CHAPTER 11

515 18 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

I told him na huwag kanino man sabihin ang nangyari sa amin. Dahil alam ko kapag nalaman ito nina Shayla. Mag-oover react ang mga 'yon. Buti na lang at pumayag siya.

Sa sinabi niya, I thought he was just kidding that day. Na baka gusto niya lang pagaanin ang nararamdaman ko. Na akala ko 'yon lang ang way niya para i-comfort ako pero I'm wrong...

Dahil pagkatapos ng araw na 'yon. Nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa akin...

"Good morning, girlfriend!" Aniya ng makapasok ako sa room.

Binigyan niya ako ng ngiting maaliwalas kaya 'di ko mapigilang mapangiti rin. "Morning."

Buti na lang at he acted normal na parang walang nangyaring kakaiba kahapon. Thanks to God na siya ang nakatuklas ng break down ko. I trust him.

Umupo na ako sa upuan ko at binaba ang bag ko. May ginagawa ako ng magulat ako dahil may biglang isang supot na plastic ang bumulaga sa harap ko. Hawak ito ng kung sinong tao.

Nilingon ko sa likod ang taong may hawak nito pero nawala ito. Nagtaka ako rito. Pa'no nangyari 'yon? Kaya naman umayos na lang ako ng upo pero wrong move ata ang nagawa ko dahil ang mukha ni Migo na nakangiti ang bumungad sa akin. Isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Here. Para sa napakagandang girlfriend ko. Kainin mo 'yan, ah? Ako nagluto n'yan." Kinindatan ako at umalis na.

Napaawang naman ang labi ko sa inasal niya. Why he acted so weird?

Sinundan ko siya ng tingin. Mukhang papalabas siya pero bigla siyang tumigil at bumalik na naman sa pwesto ko.

Nagtaka naman ako dahil nakatitig siya sa akin.

"B-Bakit?" Shit! Bakit ako nauutal?

Ngumisi siya. "Sorry not sorry sa gagawin ko."

Magsasalita na sana ako pero hindi natuloy dahil nagulat ako sa ginawa niya. H-He...kissed...my cheeks. Hindi ako agad nakareact dito. Napansin ko na lang na nasa may pinto na siya ng room at nakangiti ang loko.

"Thank you sa good morning kiss. Next time sa lips na para sulit." At lumabas na.

What the? Anong nangyayari roon?

"Ehem! Nakita namin 'yon. Aba ah? Lumevel up ata si Migo at hindi ka nagreklamo sa ginawa niya?" Ani Rhian at binigyan nila ako ng mapanuring tingin.

"Oo nga, e. Natulala lang ang loka," gatong pa ni Shayla.

Nag-iwas ako ng tingin. "L-Lumabas kasi siya. Mamaya humanda 'yon sa akin."

"Talaga lang, ah?" Sabay pa nilang ani.

Tinignan ko silang dalawa."Oo nga!"

Nagkatinginan ang dalawa at nagkibit-balikat. "Sabi mo e."

At iniwan nila ako.

Napailing-iling ako. Mga baliw talaga, maiissue. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko hanggang sa naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Rumehistro sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Migo.

"Shit! Nababaliw na ata ako." Pagkausap ko sa sarili ko at pumikit sabay hilot sa sentido ko.

Tumingin muli ako sa may pintuan. Hindi pa siya bumabalik.

'Ano bang ginagawa mo, Migo?'

Akala ko roon na natatapos ang kalokohan niya pero hindi.

Biglang tumunog ang phone ko. Naman! Anong oras pa lang, eh? Sino naman itong istorbo? Tinignan ko kung sino ang caller pero nagtaka ako dahil unregister ang number. Sinagot ko ito.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon