CHAPTER 25

462 17 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Woah! Ang dami nito!"

Napatingin ako sa mga pagkain na nakahain. Oo nga, ang daming putahe. Mauubos kaya namin 'to?

"Grabe ka, Migo. Ganito ka ba kayaman at ganito ang mga hinanda mo?" tanong ni Rhian.

He chuckled. "Don't worry, bayad 'yan lahat."

"Huwag ka na maraming tanong pa, Shokoy. Kumain ka na lang." Ani Matt at umupo na.

"Pake mo! Di ako katulad sa 'yo na kain lang nang kain palibhasa patay gutom!"

Hays, 'yan na naman sila. Magsisimula na naman ang gyera sa pagitan nila.

"Kwento mo!"

"Bakit ko ikukuwento? Sino-"

"Sa pagong." Pagputol sa kaniya ni Matt at saka tumawa.

Sinamaan siya nang tingin ni Rhian. "Baliw!"

"Tama na nga 'yan. Kumain na tayo." Suway sa kanila ni Gavin.

"Opo, Tay."

"Gago!" Gavin raised his middle finger on Matt. Pero ang loko'y tinawanan lang 'yon.

"Mas mukha kang tatay kay Gavin, Matt. Ay! Hindi pala-mukha kang lolo." Asar ni Rhian.

"Aba't! Hindi ka na inaano riyan, ikaw na babae ka, ah! Kapag inano kita nang ano, tamo! Ano ka talaga sa akin!"

"Ano?" Rhain laughed. Mga baliw talaga.

"Hoy! Makinig nga kayo kay Gavin. Kakain na nga tayo ta's gan'yan pa kayo." Sabat ni Shayla at umupo na rin.

Nagkatinginan sina Matt at Rhian. "Opo, nay."

Tumawa sila pareho. Napailing-iling ako. Kanina nag-aaway ta's ngayon biglang nagkabati.

"'Di mo sa amin sinabi, Tay. May nanay na pala kami, e." Asar ni Matt.

"Oo nga, Tay." Gatong pa ni Rhian. Hindi sila sinagot ni Gavin sa halip ay umiling-iling lang ito at umupo na. Tumingin ako kay Shayla at nakita kong namumula ito. Hmm, mukhang may something din, ah?

Umupo na rin ako gano'n din si Migo. Napansin ko na wala lang siyang imik at nakikinig lang sa apat pero minssn ay nakikitawa siya.

"Kainan na!" Sigaw ni Matt at kukuha na sana ng pagkain pero hinampas ito ni Rhian.

"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?" Hinimas ni Matt ang kamay niya na hinampas ni Rhian. Makikita sa mukha niya ang pag-inda ng sakit. Masakit talaga 'yan, mabigat pa naman ang kamay ni Rhian.

"Ang demonyo mo!"

Kumunot ang noo ni Matt. "Bakit naman?!"

Rhian gave him a death glare. "Magdasal muna. Halatang 'di nagdadasal kaya kain agad, e."

"Ay, hehe sorry na." Napakamot sa ulo si Matt at ngumuso.

"Sige na, pray na. Ikaw na manguna, Shayla."

Tumango naman si Shayla at nagsimula nang magdasal. Matapos magdasal ay kumuha agad ng pagkain si Matt. Napailing-iling ako.

"Patay gutom talaga." Rinig kong bulong ni Rhian at napangiwi habang nakatingin kay Matt na kumakain na ngayon.

"Here, kumain ka na." Napatingin ako sa nagsalita. May hawak na plato si Migo at punong-puno ito ng pagkain.

"Ha?"

Ngumiti siya at kumuha ng pagkain sabay tinutok sa bibig ko. Take note, wala pa siyang gamit na kutsara.

"Eat up. Kailangan mong kumain ng madami." Aniya.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora