CHAPTER 14

484 18 1
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Sinubukan kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko magawa. His face is freaking serious as hell! Hindi ko alam kung nanggogood time siya or not. Pero kung seryoso siya roon—fuck! Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan.

Ilang minuto rin ata ang lumipas na nakatingin lang ako sa kaniya at hindi nagsasalita. We stared at each other like we don't care if there's a rain outside. Hanggang sa nagpagdesisyunan kong magsalita na sana para tanungin kung ano bang sinasabi niya nang bigla siyang tumawa.

Napaawang ang labi ko sa nakita ko. He's laughing as if there's no tomorrow. The fuck? Nababaliw na ba siya?

Kumunot ang noo ko. "Are you playing around?"

Tumigil siya sa kakatawa at tinitigan ako. Nakabuka na ang labi niya para sana magsalita pero hindi niya tinuloy dahil napansin niyang napatigil ako at nakatingin lang din sa kaniya. Tumingin lang ako as if I don't care sa sasabihin niya. 'Yong mga mata niya parang nangungusap sa akin. Tapos 'yong ilong ang tangos. Napababa ang tingin ko sa labi niya at napakagat labi. Napako ang tingin ko roon. 'Yong labi niya...parang ang lambot, manipis ito...at pink pa. Ang gwapo niya bigla sa paningin ko. Idagdag pa na ang bango niya. Parang...Shit! What the fuck I'm saying?! Is it real that I'm describing his appearance as if I'm drowning on him?

Damn! Sheena, what's going on with you?

"Don't." Napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na nakatingin din siya sa labi ko.

"Hmm?" Hindi ko magawang makapagsalita dahil kagat ko pa rin ang labi ko. What I did? Para akong umungol!

Rinig ko ang mura niya. Napaayos siya ng upo at nag-iwas ng tingin sa akin.

"I-I'm just kidding. Fuck!"Para siyang frustrated at napapikit. "Ihahatid na nga kita bago pa 'ko magkasala." Pinaandar niya na muli ang kotse at inuwi na ako sa bahay namin.

Weirdo.

Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Ninang. Inaya siya ni Ninang na sa amin muna kumain at ang walang hiya, hindi man lang tumanggi. Nasa hapag kami ngayon. Nag-uusap sila about stuffs. Pinabayaan ko na lang at kumain.

"I heard that you and your friends will join the contest. Is it true, Migo?" Napatigil ako sa pagnguya sa narinig ko. What? Sasali sila? How? Bakit 'di ko alam?

Nilingon ko si Migo at hindi sinasadyang nagkatinginan kami. Nag-iwas ako ng tingin. Anong tingin 'yon?

"Yes, Tita," sagot niya.

"Great! For sure your girlfriend will watch it, right, Sheena?"

Nabigla ako sa narinig pero ngumiti na lang din at tumango. "Of course, I'm a supportive girlfriend after all, Ninang." Parang kinilig si Ninang sa sinabi ko. Gosh! Kung alam mo lang talaga, Ninang.

"Nabalitaan ko rin na nag-eensayo na kayo ngayon," aniya pa.

Tumango si Migo. "Puspusan po, kailangan maganda ang kalalabasan. Lalo pa't next week na po 'yon."

Napaform ng O ang bibig ko. Kaya pala wala silang tatlo sa klase. Ano 'yon? Exempted? An'daya, ah!

Marami pang tinanong si Ninang at hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Natapos kaming kumain at aalis na sana si Migo pero pinigilan siya ni Ninang at sinabing manatili muna rito ngayong gabi lalo na't umuulan ng malakas.

At ano pa ang ang expected kay Migo? Malamang, umoo lang din. Walang hiya, e.

Nandito ako ngayon sa may terrace ng bahay namin. Si Ninang for sure tulog na dahil maaga pang gigising 'yon bukas. Si Migo? Baka gano'n din. Nasa guest room siya ngayon.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon