CHAPTER 26

465 18 1
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Sasama ako sa 'yo, ah?"

"Oo na." Ani ko habang naglilibot ngayon sa beach party ng kapatid ni Errie.

"Basta sasama ako, Misis. Baka mamaya may-" Hinarap ko siya at nilagay ko ang isa kong daliri sa labi niya para patahimikin siya. Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Migo dahil alam ko naman na rin 'yon. Kanina pa siya gan'yan. Laging pinapaalala na sasama raw siya na dapat kung nasaan ako nandoon din siya, na huwag din daw ako uminom o kung uminom man ay dapat tama lang at huwag sosobra baka mangyari na naman 'yong nangyari sa bahay ni Matt. Para akong bata sa ginagawa niya.

"Alam ko, ilang beses mo na 'yang sinasabi, e."

Inalis niya ang daliri ko sa labi niya at hinawakan niya ang magkabilang kamay ko habang hinahaplos ito.

"Basta, ah?" Parang bata ang mukha niya habang sinasabi 'yon. 'Yong batang nakikiusap sa nanay niya na bilhan siya ng pagkain.

Tumango ako para matahimik na siya at maginhawaan.

He smiled. "Great!"

Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya at inangkla ito. Para kaming bagong kasal sa kilos namin ngayon lalo pa't nakadress ako na puti at siya naman ay nakaputi rin na short habang may suot na black polo pero nakabukas ito. Oo, hot siya sa itsura niya ngayon pero wala akong pake dahil marami naman n'yan dito ngayon.

Speaking of marami. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong may mga lalaking ang lalakas ng appeal na naglalakad. Lima sila at masasabi kong ang mamacho nila habang naglalakad, halos lahat ata ng mga babae rito ay nakatingin sa kanila.

Tumikhim ang katabi ko kaya naman nabalik ako sa reyalidad at humarap kay Migo. Seryoso itong nakatingin sa akin. Pinagpawisan ako bigla.

"Y-Yes?"

He tsked. "Sabing huwag kang tingin nang tingin sa iba, e."

Ngumuso ako. "Nagwapuhan lang..."

"Kahit na, tara na nga. Hinihintay na tayo nila roon, oh!" Sabay turo niya sa isang table kung saan nakaupo ang mga kaibigan namin kasama si Errie. Nakita na siguro nila kami dahil kumaway-kaway sa direksyon namin sina Shayla at Rhian. I did the same way.

Naglakad na kami papunta sa kanila.

"Ang tagal naman ninyong dalawa." Ani Shayla. Nauna silang pumunta rito dahil bigla akong hinatak nitong si Migo at pinaalalahanan ng mga bagay-bagay.

Tinignan ko si Migo at pinaningkitan. "Kasi, itong lalaking 'to. Ang daming sinasabi—akala mo naman mawawala ako."

Hindi man lang ako pinukulan nang tingin ni Migo at kunwari pa 'tong sumisipol na akala mo inosente na walang ginawa.

Napailing-iling na lang ako.

"Hi, Errie." Nang mapatingin ako sa kaniya. Tinaas niya ang kamay niya at nginitian ako. Umupo ako sa tabi ni Shayla. Si Migo naman ay agad umupo sa tabi ko. Nagmamadali pa ito na akala mo'y may kaagaw.

"Need some drinks, guys?" tanong ni Errie.

Tinapik-tapik siya ni Matt at may pinapakahulugan. "Alam mo na 'yon..."

"Sure." Aniya at tumayo saka umalis.

"Hoy, ano na naman ang sinabi mo roon?" tanong ni Rhian kay Matt.

Tumingin sa kaniya si Matt nang inosente. "Why? Sinabi ko lang na alam na niya 'yon. You know, drinks-beers."

Pinagtaasan pa siya ng kilay ni Rhian. "Talaga lang, ah?"

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now