CHAPTER 6

594 22 11
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Nagdidelusyon ka na naman, anak," ani ng Dad niya at tinawanan siya. 'Di ko napigilan at natawa na rin ako. 'Di ko akalain na papa niya mismo ang magsasabi nang gano'n sa kaniya.

"Woah, Dad!" Parang 'di siya makapaniwala sa narinig niya. "Are you kidding me? Me? A  delusional? Naman! Baka gusto mo bigyan kita ng apo agad, Dad." Baliw 'to. Paano napunta sa apo ang usapan?

Napailing-iling ito sa kaniya at tinapik ang balikat ni Migo. "Huwag puro salita, anak. Gawin mo."

Tinignan ako ni Migo. Napangiwi ako. Hindi ko gusto ang tingin niya sa akin ngayon. Parang manyak na ano mang oras mananakmal.

Tumango siya. "Tara na, Misis. Gawa na raw tayo."

"Migo!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Mga katarantaduhan talaga.

Kinamot niya ang ulo niya. "Joke lang. Alam ko naman na hindi mo pa ngayon kakayanin 'tong kargada ko."

Palihim ko siyang kinurot. Ang bastos!

"Aray! Bakit?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sorry naman..." Ngumuso siya.

Natawa ang Dad niya sa inaasal niya. "Mahina ka, Anak."

Lumapit siya sa Dad niya at may sinabi rito. Napatango naman ang Dad niya. "Sure ka riyan, ah? I will wait for that."

Tumabi muli siya sa akin at inakbayan ako. "Naman! Ako pa ba, Dad? Ilan ba?"

"Bahala ka na roon. Basta maghihintay ako. Don't disappoint me, son."

Nagsalute naman si Migo. "Sir! Yes, Sir!"

Minsan talaga 'di ko alam kung matino ba 'to o baliw na.

"Let's eat. Shall we? Baka nagugutom na 'yang girlfriend mo."

"Dad, misis ko." Pag-correct niya pa ni Migo.

Napailing-iling muli ito. "Oo na. Sige, tara na."

"Ano nga pala ang ginagawa ninyo rito?" Tanong ng Dad ni Migo. Nasa hapagkainan na kami ngayon.

Tinignan ako ni Migo at sinenyasan. Alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.

"May gusto sana kaming itanong sa 'yo, Dad."

"What is it?"

Tumikhim si Migo. "Sheena, sige na..."

"K-Kasi po..." Pa'no ko nga ba 'to sasabihin?

"Yes, Ija?"

"May kilala po ba kayong Amethyst?"

Kumunot ang noo nito. "Again, Ija?"

"Ganito po kasi, 'yong ninang ko po may nakuwento sa akin about sa naging boyfriend niya na nakabuntis pero hindi po pala totoo tapos iniwan niya. Sabi kasi ni Migo, gano'n din po 'yong sa inyo. Gusto ko lang malaman kung...ikaw po ba 'yon?"

Natahimik ito saglit pero natawa na rin na kinataka ko. "I had a girlfriend and yes, iniwan niya ako dahil akala niya may nabuntis ako before but her name is not Amethyst."

Parang nabingi ako sa narinig ko. "P-Po?"

Nginitian niya ako. "She's not Amethyst—your Ninang. At saka alam 'yan ni Migo. Hindi niya ba nasabi sa 'yo?"

Sinamaan ko ng tingin si Migo. Alam niya pala pero hindi niya sinabi?

"Alam mo pero—why you didn't tell me?"

He shrugged. "Gusto ko, ikaw mismo ang makaalam."

"But—"

He looked at me intently. "I know you...very well, Sheena. Kahit pa sabihin ko na hindi ang Ninang mo ang ex ng Dad ko. You will still ask my Dad or your Ninang."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama naman siya, aalamin ko pa rin.

"Okay, kids. Tama na 'yan. Let's continue eating." Gaya ng sinabi ng Dad niya, kumain na lang kaming dalawa.

Nang matapos kumain ay nandito kami ngayon sa may sala. Iniinterview ako ng Dad niya.

"So...bakit mo sinagot ang anak ko?" tanong nito. Mukhang hindi ito makapaniwala. Kahit ako po, hindi rin.

"Dad! Tinatanong pa ba 'yan? Syempre ang gwapo ng anak ninyo. Sa sobrang gwapo ko as in! 'Di natiis ni Sheena ang mukhang 'to."

Wow! Ang hambog ng ulupong na 'to, ah?

"As if gwapo ka..."

"See? She said I'm handsome." Pinagmamalaki niya pa sa Dad niya.

"Oo, handsome. Handsome-ma ng mukha," ani ko.

Natawa ang Dad niya sa sinabi ko.

Bigla naman siyang nagdrama. "Ouch! You hurt my feelings, Misis."

I rolled my eyes.

"Pasensya ka na sa anak ko, Ija, ah? Gan'yan lang talaga 'yan, saad ng Dad niya at nginitian ako. Ang gwapo ngumiti. Makalaglag panty.

"Naku po! Okay lang 'yon, Sir. Sanay na po ako riyan. Araw-araw ba naman po akong binubwiset," biro ko.

"Di kita binubwiset, ah? Minamahal lang." 'Yan na naman siya sa mga hirit niya.

"It's getting late. Dito ka muna magpalipas ng gabi." 

Nanlaki naman ang mata ko. "Naku po!" Umiling ako. "Hindi na po, Sir. Uuwi na lang po ako. Makakaistorbo lang po ako rito."

"No, it's okay. Hindi ka istorbo.  At saka huwag mo na ulit sabihing istorbo ka baka mag-ala dragon 'yang anak ko." Anito

"Pero po kasi, Sir... Huwag—"

"No buts. Dito ka muna magpalipas ng gabi. At saka wala naman kayong pasok bukas, right Son?"

Tumango naman si Migo. Parang biglang nagbago ang timpla niya. Minsan may pagkamoody 'to.

"Pero—"

"No, Sheena. Dito ka magpalipas. And please, don't call me sir. Call me Tito instead."

"No! Call him Dad, Misis.," sabat ni Migo.

Napailing ang Dad niya.

Natawa ako. "Hindi niya ako anak. Bakit ko siya tatawaging Dad? Okay na 'yong ti—"

"Eh, kung anakan na lang kita. Gusto mo? Pumili ka, aanakan kita o tatawagin mong Dad si Dad?"

Napaawang ang labi ko sa tinuran niya.

"What the? Anong sinasabi mo?"

"Sabagay..." Ngumisi siya. "Kahit anong piliin mo roon tatawagin mo pa ring Dad si Dad. Pero mas maganda piliin mo 'yong una. Tatawagin mo na si Dad na Dad. May bonus pang anak. Saan ka pa? Sa una na. 'Di ka na lugi. May maganda pang lahi."

Nasisiraan na talaga ng bait ang isang 'to.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon