Chapter 12: Strong

2.1K 36 6
                                    

(Hello, happy new year hehe. Panibagong taon na naman natin para umasa! 😂😂😝 medyo napahaba yung update... Sarreh po hehe)

It's a Family Breakfast as early as 6 am.

Magandang umaga, maganda ang gising ng lahat.

A special Filipino meal for the Geronimos, the signature sinangag, daing na bangus and tocino were on the table. (Gutom ako habang sinusulat to sorry haha)

The usual setting din sa dining, nasa kabisera si Daddy Rico, katabi si Mommy Dina, and Shine. Nasa High chair si Zac at nasa tabi ni Dina si Sarah.

Meanwhile, it's an American Style breakfast for the Manalacs. Cereals and Toasted breads with fruits on the table. (Stereotype? Wala na kong maisip)

The difference is hindi sila sa dining table kumakain, nasa kitchen counter sila, Bamboo was cooking infront of them. Nakaupo lang si Jeanne, pinapanood habang fini-flip ni Bamboo ang frying pan, cooking his signature omelet. Andy is reading a newspaper, pero inaantay din ang luto ng kuya niya.

Different family setup,

But both tables are happy. <3

"Ang dami nga pong nagpa-commission ng mga paintings sakin... Kakasimula palang ng online shop, pero maganda na po yung feedback." Shine said, habang sinusubuan ng food si Zac.

"Nako sana nga, maganda rin iyan na nakakapag-design ka ulit." Dina replied. Sine-servan niya ng rice ang asawa niya.

At nagkwentuhan at nag kwentuhan sila Rico, Dina at Shine. Nandun din naman si Sarah, pero pinapanood lang niya sila habang nakangiti. Hawak niya yung spoon and fork pero di niya ginagalaw yung food.

"Sars. Anak, kain na." Rico said.

"Ay haha. Oo nga pala no, natutuwa lang po ako na ang ayos ng buhay natin, at first breakfast ko po ito kasama kayo ulit pagkatapos ng mga nangyari. Masaya lang po talaga ako." She was smiling the whole time. Tinutusok yung fish sa plate pero di naman ginagalaw, nilalaro lang ni Sarah.

"Kaya nga, totoo na ito, nandito ka na ulit kaya kumain ka na ha?" Dina smiled. Hinawakan niya kamay ni Sarah.

Kakain na sana si Sarah pero parang biglang nabulunan nang tanungin ng kanyang mommy,

"Kamusta na kayo ni Bamboo?" Casual na tanong nila.

"P-p-po?" Nauubong sinabi ni Sarah at uminom ng juice.

"Si Bamboo, kamusta na kako kayo?" Inulit ni Dina.

Kinabahan si Sarah, pero na-realize niya, hindi pa nga nila alam. Siya lang masyadong paranoid.

Wala pa silang balak sabihin sa side niya, hindi pa pwede. Actually, kahit pa naman sa family ni Bamboo. Mukhang si Kath lang ang may alam, at may konting clue na si Jeanne.

Medyo magulo rin ang setup nila. Minsan okay sila, minsan hindi.

"Ah! Ano po, okay lang po kami. Nahihiya nga po siya sa inyo humarap ulit, nahimasok daw po kasi siya sa nangyari satin." Sagot ni Sarah.

After ng confrontation, akala ni Bamboo susuntukin siya ni Rico kasi biglang lumapit. Yun pala, gusto makipagshake hands at niyakap si Bamboo. (The signature backhug, bro)

"Salamat, 'nak, at nalaman namin ang totoo. Alam kong hindi kayang gawin ni Sarah ang mga isyung iyon. Salamat at sinabi mo ang totoo."

Hmm. Ang next scene, alam niyo na, mala-teleseryeng reunion kaya lumabas na muna si Bamboo. Nagkaroon ng 1 hour catch up ang Geronimo family.

Square One: Ashboo FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon