CHAPTER 2

877 23 7
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Alam mo, baka fate na mismo ang gumagawa ng paraan para magkajowa ka na ulit." Ani Shayla.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Dito kami naglalagi after ng klase. Presko kasi at tahimik lang. Minsan nagpo-foodtrip kami para may magawa.

"I don't need a jowa. Dzuh, sakit lang 'yan sa ulo. Masasaktan lang ulit ako."

"BUT YOU HAVE A JOWA NA!" Sabay nilang sambit

Napangiwi ako. "He's not my jowa." Kung tinutukoy man nila ay si Migo.

"He is na kaya," konyong saad ni Rhian.

"Hindi!"

"Oo nga!"

I gave them a death glare. "He's not my jowa nga kasi."

"Oo nga, hindi niya ako jowa. I'm her boyfriend."

Pinagtaasan ko sila ng kilay. "See? Sabi ko sa inyo, e. He's not my jowa kasi he's my boyfriend."

Napatanga sila sa sinabi ko. "What?"

Doon lang nagsink in sa akin ang sinabi ko. What? My boyfriend?

Narinig ko ang tawa mula sa likod.

"Nice, gusto rin ako maging boyfriend." Kilala ko ang boses na iyon kaya lumingon ako sa likod ko at tama nga ako. Ang hudas na si Migo.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ginagawa mo rito lalaki ka, huh?"

"Magsi-swimming ako riyan, oh," sabay turo niya sa may kanal.

Pilosopo ang siraulo. "Sige, magswimming ka nga riyan. Sisidin mo rin, ah? Baka mahanap mo sa ilalim 'yong nawawala mong utak."

Ngumisi siya. "Sorry pero ikaw lang ang sisisidin ko."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Binato ko siya ng bato na nakita ko. "Ang bastos mo!"

Hindi siya makapalag sa akin at panay ilag lang ang nagagawa. "H-Hey! Ano bang sinasabi mo? Iba ata nasa isip mo, e. Tama na!"

Nagpatuloy lang ako. "Heh! Knowing you? Alam ko likaw ng bituka mong siraulo ka."

"Tama na, Sheena. Pag-ako natamaan n'yan."

Tumigil ako at pinagtaasan siya ng kilay. "Ano, huh?"

"Tatamaan ako lalo sa 'yo." Napakagat labi ako sa narinig ko.

"Heh!"

Napakamot siya sa ulo. "Ano ba 'yan? Hindi pa tayo mag-asawa nito pero bugbog sarado na ako. Under mo ata ako sa future, misis, huh?

Kumunot ang noo ko. "Hindi tayo magiging mag-asawa! In your dreams!"

Napahawak siya sa may dibdib niya na animo'y may masakit doon. "Awts, but your my dream."

"Baliw!"

"Baliw sa 'yo."

Umiwas ako ng tingin at nanahimik na lang. Loko talaga!

"Tapos na kayong dalawa magsagutan?" singit ni Shayla. Tumingin naman ako sa kanila at kanina pa pala sila nakatingin sa amin. Kasama nila ang dalawa ring kaibigan ni Migo na lumapit pa kay Migo para makipag-apir.

"Nice, bro. Galing rumebut." Ani Matt.

Nagkibit balikat si Migo. "Well."


Nagtawanan silang tatlo.

Naningkit ang mata ko. "Hoy, kayong tatlong ulupong! Ano, huh? 'Di kayo aalis dito? Tambayan namin ito."

"May pangalan ninyo kaya bawal kami?" Tanong ni Migo.

Di ako nakasagot do'n. Wala nga namang pangalan namin. At saka wala naman nagsasabi na bawal sila.

"Kahit na!"

Umupo si Migo sa harap ko. "Anong kahit na? Hindi pwede 'yon."

"Anong hindi pwede?"

"Hindi ka pwede sa iba, akin ka." Aniya.

I raised my middle finger. "See this? Ito ka, oh."

Tinignan niya ang kamay ko at napangiwi. "Mas mahaba akin d'yan."

"Gago!"

He gave me a death glare. "Huwag ka magmura."

Napaiwas ako ng tingin. Nakatatakot 'yong mukha niya.

"Mahalin mo ako, pwede pa."

Kanina pa 'to, e.

Kumuha ulit ako ng bato at binato sa kaniya.

"Manahimik ka! Mapapatay kita, e. Isa pa tamo ka!"

Ang loko nginisihan lang ako. "Matagal na akong patay sa 'yo."

Tumayo ako at nilapitan siya pero ang loko nakatakbo agad paalis.

"Loko ka!"

Narinig ko lang ang tawa niya.

Humarap ako sa apat na nakaupo pa rin at nakatingin sa akin. Napapailing sila.

Tinignan ko si Matt. "Kasalanan mo 'to!"

"Anong ako? Para sabihin ko sa—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Gavin ang bibig niya.

"Sige, alis na kami.m," aniya at hinila si Matt paalis.

"Alam ninyo, girls. Pare-parehas silang magkakaibigan. Magsama silang tatlo."

Umiling-iling silang dalawa at tumayo na rin. "Ikaw rin. Parehas kayo ng boyfriend mo." At iniwan nila ako.

Nang makalayo sila. Sumigaw ako. "Hindi ko siya boyfriend!" 

"Paniwalaan mo sarili mo!" Rinig kong sigaw pabalik ni Rhian.

Ngumuso ako at ginulo ang buhok ko.

'Kainis talaga! Ang lalaking 'yon...'

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now