CHAPTER 18

456 16 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Ayan ang totoong halik."

That's the exacted words he said to me nang matapos niya akong halikan. Kinindatan niya pa ako bago iniwan na lang basta-basta. Hindi ko man lang siya nasapok o ano dahil natulala talaga ako matapos no'n. Hindi makapaniwala na hinalikan ako ng isang Migo! Buong araw hindi ako nakausap nang matino. Tinatanong-tanong pa ako nina Shayla at Rhian pero talagang nganga ako. Lutang dahil kay Migo.

I closed my eyes and convince myself to sleep. Pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Biglang rumihestro sa isipan ko ang nangyari kanina. His soft and sweet lips that crushed on mine. How gentle he kissed me. How—napadilat ako nang wala sa oras. What the! Ginulo ko ang buhok ko sa frustration. Fuck! What's that?!

That kissed!

'Ayan ang totoong halik.'

Narinig ko na naman ang boses niya habang sinasabi ang mga kataga na 'yan. Was that a curse?

"Ugh!" Tinignan ko ang orasan at it's passed midnight but I still can't freaking sleep! "Anong meron sa halik na 'yon?! Bakit 'di ako makatulog?!" At nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Nang mapagod ay kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko sabay sumigaw.

"Kasalanan mo 'to, Migo!" 

I will punch that asshole!

"Boom! Mukhang adik, ah? Ano nangyari?" Asar ni Matt. Nang makapasok ako 'yan agad ang binungad niya sa akin. Wala pa sina Shayla at Rhian. Mukhang late pa nga ang mga 'yon. Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Anong oras ba ako nakatulog? 3am? 4am? Ewan. Talagang pinuyat ako ng halik na 'yon. Hindi naman 'yon ang first kiss ko pero—bakit ako nagkakaganito? Ano naman sa akin? Halik lang naman 'yon, e.

"Hey, are you okay?" Bumulaga sa akin ang nag-aalalang mukha ni Migo

"Ay, putangina mo!" Napabalikwas ako. Putek! Ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Pfft! BWHAHAHAHAHAHA. Minura ka, Bro. BWHAHAHAHAHAHA." Napahawak na sa tyan si Matt kakatawa. Binalingan siya ni Migo at sinamaan ng tingin. Bigla siyang nanahimik at nagpeace. 'Yan kasi nang-aasar pa.

Bumalik na ang atensyon ni Migo sa akin. Nang magtama ang mata namin ay nag-iwas ako ng tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko na naman. 

"Hey, ano ba nangyayari sa 'yo? Okay ka—" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at tumayo na ako at saka dali-daling lumabas ng room.

Narinig ko pa ang tawag nila sa akin ni Matt pero hindi ko na lang ito pinansin. Takbo lang ako nang takbo at hindi pinapansin kung may tao man akong makabangga. Basta makaalis lang ako roon.

Sa sobrang bilis ng takbo ko, nabunggo na nga talaga ako sa isang tao at napaupo. Shit! Ang sakit ng pwet ko. Napapikit ako sa sobrang sakit nito kaya naman hinimas-himas ko.

"Are you okay, Shee?" Kinilabutan ako sa boses na nagsalita. Napatingin ako sa kaniya para siguraduhing tama ang hinala ko. At hindi nga ako nagkakamali dahil si Aki. Ano ba ang naging kasalanan ko at ang malas ko ngayong araw? At teka nga, bakit parehas pa sila ng bungad sa akin?

Tumango ako. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Tintigan ko lang ito. Kukunin ko ba o hindi? Huwag na lang kaya? Pero baka isipin niya na ang ano ko.

Labag sa loob kong hinawakan ang kamay niya para makatayo. Ang lambot pa rin ng kamay niya.

"S-Sorry nga pala at saka salamat." Wika ko. Aakmang iiwanan ko na sana siya ng hinawakan niya ang kamay ko. Napalingon muli ako sa kaniya at mukhang mag gusto pa siyang sabihin.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant