CHAPTER 28

493 21 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Come on, Sleepyhead, time to get up."

Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko.

"Five more minutes, please?" Ani ko at nagtalukbong ng kumot. Aish! Ano bang ginawa ko kahapon? Bakit ang sakit ng ulo ko?

"If you won't get up, you will regret what I will do to you, Sheena."

Bakit parang boses lalaki? Napabangon ako bigla at nanlaki ang mata nang makita ko si Migo na nakasandal sa may pintuan.

Napahawak ako sa kumot na nakabalot sa akin at saka napalunok. My heart is pounding right now. "A-Anong ginawa mo sa akin?!"

Napangiwi siya.

"Wow, ah? May ginawa agad? Bakit masakit ba 'yang pagitan mo?" walang hiyang tanong niya.

Naramdaman ko ang pamumula nang magkabilaang pisngi ko. The fuck? Walang hiya talaga ang lalaking 'to! Kailangan talagang bulgar sabihin?

Tinignan ko ang sarili ko sa loob ng kumot at napakagat ng labi. Nakaramdam ako nang hiya nang makita ko na nakadamit pa rin ako at hindi katulad nang kung ano ang iniisip ko. Suot ko pa rin 'yong damit ko kahapon.

"Oh? May kulang ba sa suot mo? Wala, 'di ba? Grabe ka sa akin."

I gave him a death glare. "Malay ko ba! Knowing you? Naku, manyak ka pa sa manyak."

Bigla siyang napahawak sa may bandang puso niya. "Aray! You hurting my heart again."

Ngumuso ako. "Heh!"

He chuckled. Umayos siya nang tayo at naglakad palapit sa akin at saka umupo sa may kama.

"Ano bang iniisip mo na ginawa ko sa 'yo?" Sumibol ang ngiti sa labi niya. "Nang magawa nating totoo para 'di ka madisappoint."

"Siraulo ka!" Hinawakan ko ang unan na nasa tabi ko at binato ko sa kaniya. Pero dahil magaling ang isang 'to, nakailag siya.

Hindi pa rin niya inaalis ang maloko niyang ngiti. "Gusto mo ngayon na? Tara, ready kami. Tutal umaga ngayon, nakasaludo siya."

Napaawang ang labi ko sa tinuran niya. "K-Kami?"

"Yup." He said and popping the p. Tinaas baba niya ang kilay niya at parang may pinahihiwatig. Napapatingin din siya sa ibaba niya. What the? Anong—biglang nagsink-in sa akin ang gusto niyang ipakahulugan.

Kumuha muli ako ng unan at hinambalos sa kaniya. "Walang hiya ka! Ang bastos mo! Ang bastos-bastos ng utak mo!" 

"Aray! Sheena, tama na. Ang wild mo, Babe. Let's take it slow." Aniya at sinasalag ang unan na hinahambalos ko sa kaniya.

"Loko!" At pinagpatuloy lang ang paghambalos sa kaniya nang unan. Nang mahawakan niya ang unan ay kinuha niya ito sa akin at hinagis sa kung saan. Tumayo siya at saka tumakbo palabas.

Naririnig ko pa ang tawa niya kahit nasa labas na siya. That guy!

Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong wala ako sa room namin. Kaya pala nandito 'yong lalaki na 'yon. Teka nga? Nasaan nga ba ako? Bakit kasama ko nga pala kasama 'yon at hindi sina Shayla at Rhian?

Inalala ko ang nangyari kagabi. Pumunta kami nina Shayla at Rhian sa bar tapos nag-inom tapos—wait anong sunod na nangyari? Bakit wala akong maalala? At saka nasaan 'yong dalawa?

Dali-dali akong tumayo. Lalabas na sana ako nang magsink-in sa akin ang itsura at damit na suot ko. Suot ko pa nga pala 'tong 'di ko alam kung damit pa ba. Ayaw kong lumabas nang ganito—kilala ko ang isang 'yon baka pagnasahan ako. Well, knowing him. Tumingin-tingin ako sa paligid at nagbabakasakaling may damit. Sa kabutihang palad ay may nakita ako kaya naman naglakad ako palapit dito. Damit ata ito ni Migo dahil malaki at amoy panglalaki—amoy niya.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now