CHAPTER 17

486 15 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Aray! Ang sakit talaga ng ulo ko."

Napahilot ako sa sintido ko nang sumakit na naman ang ulo ko.  Ano bang pinaggagawa ko kagabi? Pagkagising ko kasi kanina, nasa bahay na ako. Wala na akong maalala matapos ang engkwentro namin ni Migo. Hang over ata 'to. Buti na nga lang at hindi ako pinagalitan ni Ninang dahil uminom ako, e.

"Ikaw kasi inom pa nang inom, alam namang hindi sanay. Kung hindi ka pa namin nakita na kasama si Migo habang lasing ka. Jusko! Inatake na kami sa pag-aalala sa 'yo. Bakit ka nga ba nagpakalasing, huh?" Ani Rhian.

Nandito kami ngayon sa room, nakatambay lang dahil nga CBA week pa rin hanggang ngayon at ang mga teachers dito sa amin ay busy sa ibang bagay.

Biglang rumehistro muli sa isipan ko ang nangyari kahapon. 'Yong may kahalikan si Migo sa terrace tapos bumaba ako at uminom nang 'di alam kung bakit tapos 'yon pala hindi niya talaga hinalikan 'yon at nascam lang ako. Buset! Uminom pa 'ko.

Teka? Nasaan kaya ang lalaking 'yon?

Napahalumbaba ako sa may desk ko. "Basta natripan ko lang uminom." Totoo naman kasi. "At saka excuse me, kayo kaya ang nang-iwan sa akin. Kung 'di ninyo ako iniwan, hindi sana ako hang over ngayon."

Kung 'di nila ako iniwan at tinulak na pumunta sa may terrace,  e 'di wala sana akong problema ngayon.

"Oo na, pero pa'no 'yan? Gusto ko pa naman na maglibot sa mga booth ngayon." Ani Shayla.

Tumayo ako at hinarap sila. Nakaramdam ako ng guilt, e. Napatingin sila sa akin at tinapunan ako ng tingin na nagtataka. "Kaya ko naman,e. Tara." At ngumiti.

Nakita ko ang pagrehistro ng pag-aalala sa mukha nila. "Pero masakit ang ulo mo, 'di ba?"

I rolled my eyes. "Hayaan ninyo na, mayamaya mawawala rin 'to. At saka kakain muna naman tayo bago lumarga sa mga booths."

"Pero ba—" hindi ko na pinatapos si Shayla magsalita at hinila ko na sila palabas ng room. Akala nila, sila lang ang pwede manghila, ah? Dami pang mga sinasabi, e.

Nang makarating kami sa canteen, bumili agad ako ng makakain ko.

"Grabe ka makahila. Ang sakit ng kamay ko," reklamo ni Rhian.

"Kayo nga rin kapag nanghihila, e. Kaya quits lang." Ani ko at hinintay ibigay ang binili. Inirapan din nila ako at bumili na rin ng makakain nila.

Pagkalipas ng ilang minuto ay binigay na sa amin ang pagkain. Naghanap na kami ngayon ng mauupuan at luckily dahil may nakita agad kami. Pumunta kami roon at kumain.

Habang kumakain ako, 'yong buhok ko tumatabing sa gilid ng mukha ko pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Buti na lang at hindi na sumakit pa ang ulo ko. May biglang humawak sa buhok ko at inalis 'yong mga humarang sa mukha ko. Napatigil ako sa pag-kain at hinarap ito. Bigla akong nabilaukan sa taong may hawak ng buhok ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Nginitian ako nito. "Shh, eat up. Don't mind me."

"Okay..."Kumain na lang ako at hinayaan na lang si Migo na hawakan ang buhok ko. Hindi naman mahigpit ang hawak niya, tama lang para hindi ako masaktan at para makakain. Bahala siya riyan, ginusto niya 'yan, e. Kahit naman sabihin ko na huwag na niya hawakan, magpupumilit pa rin 'yan.

Nararamdaman ko ang bawat titig niya sa akin sa tuwing susubo ako. Hindi nawawala ang tingin niya sa akin na nagbigay sa akin ng ilang.

"Ehem! Ehem! Ang tamis. Shayla, paabot ng tubig." Ani Rhian. Napatingin ako sa kanila at inabot ni Shayla 'yong tubig kay Rhian na agad naman nitong ininom. Matapos siyang uminom ay nginisihan ako nito. Kaya naman napaayos ako ng upo at inalis ang pagkakahawak ni Migo sa buhok ko. 

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now