Chapter 13: Loose ends

1.2K 26 6
                                    

(Mahabang update po yata ulit ito, hehe. Sinusubukan ko na po kasi siyang tapusin. Hehe. Parang chapter 12 po ito. Focus po ulit sa sister issues, Shine and Kath.)
😝

____________________________

"...Wala na po bang ibang paraan para dito?" Tanong ni Sarah.

"Ay ma'am pasensya na po, ako lang po dito eh tiga-file lang ng complaint. Hindi ko po masasagot iyan."

"Baka po pwedeng mamaya nalang po natin to pagusapan? 3AM palang ho, para naman po mahimasmasan yung dalawang partido..."

"Hindi po pwede ma'am eh. Kami po yung malalagot pag pinalampas namin 'to. Pasensya na po talaga."

Lumapit siya sa may kulungan, may inabot siyang bottled water.

"Ito muna, sorry talaga, hindi ko alam pano gagawin namin. Antayin natin si Andrew ha?"

"We're not even related why are you even helping me?." Inagaw niya yung bottled water ng padabog kay Sarah.

"I know, pero bilang isang tao, concern ako sayo. Hindi ka raw pwedeng lumabas. sorry talaga..."

Umatras siya papalayo kay Sarah, humiga sa kama sa loob ng kulungan

May nagbusina sa labas ng City Jail. Sa wakas, nakarating ka na rin Andrew. Pumasok agad si Atty. Sison at nakipag-negotiate. Lumapit si Andrew kay Sarah.

"Tinawagan mo na ba si Kuya?" He asked.

"Hindi pa... Kinakabahan ako."

Kinuha ni Andrew yung phone niya, Di-nial niya yung number ni Bamboo. Inabot niya ulit kay Sarah.

"Just tell him the truth. Ikaw naman ang nakakita eh."

Unang attempt, busy, pangalawang attempt, busy ulit. So nagtext muna si Sarah na tatawagan niya si Bamboo.

'Hey. Sarah. Goodmorning.'

"Uhm, Hi. Goodmorning. ahh... ano, nagising ba kita? Sorry ha."

'No, we're still awake.'

"Ah okay..." She bit her lip.

"May sasabihin nga pala ako." "I have to tell you something." Sabay silang nagsalita.

"Ay ano yun? Sige ano... mauna ka na." Sabi ni Sarah.

'Uhm, no you go first....'

"Ikaw na, sige na please mauna ka na." Baka sakaling good news iyan.

'What is it Sarah? Tell me, you're the one who called eh.'

Pero kanina parin siya tinatawagan ni B. Kaya kanina busy ang linya niya.

Tumingin si Sarah kay Andrew, "Ano, wala lang. Gusto ko lang sabihin na nandito na pala si Kath. Ayun lang."

'Oh.. I see... I see... Wow, that's good. Well, I just want to say the same thing,ugh... we found Shine's husband, Lucas.'

"Good." Sabay na naman sila.

Ahhh okay, bye. Binaba na nila yung phone agad.

"Why did you lie Sarah??? Bakit hindi mo sinabi yung totoo?" Tanong ni Andrew.

"HIndi ako nagsinungaling, totoo namang nakauwi na naman si Kath eh... I just.. Just left out some details.."

"You just left out na nakakulong si Kath ngayon?" Tinaas ni Andrew kilay niya.

"Anong magagawa ko? Mukhang sobrang busy nila eh. Ayusin nalang natin to Andrew... Gising sila ngayon... So it means may inaayos nga sila, kaya naman natin to diba? Ang hirap kasi na nasa malayo sila tapos may iintindihin pa sila diba?." Sabi ni Sarah.

Square One: Ashboo FanfictionWhere stories live. Discover now