CHAPTER 8

601 22 3
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Hindi ko alam pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang anytime, magbe-break down ako.

Bakit ba siya bumalik? Anong kailangan niya? Kukunin? Ano? Maraming tanong ang nasa isip ko. Gustong malaman kung bakit pa siya bumalik dito. Kung bakit, manggugulo pa siya. Manggugulo nga ba?

"Oo nga naman, bakit ka pa bumalik?" tanong ni Gavin. Minsan lang ito magsalita kaya nakagugulat na nagtanong siya kay Akihiro.

"Hindi ba pwedeng bumalik para kunin ang sa kaniya...noon." Ani Aki.

Napapikit ako sa mga sinasabi niya.

"Bakit ka pa babalik? Eh, iniwan mo na nga, 'di ba?" Hindi ko alam kung double meaning 'yon o ano para kay Matt.

Nakapagtataka lang na kilala nila si Aki. Is there something na magkakonekta sa kanila?

"Gusto ko balikan, e..."

Napangiti ako ng mapait sa narinig ko.

"Gusto ka bang balikan?" Tanong ni Matt.

Wala na akong narinig na sagot mula kay Aki. Mukhang nasapol siya roon, ah?

Tumikhim si Ninang. "Akihiro, maghanap ka na ng mauupuan mo." Iniba ni Ninang ang usapan dahil baka magkainitan pa. Tumingin muli ako sa kaniya pero nahuli kong nakatingin din siya kaya ang nagawa ko na lang ay umiwas. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

Hindi ko magawa dahil naaalala ko lang ang lahat...

"Ma'am, pwedeng humingi ng favor?" tanong ni Aki.

"Yes?"

"Pwede bang umupo sa tabi niya?" Hindi ko alam kung saan ang tinutukoy niya. Wala akong pake. Hindi ako tumingin.

Wala akong narinig na kahit ano kaya naman napalingon ako sa harap at lahat sila'y nakatingin sa akin. Ako pala ang tinuturo ni Aki. Walang nakaupo sa tabi ko dahil absent si Lian. Ngayon pa umabsent ang babaeng 'yon.

"Ahmm, pwedeng sa iba na lang, Aki? May nakaupo kasi riyan sa tabi ni Sheena..."

"But I want there." 

"But—"

"Please, Ma'am? Can I?" pakiusap nito.

Bago pa makasagot si Ninang ay may kumalabog sa likod ko kaya napalingon ako rito at nakita kong sira ang armchair ni Migo. What the? Ano naman ang ginawa nito?

"Migo? Something happened?" Tanong ni Ninang.

Tinaas niya ang kamay niya at ngumiti. Biglang nag-iba ang aura niya. Ang creepy. Kahit nakangiti siya alam mong may kakaiba pa rin na bumabalot sa katawan niya. "Nasira ko, Ma'am—'yong desk ko. Pasensya na. Ahmm, pwede bang umupo muna ako sa upuan ni Lian? Tutal absent naman po siya."

Walang masabi si Ninang sa sinabi ni Migo.

Napakamot ito ng ulo. "Sige na, Ma'am. 'Yang transferee na 'yan paupuin ninyo na lang sa labas— I mean sa harap. Tutal transferee, e."

Mukhang nakuha ni Ninang ang point niya dahil ngumiti ito.

"Sige, umupo ka na riyan sa tabi ni Sheena. Aki, sa tabi ka ni Angel." Ani Ninang.

Nilingon ko si Aki at nakatingin ito kay Migo. Nagsukatan sila ng tingin pero unang sumuko si Aki at umupo na siya sa tabi ni Angel. Kinilig naman ito. Naramdam ko ang pag-upo ng ulupong sa tabi ko. Tinignan ko siya at tagumpay ang nakabalatay sa mukha niya. Ngiting-ngiti ito na akala mo nanalo sa laban. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng upuan ko. Parang nakaakbay siya sa akin pero ang pagkakaiba sa upuan nakalagay ang kamay niya.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon