Chapter 7: Big Dome

1.5K 33 10
                                    

(BlindAuditions na ng TVOP season 2, Let's go Kamp Kawayan!!! Hiiiiii Coach Bamboo, hihi ❤️ :">)
***
2012,
Sarah.
Big night. This is it. Mamaya na ang 24/SG Birthday concert ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, mapuno ko kaya yung Big dome? I still don't know what to feel.

Everything's so surreal. Napakarami ng happenings sa buhay ko this 2012. Ang bilis, kelan lang nanalo ako sa Star for a Night and ngayon nandito na. This should be the best night of my life yet. Ieenjoy ko to.
At isa pa...

Kailangan ko na ring aminin ito.

Sarah Geronimo @JustSarahG:
Hello po! Kita kita po tayo mamaya sa Araneta! Excited na po ako :-)

It was only 9am. Nakaready na ko and all.. I need to rehearse with Rex this time. Ngayon lang siya naging available eh.

I got in the studio at around 9:50 in the morning. Ayan na siya, mas maaga sakin dumating. Somehow, hindi ako excited.

Pero to tell you the truth, we dated.
Yes, nagdate kami pero hanggang date lang. Pinayagan ako nila Mama, pero hindi nila alam ang ugali ni Rex. In any case, tapos na iyon.

80% of our date, siguro kabisado ko na kung anong brand ng sapatos niya at kung anong brand ng damit ang binibili niya exclusive pa sa ibang bansa. He always brags, which I kind of hate.

Mas gusto ko parin yung taong tahimik at nakikinig lang...

Last week lang magkasama kami, he asked me out if we could hang to catch up. Pumayag naman ako. And nung weekend din, and nung isang araw.
Pero...

Wala eh, hindi parin. Wala akong naffeel para sa kanya..

Siya parin talaga.

Pagkapasok ko ng studio room, nakakita ako ng flowers, will I assume na para sakin iyon?

Nung nakita niya ko kinuha agad niya agad yung flowers, tapos inabot sakin, he kissed my cheek.
Wala paring spark.

"I just want to say Congratulations in advance, for sure niyan mamaya, busy ka na eh." He smiled at me.

"Thank you, nagabala ka pa.." Hindi ka makakamove sakin, akala mo ha.

"You look really beautiful today." Nambola pa no,
"Ngayon lang? Edi kahapon I look hideous?" Sorry wala ako sa mood magpaka-sweet.

"Ay no, no. Maganda ka everyday." Rex assured me.

Tinawag na kami ng MD, i'm actually excited sa concert mamaya, halu halong emotions na nararamdaman ko. Kinakabahan parin ako kung anong mangyayari, pero hindi ko hahayaang kainin ako ng takot. Siyempre, gagawin ko ang best ko para sa mga popster!

After our rehearsal, nagmadali na si MD at ang kanyang band, may 3 pa silang irerehearse at magkakaibang studio, medyo hectic.

Rex and I were left in the room, hindi siya awkward.. But ramdam kong may gusto siyang sabihin.

"Uhm, Sarah, can I talk to you?" He looked at me, medyo lumapit ng konti sa upuan ko. I'm still standing fixing my things

"Sure, ano ba yun?"

"We've dated a couple of times, bakit ganon? Parang.. Parang ayaw mo parin?" He curiously asked.

"Rex, please. I gave you a chance because you're my friend, and somehow I tried to open myself to other people.. Pero hanggang doon lang talaga." Please Rex, stop.

"What do you mean? Nanliligaw ako para sa wala?" Now he's furious.

"Hindi ko sinabing manligaw ka. From the very start nilinaw ko na sayo diba? Still nag insist ka parin na ituloy." Wow. Kasalanan ko pa ba?

Square One: Ashboo FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon