Pang Labing Tatlong Silip

163K 3K 214
                                    

Pang Labing tatlong Silip.

“Ayaw mong magpakasal sa akin?” Tanong ni Paengot sa akin. Nasa garden kami ngayon ng bahay namin. Ang bilis ng panahon di ba?  Parang kelan lang sinabi ni Grandma na kakausapin nila ang parents ko. Ngayon andito na kami at kinakausap nila. Iniwan muna namin sila sa loob at nag excuse kami ni Paeng para makaapg usap.

“Oo” Walang atubiling sagot ko.  Magpapakipot pa ba ako sa bagay na yun, eh alam ko naman ang gusto ko.

“Mas ayaw kong magpakasal sayo! Hindi ko pinangarap na mapurga ng itlog!” Ang kapal ha! Para siya marunong magluto.  Tseeeee!

“Mas ayaw ko naman na magluto at magbati ng itlog mo! Akala mo tuwang tuwa akong gawin yun?” Inismiran ko nga! Kapal ng mukha niya huh! Excuse me lang po!

“So nagrereklamo ka ngayon?  Malay ko ba naman na ayaw mong MAGBATI ng ITLOG ko? Sa tingin ko kasi nag eenjoy ka masyado sa PAGBATI at PAGKAIN ng ITLOG ko!” Teka! Teka! teka! Bakit nakacaps lock ang mga yun?

“Sa tingin mo lang yun! Nakakangalay ang magbati ng magbati! Hmp!”  Bakit nga ba napunta sa usapang bati ng itlog ang usapan na to? Pakiremind nga ako.    

“ So ano ang gusto mo? Ako ang magBATI tapos ikaw ang KAKAIN? May pangangailangan din ako. Kailangan ko din kumain!” Napanganga ako sa mga sinabi niya. Bakit pag lumalabas sa bibig niya, iba ang naiisip ko?

“Ang bastos mo!” Hindi ko na mapigilang sabihin yun. Feeling ko pulang pula na ang pagmumukha ko. Langya!

“Ano ang bastos sa sinabi ko? Hindi masama ang MAGBATI at KUMAIn ng ITLOG ko.”  Tapos nag grin siya. Nanlaki ang mga mata ko.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon