CHAPTER 32

548 18 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Oh, absent ngayon sina Matt at Gavin."

Napatigil ako sa pagsusulat ng notes ko nang sabihin iyon ni Rhian. Saglit akong napasulyap sa likuran at oo nga dahil bakante ang mga upuan ng mga ito.

"Miss mo lang si Matt, e." Asar ni Shayla.

Sinamaan siya ng tingin ni Rhian. "Loka, totoo naman kasi. Matapos hindi pumasok ni Migo—lulubog at lilitaw 'yong dalawa."

Oo nga, napansin ko rin 'yon. Ano kayang nangyari sa kanila?

"What do you think, Sheena? May ginagawa kayang kakaiba 'yong mga lalaking 'yon? O 'di kaya wala nang balak pumasok?"

Tahimik lamang ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"Kilala ko 'yong mga 'yon. Baka may ginagawa lang kaya hindi pumasok at saka kung wala man na silang balak pumasok—sayang naman dahil ngayon pa kung kailan graduating tayo. Babalik din sila. May ginagawa lang talaga 'yon."

"P-Pero ang tagal na ng wala..." nasabi ko na lamang.  Hindi ko na mabilang ang araw at kung ilang linggo na.

"Malay mo naman kasi natagalan lang sila. Huwag ka nang nega r'yan. Huwag kang gumaya kay Rhian."

"Ako pa talaga, ah? Oo na..."

"Basta, Sheena. Maniwala ka sa akin... Malay mo, right?"

I sighed.

"Puro na lang tayo malay." Sinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at saka napatingin sa kisame.

Ramdam ko ang titig nila sa akin at alam kong nagtataka sila sa kinikilos ko. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila 'yong tungkol sa napag-usapan namin ni Aki noong nkaraan. Simula nang magkausap kami at iwan ko siya roon. Kinabukasan hindi na rin siya pumasok. Hindi ko alam kung bakit. Gano'n ba talaga kasama na makasama ako kahit isang araw o makausap man lang? Gano'n na ba talaga? Na lahat ng taong makakausap o makakasama ko ay mawawala na lang na parang bula o mang-iiwan na lang?

"Kayo ba, Rhian at Shayla?" Umayos ako ng upo saka tinignan sila ng seryoso. "Kailan ninyo ako iiwan?"

Nanlaki ang mata nila tapos ay nagkatingin sa isa't isa. Bumaling muli ang tingin nila sa akin at kinunutan ako ng noo.

"Okay ka lang?" tanong ni Shayla.

"Naumpog ka ba at natanong mo 'yan? O baka nababaliw ka na?" tanong naman ni Rhian.

"Ay! Baka may sakit ka." Hinipo ni Shayla ang noo at napatingin sa akin ng nagtataka. "Hindi ka naman mainit at mukhang wala kang sakit.

Tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko at ngumuso. "Wala naman talaga."

"Eh, bakit mo nasabi 'yon?" sabay nilang tanong.

Napatingin ako sa kawalan. Napangiti ako nang mapait nang maalala kung bakit ko nga pala nasabi 'yon. "Kasi halos lahat ng malapit sa akin—iniwan ako o 'di kaya 'yong mga nakausap ko lang. Gano'n na ba talagang nakadidiring kausap ako?"

"Sheena..."

I looked at them intently. "Sagutin ninyo ako. Gano'n na ba? O baka grabe na talaga 'yong bibig ko? Na kung ano-ano nang masasakit na salita ang nasasabi ko. Ang insensitive ko na ba talaga? Ano?"

Buti na lang talaga at walang pake ang mga kaklase namin sa drama ko dahil may kaniya-kaniya rin silang pinagkakaabalahan. Talagang kaming tatlo lang ang nag-uusap. Nasa likod din kasi kami kaya walang tsismosa.

Mabuti na lang talaga at wala kaming prof ngayon kaya okay lang na nailabas ko ang kahit unting bigat sa puso ko.

"Hindi, Sheena." ani Shayla.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now