Pang Dalawampu't Tatlong Silip

155K 3.1K 376
                                    

Nagbackread pa ako ng comments niyo. natatawa ako sa sagutan ng mga comments. 


Dalawampu't tatlo

Ayaw kong magkwento ng nangyari kagabi. Baka mainggit pa kayo.  Ang sasabihin ko lang ay masarap. Tamang pang inggit lang. Wahahaha.

Kaya nga tinanghali na naman ako ng gising at nananakit ang katawan ko. Hindi ko naman akalain na ang galing galing pala ni Paeng na napapasigaw pa ako. Kaya kahit masakit, nangibabaw pa din ang sarap.  Napapangiti na lang ako pag naaalala ko. Sana ulitin namin palagi, gusto ko nga araw araw pa eh kaso sabi niya baka malaspag daw ang katawan ko. Oi! Tama na yan. Masyado na akong madaming narereveal sa nangyari kagabi.

Anyway, kumakain ako ng lunch ng mag isa kasi nga pumasok na sa opisina si Paeng. Ang tahi-tahimik ng bahay, ni wala man lang akong naririnig na kuliglig o mga ibon. O kaya ang lagaslas ng tubig sa batis. Ang boring naman.

Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig nung mapansin kong na note na nakadikit.

Ana,

Sa office na ako. If you want to got out para mag shopping, angc ard nasa drawer ng nighttable at ang driver naghihintay sa may lobby. Help yourself with the house.

R. VILLEGAS

Napasmirk na lang ako sa note niya. Talagang capitalized ang VILLEGAS. OO na, alam ko na. Parang engot lang talaga itong si Paeng. 

At bongga may credit card nga sa drawer at naghihintay nga sa lobby ng building ang driver. Sosyal! May driver na ako, unlimited gastos pa. Ito na ba ang dream come true ko? Hindi din. Kung sana hindi si Paeng, sana dream come true na. Baka nga nightmare come true pa. Pumayat na nga ako kakasilbi sa Paengot na yun eh. Haysss….hell come true talaga.

“Ma’am saan po tayo?” Tanong ni Manong driver. Ninamnam ko muna ang salitang Ma’am tapos ngumiti. Ang sarap lang pakinggan. Papalitan ko kaya ng Donya. Donya Ana. Bagay! Wahahaha.

“Ulitin mo po Kuya.” Sabi ko ng nakangiti.

“Ma’am saan po tayo?” Humagikgik ako. Kinikilig lang eh noh? Adik! Ang laki pa ng ngiti ko.  Tapos hindi ko pa din sinagot ang driver, instead tinitingnan ko ang mga buildings na nadadaanan namin. After 5 minutes, saka ko lang hinarap ang driver.

“Dalhin mo ako sa opisina nila Paeng Kuya.”  Todo ngiti pa ako niyan.

“Paeng po?” Ay sayang walang Ma’am. 

“Yung asawa kong engot!” Nakita kong ngumiti ang driver sa sinabi ko.

“Ahhhh.. sa office ni Sir Ralph.” Sir Ralph daw. Arte talaga.

“Tsss… opo.” Tapos bumalik na ako sa pagtingin tingin sa paligid, sa nagtataasang building, sa madaming sasakyan, sa mga taong tumatawid  at sa batang binuksan ang pinto ng isang taxi at may kinuhang bag tapos tumakbo ng mabilis.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon