Pang Limang Silip

166K 3.2K 309
                                    

Panglimang Silip

"Ohhhhhhh..... Ahhhhhhhh....!" Naalimpungatan ako ng dahil sa ingay. Ano bang klaseng panaginip yun bakit may ungol?

"That's feels so good! Oooooohhhh... Shit!  Don't stop! Ahhhhh!" Napabangon ako bigla. Hindi ako nananaginip! Totoong may umuungol. Tiningnan ko ang relo sa bedside table. 3AM in the morning. Hala, may multo ba dito sa bahay ni Paeng? Tumayo ako ng dahan dahan sa kama.

"Oh my God! Ooooohhh my God!" Oh my God!! Grabe namang multo yun, hindi man lang natakot sa pangaln ng Diyos. Siguro madre yun dati kaya religious.

Tapos nakarinig ako ng mga kalabog. Mukhang galing sa sala. Patay na! Mukhang poltergiest pa ata ang multo at naninira pa ng gamit. Sinuot ko ang tsinelas ko na nasa gilid ng kama at dahan dahang lumabas ng kwarto ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa pinto lalong lumalakas ang ungol ng poltergiest.

Patay ka ngayong poltergiest ka! Kinuha ko ang nakasandal na kahoy na sinasabitan ng kurtina  sa gilid ng pinto. Mabuti na lang talaga at hindi ko pa ito nakakabit. Sasabihan ko mamaya si Paeng na ipa-bless niya itong bahay niya kasi mukhang pinamamhayan na din ng multo.

OO nga pala. Nakauwi na kaya yun? Kasi kaninang alas diyes bago ako matulog, hindi pa siya bumabalik. Bahala na nag siya. Malaki naman na siya.

Dahan dahan ko nang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Inihanda ko na din ang pamalo ko sabay hanap ng switch ng ilaw para sa sala.

"Ahhhhhh ahhhhhhh". Naririnig ko pa din ang poltergiest. Mukhang babae nga! Naku! Nakpkap ko na ang switch ng ilaw.

1....

2....

3.... click.

Lumiwanag ang buong sala.

"Yahhhhhh!" Tumakbo na ako sa kung saan ko narinig ang boses ng poltergiest at papaluin ko na sana ng......

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Napasigaw ako ng malakas na halos mabulahaw ang buong barangay!

"Ahhhhhhhh!" Napabalikwas ang poltergiest.

"What the fuck!"

Nanlalaki ang mga mata ko. Paano ba naman kasi. Hindi naman poltergiest ang nakita ko. Mas masahol pa sa poltergiest ang nadatnan ko. 

Nakita ko si Paeng at ang babae sa sofa. Halos nakahubad na silang dalawa. Yung babae naka panty na lang at nakabra at nakahigh heels at nasa itaas ni Paeng. Kahit anogn pilit kong isara ang mga mata ko para hindi makita ang kahalayan sa harapan ko, mukhang ayaw magsara nito.

"Ana!" Biglang tumayo si Paeng at dahil nasa ibabaw niya ang babae, nahulog ang babae sa sahig.

"Ouch!"

Napapikit ako. Ayaw kong makita si Paeng na ganyan ang itsura. Pawis na pawis at lalong ayaw kong makita na halos nakahubad na siya kasi nanunuyo ang lalamunan ko.

"Mga bastos kayo!" Tumalikod na ako. Pero humarap ako ulit kasi nakalimutan ko. Hindi pala nakaall caps ang sinabi ko.

"MGA BASTOS KAYO!!!!!" Tapos tinalikuran ko na sila at pumasok sa kwarto ko. ANg bilis ng tibok ng puso ko. Talo ko pa ang nagmarathon. Mukhang ako pa ang nahiya sa kanila. Mga bastos. Mga walang modo. May kwarto naman pero bakit sa sala pa?

Hindi maalis alis ang ngitngit ko. Grabe! Hindi ko to ma take!

Ganun pala ginagawa yun?

Kailangan bang babae ang nasa itaas?

Hindi ako nakatulog hanggang mag umaga dahil hindi maalis sa isip ko ang nakita ko. Maaga akong gumising. Este maaga pala akong tumayo kasi hindi na nga ako nakatulog. 5AM palang pero wala na din namang use na humiga pa ako kasi hindi na ako makakatulog.

Mga bwisit talaga. Mga panira ng tulog. Panira ng kainosentihan ko.Dali dali akong pumunta sa laundry area. Kumuha ng isang timba. Kinuha ko na din ang isang kilong sabon, zonrox, map at kung ano ano pang panlinis. Kinuha ko na din ang hose sa garden at ikinabit sa faucet sa cr.

Una kong binasa ang sofa na hinigaan nila kagabi. Nilagyan ng sankatutak na sabon at zonrox. Pagkatapos kiniskis ng mabuti at binanlawan at ibinilad sa labas ng bahay. Bahang baha na ang loob ng sala at kusina ni Paeng pero hindi ko pa din tinigila ang paglilinis ko. Alas diyes na pero wala pa ding lumalabas sa kwarto ni Paeng. Gusto ko na silang lumabas para yun naman ang malinis ko. Hindi na ako nagluto. Hindi ko maatim na kumilos na may mga duming aali aligid sa paligid ko.

"Woahhh! Bakit baha?" Nakita ko si Paeng na nakatopless na lumabas ng kwarto niya pero hindi siya makalakad kasi bahang baha ang buong sala.

Hindi ko siya sinagot. Inismiran ko lang siya.

"Anong ginagawa mo Ana?" Tiningnan ko siya ng masama at inismira.

"HINDI BA OBVIOUS? NAGDIDISINFECT AKO NG BUONG BAHAY. AYOKONG MAHAWA SA KAHALAYAN NIYO!!" He just chuckled at tiningnan akong naglilinis.

Walang hiya talaga! Parang wala lang sa kanya na nahuli ko sila kagabi. Bastos talaga!

"Ana?" Napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Kulang na lang buhusan ko siya ng tubig sa timba na pinaghugasan ko ng basahan.

"Virgin much?" He smirked. Naningkit ang mga mata ko and.......

Binuhos ko nga sa kanya ang timba na puno ng itin na tubig at may sabon sabon pa.

Para naman mahimasmasan siya.

Bwisit!

Author's Note:

Dapat walang update ngayon kasi sa Tamako SIa ako mag uupdate pero ang putakteng Tamako, ayaw akong saniban. Hindi ko tuloy magawa gawa ang POV niya.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon