang mga mata ko sa may pintuan. Napatigil ako bigla sa pagtalon.

At nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Paeng na nakasandal sa hamba ng pinto.  Huling huli ako.

“A-akala ko pumunta ka ng Maynila?” Nauutal pa ako.

“Ng di ka kasama? Asa! Pumunta lang ako kina Mama at Papa para ipagpaalam ka na doon na tayo titira.” Waaaaaahhhhh!

“Eehhhh…Paeng, pwede naman na doon ka na tumira at dito ako titira di ba? Mas masaya nga yun eh. Free ka at free ako.” Papayag na yan! Papayag na yan.

“And leave our marriage unconsumated? No way!” He said with conviction.

Nanlaki ang mga mata ko.

Pooooootek!!!

Ang lalim ng English niya!

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon