CHAPTER 15

454 14 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"We will have a party at my house later!" Sigaw ni Matt. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa narinig. Alam ko na ang pupuntahan nila roon. Syempre 'yong pagkain at alak.

"Nagpaparty na agad si Gago, oh." Rinig kong bulong ni Rhian.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Matt. Mukhang narinig nito ang bulong ni Rhian.

"Ang panget mo!"

Nagtawanan naman kami. Napansin ko, parang aso't pusa ang dalawang ito kapag magkasama. May something, ah?

Tahimik lamang ako habang nakatingin sa kanilang nagbabangayan pa rin. Nandito kami ngayon sa room. Pagkatapos kasi nang nangyari kanina, nilapitan kami nina Shayla at sinabing bumalik na sa room. Bago kami umalis sa court, binigyan muna nila ako ng makahulugang tingin. Dahil siguro sa pagyakap ni Migo sa akin at sa pag-iyak nito. Wala ngayon sa room si Migo. May pupuntahan daw kasi ito saglit. Hindi namin alam kung saan. Pati nga rin si Aki ay wala. Siguro ang isang 'yon ay nagluluksa dahil sa pagkatalo nila o baka kasama niya ang mga kaibigan niya. Bahala siya.

Hindi kami ngayon maglilibot sa mga booths dahil napagpasyahan na bukas na lang dahil makapaghihintay naman kasi 'yon at saka pagod din kasi sila Matt.

"Kanina ka pa tahimik d'yan." Ani Shayla.

"Wala lang." Nasabi ko.

"Something bothering you?"

Napahalumbaba ako. "Kanina kasi...si Migo parang ang weird niya."

"Why? Weirdo naman talaga ang isang 'yon." Aniya.

Umiling ako. "Not. Parang may kakaiba sa kaniya lalo na sa sinabi niya sa akin kanina..." Hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari kanina. 25 days? Of what?

Napakunot ang noo niya. "Bakit?"

"Ah! Basta. Ang weird niya kanina."

"Baka naman kasi napapansin mo na." Nagtaka ako sa sinabi niya. Tatanungin ko na sana siya kung anong sinasabi niya kaso nakarinig ako ng palakpakan. Kaya naman napalingon ako sa harap at nakita kong si Migo pala ang pinapalakpakan nila. Ewan ba, pero awtomatiko akong napaiwas ng tingin nang gumawi ang tingin niya sa akin.

"Nice one, bro. Ano sabi?" tanong ni Matt kay Migo.

Tumingin muli ako sa kanila. Nakangisi ito. "Ang gwapo ko raw."

Lihim akong napangiwi sa sinabi niya. Hambog talaga. Baka 'yong girl 'yong kausap niya kaya siya nagpaiwan. E 'di, maganda 'yon.

"Migo, ang ganda ng boses mo. Kung 'di mo lang girlfriend si Sheena baka niligawan na kita tapos ako sana ang girlfriend mo." Ani Rhea. She giggled.

What the? Parang nagpintig ang mga tenga ko sa narinig. Halatang kinikilig ito habang nasa harap ni Migo.

Migo laughed awkwardly and rubbed the back of his neck. "Sorry, but...I will turn you down. And make Sheena, my girlfriend. " My girlfriend? Talaga, ah?

Gusto kong matawa dahil 'yong mukha ni Rhea ay parang nasaktan sa sinabi ni Migo. Kunwari pa siyang natawa para hindi mahalatang napahiya.

"You're funny, Migs."

Napatingin sa akin si Migo. "I'm dead serious. At saka kung hindi lang din si Sheena ang maging girlfriend ko, mas magandang maging single na lang ako."

Natahimik saglit ang buong classroom.

"Okay! Okay! Stop flirting Migo, Rhea. Alam mo namang baliw 'yan sa isa." Basag ni Matt sa katahimikan.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now