CHAPTER 21

428 18 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Ilang minuto ang lumipas at tahimik lamang ako. Tahimik lang din silang dalawa at hinihintay ang sasabihin ko. Buohin muli ang puso ko kasama si Migo? How? Magti-take ng risk muli para sa isang tao kahit durog na durog ka pa rin?

Ang daling sabihin pero sobrang hirap gawin. Ang daling i-advice sa iba pero kapag ikaw na 'yong nasa sitwasyon...ang hirap...sobra. Hindi gano'n kadali lahat ng bagay. Hindi...

Bumangon ako at tinignan sila. "I-I'm sorry but...still no."

"Pero paano kung pwede pa—" Hindi ko pinatapos si Shayla sa mga sasabihin pa niya.

"Para sa 'yo madali lang sabihin 'yan kasi wala ka sa posisyon ko pero kapag naranasan mo na 'yong pag-aalinlangan sa lahat ng bagay at takot sa pag-ibig, baka kainin mo rin 'yang sasabihin mo."

Natameme si Shayla sa sinabi ko. Mukhang alam niyang may punto ako. Inakbayan siya ni Rhian at tinapik-tapik.

Nginitian ako ni Rhian. "Ang gusto lang sabihin ni Shayla ay bigyan mo ng chance, hindi lang si Migo kun'di pati rin ang puso mo. Huwag ka magpakulong sa nakaraan kasi wala rin namang matutulong 'yan. Ang pagmomove on din kasi hindi lang 'yan kusang dumarating dahil kailangan mo rin may gawin para makuha 'yon."

Natigilan ako sa narinig. May punto siya pero...

"Unless, ayaw mong magmove on kaya ka nagkakagan'yan. Kaya mo binabalewala si Migo. You're still hoping for Aki... Umaasa ka pa rin na babalik siya sa 'yo—na may chance pa para sa inyo."

Naestatwa ako sa sinabi niya. Ako? Still hoping?

Natawa ako nang pagak. "A-Are you kidding me? Ano ka ba naman, Rhian? Ano ako tanga? Matapos akong masaktan, magpapakatanga na naman ako sa taong ginago ako?"

"Oo, lalo na kung mahal mo nang sobra." Mabilis niyang sagot.

Hinawakan na siya ni Shayla sa kamay at pinapatigil na pero mukhang ayaw nito magpaawat. Kinalas niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Shayla at naupo sa tabi ko.

"Ano? Totoo ba?"

Nag-iwas ako nang tingin. "H-Hindi..."

Hindi naman talaga dahil naniniwala ako na kapag sinaktan ka na, tama na 'yon. Huwag mo na ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ginago't niloko ka na.

"Talaga lang, ah?" Mukhang hindi sila naniniwala. 

Gano'n ba ako kahirap paniwalaan? Wait! Parang narinig ko na 'yon kung saan.

"Basta! Hindi ako babalik sa kaniya. Period." Desidido kong ani.

"Siguraduhin mo lang, baka naniniwala ka na sa 'It's sweeter when it's second time around' tama ba? Ah, basta! Ayon." Ani Shayla.

Natawa naman kami sa kaniya.

"Maniwala kayo sa akin. Hindi na ako marupok. Hindi na..."

"Pero syempre nasa sa 'yo pa rin ang desisyon, Sheena. Ikaw ang nakaaalam kung ano ba talaga ang gusto mo mangyari. Opinyon lang namin 'yon ni Shayla. At the end, desisyon mo ang masusunod."

Ilang araw rin ang lumipas at sa mga araw na lumipas, hindi nakapasok si Migo dahil nasa hospital pa rin siya. Nakararamdam pa rin ako ng guilt kaya kahit pagpunta man lang sa hospital para sa kaniya'y hindi ko magawa. Sina Matt at Gavin? Okay na ulit ang trato nila sa akin. They even said their sorry especially Matt.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Shayla.

Napakunot ang noo ko. "Ang alin?"

"Si Migo, nakalabas nang hospital noong isang araw pa."

Natigilan ako roon. "E-E 'di, mabuti naman."

"Ano nang gagawin mo?" Napalingon ako kay Rhian.

"Wala."

"Seryoso ka talaga sa sinabi mo, 'no?" Aniya.

Nginitian ko sila. "Seryosong-seryoso."

"Haynaku! Kapag talagang kinain mo 'yang sinabi mo," ani Shayla.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ano?"

"E 'di, busog ka." And they laughed.

Napailing-iling ako at inayos na lang ang mga gamit ko. Nagkuwentuhan na lang silang dalawa habang ako ay busy. Ilang minuto ko ring inayos ang mga gamit ko at nagtaka ng hindi ko na sila narinig pa na magsalita.

"Bakit bigla kayong nata—" May biglang mga kamay na nagtakit sa mga mata ko.

Inalis ko ito at humarap sa taong nasa likod ko. "Ano bang—Migo?"

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako nang kaba ng makita ko siya pero may naramdaman din ako na saya dahil finally, pumasok na rin siya. May mga gusto sana akong itanong sa kaniya pero naestatwa ako at napatitig na lang.

"Hey, misis."

"H-Hi." Bakit ba ako nauutal?

Nawala ang ngiti niya sa labi at pinalitan ito ng seryosong mukha. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Namiss kita." Aniya. Parang nanlambot ang mga tuhod ko sa tinuran niya.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong hatakin at niyakap. Biglang kumabog ang puso ko.

"Ang daya mo, hindi mo man lang ako nagawang puntahan sa hospital. Alam mo bang araw-araw akong umaasa na baka pupunta ka pero dinischarge na lang ako pero wala..." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nakaramdam ako ng guilt.

He chuckled. "Pero okay lang, at least ngayon..." Kinalas niya ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako sa kaniya. Nakita ko na naman muli ang maaliwalas niyang ngiti. Hinawakan niya ang baba ko. "Nandito na ako. And we will spend the remaining days together..."

Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Ano bang ginawa ko at may isang Migo akong kaharap ngayon?

"Namiss talaga kita, Sheena. Sobra kitang namiss..."

M-Migo...

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now