CHAPTER 27

457 18 3
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Tatlong araw matapos ang nangyari na nakilala ko sina Errie at Leon. We still have four remaining days to enjoy here in Batanes. We had so much fun. Napansin ko ang pag-iba ni Migo...I think in a good way. Lalo siyang naging maloko—sweet, at caring. Nagsimula ito noong makabalik siya mula sa hospital na sinundan din ng confession niya at paghingi niya sa akin ng favor. He makes me feel loved every passing day these days. Ramdam ko yung pagmamahal niya at pag-aalaga niya sa akin. 

Hindi ko itatanggi na ang mga pinaparamdam niya sa akin ay hinahaplos ang puso ko. When my friends told me that I was lucky I have him...maybe I am. Minamahal niya ako but at the same time, he knows his limits except when there is someone hitting on me.

Suddenly, my conversation with the girls flashed in my mind until it gets on to the time when Shayla asked me something that got me frozen.

'May...chance na nalilito ka lang at si Migo talaga ang mahal mo pero hindi ka lang...sigurado?'

"Sheena, okay ka lang?" Nabalik ako sa ulirat sa narinig. Napatingin ako sa paligid at nasa hapagkainan pala kami. Nakatingin sila sa akin lahat at hinihintay ang sasabihin ko.

I plastered a smile on my face. "I-I'm okay, let's just eat—don't mind me."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at nagfocus na lang sa kinakain ko. Ramdam ko pa rin ang titig nila sa akin pero ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula na rin silang kumain.

"Nasaan nga pala si Migo, Matt? Wala siya ngayon dito, ah?" tanong ni Rhian.

Oo nga, 'no? Kaya pala hindi ko ramdam 'yong presensya niya rito. Kumakain lang ako at kunwari'y wala lang akong pake sa pinag-uusapan nila. Kain lang ako nang kain pero ang totoo n'yan ay hinihintay ko lang kung ano ang isasagot ni Matt. I want to know where he is.

"Ahmm, ano..." Ilang segundo ang nakalipas at hindi pa rin nasasabi ni Matt kung nasaan. Kaya naman napatingin na ako sa kaniya. 'Yong mukha nito parang natatae. Parang ayaw niyang sabihin kung ano ang nalalaman niya. Palihim niya pang sinisiko ang katabi niyang si Gavin na patuloy lang na kumakain at hindi siya pinansin.

"Bro, tulungan mo ako." Rinig kong bulong niya kay Gavin.

Tumingin sa kaniya si Gavin. Binigyan niya ito nang makahulugang tingin sabay tumango-tango.

"May sinundo lang..." Aniya at nagpatuloy na sa pag-kain.

Nagtaka ako. What? Sinundo? May inaasahan bang susunod sa amin dito?

"Sino?" Mukhang pati sina Shayla at Rhian ay hindi rin inaasahan na may darating pa. Sabagay, inimbita lang din naman pala kami rito.

"Si—"

"Matt! Gavin!" Napalingon kami sa sumigaw at may babaeng patakbong pumunta kung nasaan kami kumakain. I gasped when I saw Migo on her back. Malayo pa ito. Dali-daling lumapit ang babaeng sumigaw kela Gavin at Matt at saka niyakap niya ang mga ito.

"I miss you, boys. Ano? It's been how many months! How are you, two?"

"We're okay, right, bro?" Ani Matt at pilit inaalis ang kamay no'ng babae na nakayakap pa rin sa kanila.

"Yeah." Tipid na ani Gavin.

She laughed. 'Yong tawa niya ang tinis. Nakaiiritang pakinggan. "Gan'yan ka pa rin, Gavin. Tipid pa rin sumagot." Habang tumatawa'y nagawi ang tingin niya sa amin. Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay nito.

Bago pa ito may sabihin ay may biglang nagsalita.

"Veronica." Napatingin kami rito at si Migo pala 'yon. Seryoso ang mukha nito habang naglalakad papalapit sa amin.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now